22/08/2022
SPED | Division of Paranaque City
The ultimate goal of Special Education is to mainstream or integrate these learners with regular program with the assistance of SPED teacher in class.The putative Special Education Act of 2007 identifies ten groups of Children with Special Needs (CSNs) (Sec. 4, para.):
06/05/2021
Extended ang EARLY REGISTRATION hanggang
May 31, 2021
Magpatala na ng inyong mga anak na mag kinder at grade one!
Kinder - bit.ly/pesckinder2021
Grade 1 - bit.ly/pescg12021
25/05/2020
Sa ating mga Mahal na Magulang, itinakda ng DepEd ang pagbubukas ng klase PARANAQUE ELEMENTARY SCHOOL CENTRAL sa August 24, 2020. Ngunit hindi po ito nangangahulugang pisikal na papasok ang mga bata sa paaralan. Una sa lahat, ang ating pinahahalagahan ay ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga anak. Marami pong paraan ng pagkatuto ang aming inihahanda para sa mga bata. Anuman ang gamitin sa mga ito ay nakasalalay sa kakayanan at kapasidad ng bawat tahanan.
Ang mga Learning Modalities na maaring gamitin ay ang mga sumusunod:
1. Modular Distance Learning – may mga printed learning packets or modules na pwedeng i-pickup ng magulang sa school. Meron ding mga distribution centers sa komunidad.)
2. Online Distance Learning - para sa mga may internet at computer/gadgets
3. TV/Radio-based Instructions – manood o makikinig sa istasyong ibibigay ng DepEd, may kaakibat din itong modules
4. Pagsama-sama ng 1, 2, at 3 – magkakahalong paraan ng pag-aaral
Sa panahong wala na ang ECQ o banta ng COVID-19, una nating gagamitin ang Blended Learning. Ito ay kombinasyon ng modular, online at TV/radio instruction. Magkakaroon din ng face-to-face. Pero hindi pa rin ito nangangahulugan ng sabayang pagpunta ng mga bata sa paaralan. Pwede itong maging by batch, depende sa istratehiyang gagawin na nakatugon pa rin sa physical distancing and minimum health standards.
Kaya may survey po tayo, para ganap naming malaman kung ano sa mga Learning Modalities ang higit na effective para sa lahat. Ang survey ay sabay na gagawin sa enrolment na nakatakda sa June 1 to 30, 2020.
Ang enrolment ay may dalawang paraan:
1. Online Enrolment – puntahan ang mga link na aming ibibigay para sa angkop na grade level. Maaring gamitin ang cellphone, tablet o computer na may internet connection.
2. Printed Forms – sagutan ang Learning Enrolment and Survey Form. Ito po ay makukuha sa paaralan mula Lunes-Biyernes sa ganap na 8:00 to 11:00 ng umaga. May mga enrolment kiosks or booth din na mamimigay ng forms. Ibalik lamang ang mga nasagutang forms kung saan ninyo ito nakuha. Makakatanggap kayo ng text message sa oras na ito ay maitala sa listahan ng paaralan.
Ang ating mga g**o, sa ilalim ng DepEd, ay tahasang naghahanda ng mga aralin (in printed modules and video format) para siguraduhing tuloy ang pagkatuto ng ating mga anak sa kabila ng pandemyang dulot ng COVID-19. Gaya ng aming sinabi, mahalaga ang buhay at kaligtasan ng lahat. Ngunit ang edukasyon ay hindi kayang tapusin ng isang pagsubok sa ating katatagan bilang isang bayan.
01/08/2019
Apply now at Hafti Transport Inc. located at Blk R-A, San Juan de Coastal, Moonshell St., Brgy. San Dionisio, Paranaque City
or Email your Resume at [email protected]
Female 18-25yrs old
Must have a pleasing personality
30/11/2018
By virtue of Act No. 2946 enacted by the Philippine Legislature on 16 February 1921, today, 30th of November 2018, is a regular holiday in commemoration of the 155th birth anniversary of Andres Bonifacio.