19/03/2026
“Ongoing School Division Reading of Forms for Kindergarten to Grade 6, ensuring accuracy, transparency, and quality in our learners’ records. This important activity is spearheaded by our dedicated PSDS Mr. Emerson Sabadlab and guided by the leadership of our School Head, Mrs. Maria Cristina N. Balbaboco. Together, we remain committed to excellence in education and proper documentation for the success of every learner.”
12/03/2026
🌸 BABAE KA, HINDI KA BABAE LANG! 🌸
Ngayong tanghali, matagumpay na isinagawa ang pagdiriwang ng Women’s Month sa Col. E. De Leon Elementary School. Sa pakikipagtulungan ng ating paaralan sa VAWC (Violence Against Women and their Children) Office ng Brgy. Moonwalk, naging sentro ng talakayan ang proteksyon at pagpapahalaga sa karapatan ng bawat kababaihan. Nagbigay ng mahalagang kaalaman at inspirasyon si Mrs. Regina Velasco, kinatawan mula sa VAWC Brgy. Moonwalk, katuwang ang ating aktibo at masigasig na Punong G**o. Layunin ng nasabing programa na paigtingin ang boses ng mga kababaihan at siguruhing ang ating paaralan at komunidad ay nananatiling isang ligtas at mapagkalingang lugar para sa lahat.
Tandaan: Ang pagiging babae ay hindi lamang isang kasarian, kundi isang simbolo ng katatagan, talino, at walang hanggang malasakit.
Salute to all the women of CEDLES! ✊✨
12/03/2026
🔥 LIGTAS NA PAARALAN, HANDA SA SUNOG! 🔥
Matagumpay na inilunsad kaninang umaga sa Col. E. De Leon Elementary School ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month. Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Executive Order No. 28 s. 1966, na naglalayong paigtingin ang kamalayan ng bawat mamamayan laban sa panganib ng sunog.
Sa ilalim ng temang, "Sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa," naging sentro ng programa ang pagbibigay ng sapat na kaalaman at kahandaan para sa mga g**o at kawani ng ating paaralan.
Sa pangunguna ng ating aktibo at masigasig na Punong G**o Gng. Maria Cristina N. Balababoco, katuwang si Mr. Ronel Donato mula sa Sampaloc Site II ES, ay ibinahagi ang mga mahahalagang hakbang sa pag-iwas sa sakuna. Binigyang-diin sa nasabing workshop ang tamang paggamit ng fire extinguisher—isang kasanayang napaka-importante na malaman ng bawat isa sa oras ng pangangailangan.
Tandaan: Ang pag-iwas sa sunog ay responsibilidad nating lahat. Saludo kami sa mga g**ong nakiisa at nagpakitang-gilas sa pagsasanay na ito!
09/03/2026
Congratulations to our talented athletes from Col. E. De Leon Elementary School (CEDLES) for their outstanding achievements in the NCR Palaro 2025–2026!
🥈 Silver Medal – Liam Abainza
Discuss Throw
🥉 Bronze Medal – Zyhen Rozz Duran
Javelin Throw
Your dedication, hard work, and determination have brought pride and honor to CEDLES. Your achievements inspire the entire school community to strive for excellence in sports and academics.
Special recognition to coach Ma'am Estrella E. Lavega for the guidance, training, and support that helped our athletes succeed.
Congratulations and we are proud of you!
05/03/2026
🎉 Congratulations! 🎉
Congratulations to Maria Aechelah L. Catubig of Col. E. De Leon Elementary School for being recognized as Technokids Student Ambassador – Technokids Case Project (Grade 6 Level), School Year 2025–2026.
Congratulations also to the Teacher Ambassadors, Sir Alvin Morano and Sir Justine Solis, for a job well done. Thank you to Technokids Philippines for this wonderful award. 👏✨
03/03/2026
💜 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐖𝐎𝐌𝐄𝐍’𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔 💜
Nakikiisa ang Col. E. De Leon Elementary School sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso na may temang:
✨ “Lead Like the Babaylans, Filipinas.” ✨
Ang Buwan ng Kababaihan ay isang mahalagang pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa kakayahan, kontribusyon, at tagumpay ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan ng lipunan, kasaysayan, at kultura. Higit pa rito, ito rin ay pagkakataon upang palakasin ang kamalayan tungkol sa mga hamon na kinakaharap ng kababaihan, kabilang ang diskriminasyon at karahasan.
Sama-sama nating itaguyod ang pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagbibigay-halaga sa bawat kababaihan sa ating komunidad. 💜✨
03/03/2026
🔥🚒 Fire Prevention Month 2026! 🚒🔥
Sa isang pamayanang nagkakaisa, sunog ay kayang iwasan! 🏡💙
Magtulungan tayo sa pag-iingat at paghahanda upang mapanatiling ligtas ang ating mga tahanan at komunidad. 🔥❌
Palaging tandaan: Ang pag-iwas sa sunog ay responsibilidad ng bawat isa.
Kapag sama-sama, ligtas ang lahat! 🤝💖
03/03/2026
🎉✨ 𝐂𝐄𝐃𝐋𝐄𝐒 𝐅𝐎𝐔𝐍𝐃𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 – 𝐒𝐔𝐂𝐂𝐄𝐒𝐒! ✨🎉
Last February 28, 2026, at 7:00 AM, Col. E. De Leon Elementary School proudly celebrated its Foundation Day with a vibrant and joyful program.
From the morning assembly and opening ceremony to the energetic field demonstrations of our Kindergarten and Grades 1–6 learners, the event truly showcased the talents, teamwork, and dedication of our pupils and teachers.
The awarding ceremony and the exciting Cake Raffle in the afternoon added even more fun and excitement to the celebration.
We would like to express our sincere gratitude to Ma’am Cristina N. Balbaboco, our School Principal, for her strong leadership and guidance in making this celebration a success, Our appreciation also goes to City councilor Hon. B**g Benzon and Hon. Shiela Benzon, Brgy. Captain Jemelene “Jem” Qui, and Kagawad Efren Reyes for their valuable support and presence. We are equally thankful to the Multinational Village Homeowners Association, the School SPTA headed by President Harris Singh, and the Faculty Officers led by Cristy Montano for their dedication and cooperation.
To our esteemed judges, supportive parents, alumni, stakeholders, and everyone who contributed their time, effort, and resources—thank you for being part of this meaningful celebration. Your unwavering support truly reflects our strong partnership and commitment to the continuous growth and success of Col. E. De Leon Elementary School.
Here’s to more years of excellence, unity, and service!
26/02/2026
Kaninang umaga ay matagumpay na naisagawa ang School-Based Orientation on Safe Schools NCR sa pangunguna ng ating butihing punong g**o Gng. Maria Cristina N. Balbaboco. Ang makabuluhang gawain ay dinaluhan ng mga mahahalagang panauhin at katuwang ng paaralan, kabilang ang ating District Supervisor na si Emerson Sabadlab, kasama ang mga masisipag na opisyal ng SPTA at HPTA, gayundin ang mga opisyales ng mga estudyante sa ibat-ibang asignatura.
Layunin ng oryentasyong ito na higit pang palakasin ang kaalaman, kamalayan, at pagtutulungan ng buong komunidad ng paaralan sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at mapagkalingang kapaligiran para sa lahat, lalo na para sa ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng pamunuan ng paaralan, mga magulang, g**o, at mag-aaral, mas napagtitibay ang ating iisang layunin na isulong ang kaligtasan, disiplina, at kapakanan ng bawat isa.
Ang matagumpay na aktibidad na ito ay patunay ng matibay na ugnayan at pagkakaisa ng komunidad ng paaralan sa pagtataguyod ng Safe Schools Program, tungo sa isang mas ligtas, mas handa, at mas maunlad na kinabukasan ng ating mga kabataan.
21/02/2026
HAPPENING NOW!!
Clean-Up Drive – February 21, 2026 💚
With the active participation of CEDLES GSP,BSP, CEDLES Faculty, SPTA, NTP, and our Volunteer Parents, we came together in preparation for the upcoming CEDLES Foundation Day celebration
Working hand in hand for a cleaner, greener, and better community! 🌿✨
Let's go Col. E. De Leon Elementary School 136761-Pqc !