Swerte ka kapag nakatagpo ka ng taong seseryoso sayo sa LDR, lalo na kung sa fb lang kayo nagkakilala. Karaniwan kapag naging kayo, tumatagal lang yan ng dalawa hanggang tatlong buwan hanggat meron pa kayong napag-uusapan. Kapag tapos na kayo sa part na yan, andyan na yung nagkakasuyaan, nagkakatamaran. Pero kapag mahal niyo ang isat-isa at gusto niyo magkatuluyan, pareho kayong lalaban, pareho kayong marunong makuntento, at kaya niyo pa ring maging masaya kahit nagkakaroon minsan ng problema.
Admin Lee :>
Admin Lee ღ
Lagi ka bang bigo? Minsan ba naiisip mong malas ka sa pagibig dahil sunod-sunod sablay mga pinasukan mo? Kung alam mo namang walang mali sayo at sapat ka magmahal, minsan nga sobra pa, well hindi ka malas. Walang malas-malas, wala lang kwenta yung napili mo
Admin Lee :>
Kailangan ng isang taong nasaktan nang may mapagsasabihan para sa ikagagaan ng kanyang nararamdaman. Kung kaya minsan, di natin sila masisisi kung bakit mahaba at may hinanakit ang bawat pakikipagusap nila. Kasi sa pamamagitan nito, kahit paano, nababawasan at nailalabas nila ang sama ng loob nila. Pero sa totoo lang, walang eksaktong words para iisplika ang tunay na sakit na nararamdaman ng isang taong labis na nasaktan.
Admin Lee :>
Nagmahal ka na ng sobra at nasaktan, kung palpak mga dumaang lovelife mo, wari kumbaga sa bus, e nagiistop over lang sa buhay mo, tapos aalis din. Try lang ng try, di baleng sunod-sunod, wag lang sabay-sabay, at kapag natagpuan mo na yung taong mababaliw sa pagmamahal niya sayo, yung parang nakita mo yung sarili mo sa kanya, wag mo na siya paalisin sa puso mo, gawin mo ng terminal niya ang buhay mo.
Admin Lee :>
Habang habol ka ng habol sa isang tao, pataas ng pataas ang tingin niya sa sarili niya, pababa naman ng pababa ang tingin mo sarili mo. Maiaangat mo uli pagkatao mo sa kanya, yun e kapag pinakita mong kaya mo rin siyang ibasura kahit binasura ka.
Admin Lee :>
17/03/2015
Like/Tagged/Share...
https://www.facebook.com/pages/Admin-Lee-%E1%83%A6/337072999826079
17/03/2015
Like/Tagged/Share...
Amen...
https://www.facebook.com/pages/Admin-Lee-%E1%83%A6/337072999826079
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Nation Wide's
Parañaque
1700