25/02/2025
๐๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ ๐๐ฏ๐๐ง๐๐ ๐๐ญ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ฅ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ญ๐, ๐๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ
Idinaos ang Miting de Avance at Presidential and Vice Presidential Debate sa Sun Valley National High School upang ipakilala ang mga kandidato at ihayag ang kanilang mga plataporma bago ang nalalapit na eleksyon ng Supreme Student Learner Government (SSLG). Pinangunahan ito ng SSLG at Social Science Club, na dinaluhan ng mga mag-aaral ng Sun Valley National High School. Ginanap ito nitong Pebrero 24, 2025, upang mabigyang-linaw ang paninindigan ng bawat kandidato at matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pagboto. Naging posible ang programa sa pamamagitan ng talakayan, open forum, at debate, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang bawat partido na ipahayag ang kanilang mga adhikain.
Sinimulan ang Miting de Avance ng 8:00 hanggang 11:30 ng umaga, sa pambansang awit, panalangin, at pambungad na pahayag ni Gng. Edinelle Balisacan. Matapos nito, isa-isang ipinakilala ang tatlong partylistโLiyab, Slay, at Soarโna nagbahagi ng kanilang mga layunin sa pamumuno. Sinundan ito ng segment na โIsang Tanong, Isang Sagotโ, kung saan diretsahang sinagot ng mga kandidato ang mahahalagang isyu na ibinato sa kanila, at isang open forum upang mas mapalawig ang kanilang mga kasagutan.
Pagsapit ng 1:30 ng hapon, sinimulan ang Presidential at Vice Presidential Debate sa pangunguna ng mga host na sina Chad Maekaella Par at Matthew Prado. Binubuo ang panel ng hurado ng walong mga eksperto, kabilang sina Mr. Ireneo Tegrado, Ms. Stephanie Kate Mayor, Mrs. Eliza Jozon, Mrs. May Ann Dalauidao, Mrs. Irene Ondo, Mr. Prince Ronquillo, Ms. Isidralin Umayam, at Mr. Pocholo Dustin Andaya.
Sa unang bahagi ng debate, nagharap sina Rhobie Carballo ng SOAR Partylist at Bianca Cosa ng LIYAB Partylist upang talakayin kung dapat bang gawing mandatoryo ang Comprehensive S*x Education sa lahat ng paaralan sa bansa. Sa ikalawang bahagi, tinalakay naman nila ang panukalang gawing sapilitan ang ROTC para sa senior high school students bilang paraan ng pagpapalakas ng disiplina at nasyonalismo.
Matapos ang pangunahing debate, nagkaroon ng audience question round kung saan sinagot ng mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang panguloโRhobie Carballo, Bianca Cosa, Lawrence Jade Espinosa, Angela Pabayos, at Quennie Zyrille Balbastroโang mga katanungan mula sa panel at mga mag-aaral. Bago matapos ang programa bandang 3:30 ng hapon, nagbigay si SSLG President Pocholo Dustin Andaya ng kanyang panapos na pahayag. Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, nagkaroon ng masusing pagsusuri ang mga estudyante sa mga kandidato, na makatutulong sa kanilang matalinong pagpili ng susunod na lider ng paaralan.
Caption by: Randy Jr, O. Pelayo | Managing Editor
Reviewed by: Jan Ferson Villanueva | Copyreader Editor
Photos by: Yuan Railey Nieves | Radio Broadcaster & Randy Jr, O. Pelayo | Managing Editor
Pubmat by: Guada Paula Canosa | Circulation Manager