SSG 2020-2021

SSG 2020-2021

Share

Leadership is Action

31/12/2020

Page 366/366,
As we close this chapter filled with hopes and challenges, we move on to a new beggining of a new journey waiting. Yesterday's downfalls do not link to what's coming tomorrow and so we face every obstacle with a gleam in our eyes saying we can do this, not because we should but because we could. Greet this new year a very open welcome and have hope that 2021 will bring us a better outcome on what the world is facing right now. I wish everyone the happiest new year!

28/10/2020

community

03/04/2020

"Leadership is Action"

29/03/2020

Hi guyss!!! alam kong nakakapagod mag bakasyon sa bahay tapos puro cellphone,tulog,kain lng rin ung ginagawa natin araw-araw. Nakakasawa nuh? kaya pati jowa mo nagsawa sayo. Opx sorry pasmado...Okay lng yan goizz magbre-break rin yan sila ng bago nya. ChouRr HAHAH... Kidding aside..dahil wala namang masyadong ginagawa sa bahay maliban sa paglilinis dahil baka mapagalitan ni nanay at tatay, may special task kami sa inyo na makatutulong sa ating mga kababayan na nagkaroon ng Covid 19...Please do write your name, grade and section and our school name...Paki send na lang po mga SSG ung ginawa ninyo! IT'S TIME TO HELP!!

Hello everyone ❤ Sharing below 🌞

Dr. Nicole Perreras is a doctor at RITM. She is requesting kids to create handmade get well cards that they can give out to their patients to somehow lift their spirits. Each patient will get a get well card as part of their breakfast tray. 😊

Please send them to:

Dr. Nicole Perreras
RITM: Research Drive, Filinvest Corporate City, Alabang

Cards can also be scanned and emailed to [email protected], and someone will print them instead.

In case your kids would be interested in making cards for the RITM COVID patients. 🙂

Let's help brighten someone's day 🌞

👌


10/12/2019

Good Evening Students!

What: Anti-Drug Abuse Seminar and Creation of Barkada Kontra Droga
When: Dec. 11, 2019/2-4PM
Where: Student Center

Sa mga interested students, we advise na magparehistro bukas ng umaga (recess time) kay sir maac. We can accomodate 20 participants. Magdala lang ng parents consent na pinapayagan kayong umattend sa nasabing event. Maraming salamat.

09/10/2019

Mga minamahal naming mag-aaral, hindi lingid sa ating kaalaman na ang ilan sa ating mga kamagaral ay naging biktima ng sunog na naganap sa sunvalley, baltao road sa pasay city noong nakaraang October 2, 2019. Bagamat ang ilan sa atin ay hindi nakaranas na masunugan, batid natin ang pakiramdam na mawalan ng tahanan at mahahalagang bagay tulad ng damit. Kung kaya't kami sa SSG bilang mga kinatawan ng magaaral ay kumakatok sa inyong mga puso upang humingi ng kaunting donasyon o tulong para sa ating mga kamag-aral na biktima ng nabanggit na insidente. Nawa'y ang maliit na tulong na iaabot natin ay makatulong sa kanilang pagbangon sa naging trahedyang ito.

Ang mga sumusunod ay maaari ninyong dalhin at iabot sa sinumang SSG Officers o sa mismong SSG Adviser upang maiabot sa mga biktima. Malugod din po naming tatanggapin ang anumang pinansyal na tulong na maaari ninyong maiabot sa kanila.

Noodles
Canned Goods
Rice
Damit
Uniform
Kumot
Shampoo
Sabon
Toothpaste/Toothbrush
Tsinelas
Iba pang kagamitan na maaaring makatulong sa mga biktima

Maraming salamat at pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.

PNHS-Baclaran SSG

03/10/2019

Hi guys! Gud evening sa mga may bebe jan. Lah po poreber. Jukkkkk! Maraming maraming salamat sa mga nag gagandahan at nag gwagwapuhan nating mga STs jan! Ganda ng mga porma natin mga lods. Dami nyong naakit! Kaso mga bata. Ehk. Salamat sa binigay nyong efforts guys! Sana ay ipagpatuloy ninyo ang nasimulan nyo ngayon hanggang bukas.... Last day na bukas, dat galingan nyo pa pumorma ay este mag turo. Muli, MARAMING MARAMING SALAMAT kahit na senyo nakafocus ung mga estudyante kesa sa lessons nyo. Wag nyo pala masyadong galingan sa pag porma HAHAHAHAH naiinlab senyo ung mga tinuturuan nyo eh

30/09/2019

Hi sa mga pinili pero iniwan at magandang gabi sa mga ginawang option. Ayus lng yan dahil may good news kami para senyo. Walang pasok sa October 2,2019 mga sis pero tuloy mga practice. Sad. At sa mga magiging student teacher makipag-usap na kayo sa mga cooperating teachers niyo bukas para sa schedule of class at lessons sa October 3 and 4 during recess or dismissal time. Kayo na bahala pumili basta dapat dun kayo sa sigurado para d kayo masaktan. Formal or semiforal ang susuotin nyo sa days na yan. Wag pumorma para kay crush ah tandaan magtuturo kayo hindi maghahanap ng bagong crush kasi manhid crush nyu hehez. Btw kaya walang pasok sa October 2 kasi Celebration ng teachers' day sa division ng paranaque.

Teachers' Day Awards 29/09/2019

Magandang gabi! Guys pls pakisagutan po ito. Paki-click na lng nung link. Maraming salamat!

Teachers' Day Awards Isulat ang pangalan ng inyong g**o na sa inyong palagay ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian at nararapat bigyan ng award dahil dito. Ang inyong pangalan, pagkakakilanlan, at lahat ng inyong sagot ay ituturing na confidential.

15/09/2019

MUST READD!!

Sa mga magulang at mga mag aaral,

Buong galang na may pagmamalasakit po tayong pinaaalalahanan at hinihikayat ng DepEd na iwasan ang pagpopost ng buong larawan ng ID, Report Card o Certificate ng ating mga anak sa Facebook o sa anupamang social networking site platforms. Ang mga dokumentong ito, bagama’t karapatdapat ipagmalaki, ay naglalaman ng mga mahahalaga at sensitibong personal na impormasyong maaaring gamitin upang mambiktima at manlinlang ng kapwa kabilang na may ari ng mga dokumentong iyon kasama na rin ang kanyang mga kaanak.

1. Ang buong pangalan ng bata at buong pangalan ng kanyang paaralan na matatagpuan rito ay maaaring gamitin upang matukoy kung saan siya naroroon. Napakadali ngayong isearch at makita ang mga social media accounts ng mga bata gayundin makita sa mapa gamit ang internet ang kinaroroonan ng mga ito;

2. Ang Learner Reference Number (LRN) na natatangi sa isang magaaral ay matatagpuan rin sa mga dokumentong ito. Nakaugnay sa LRN ng isang bata ang kanyang historical school records kasama ang kanyang mga marka gayundin ang mga personal na impormasyon gaya ng petsa ng kapanganakan, adres, pangalan ng mga magulang, lahi, at iba pa, na pawang ginawa ng gobyerno bilang paghahanda sa National ID System. Isang hack ng database ng DepEd at tiyak na makikita ang mga impormasyong ito na magagamit sa Identity Theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Nagagamit, halimbawa, ang apelyido ng nanay noong dalaga at petsa ng kapanganakan upang matukoy ang password ng isang tao sa kanyang mga accounts;

3. Ang lagda o pirma ng mga school administrators at principals gayundin ang mga logos at headers ng mga paaralan ay naroroon din. Ang mga ito ay maaaring makopya at maedit para makahingi ng donasyon at makapangikil;

4. Ang buong Diploma o Certificate ay maaaring makopya para magamit sa pansariling kapakanan. Napakadali na ngayong mag edit at makapandaya.

Muli po, bagama’t tunay na maipagmamalaki ang mga dokumentong ito at masarap ipost sa ating social media accounts, unahin pa rin natin ang kapakanan ng ating mga anak at sarili. Mas mahalaga pa rin na maproteksyunan natin ang privacy natin at ng ating mga anak.

Maraming salamat po!




05/09/2019

Good day!
September 6, 2019 (Tommorow) Sa ganap na alas-dos hanggang alas-tres ng hapon ay may meeting na magaganap para sa lahat ng presidente ng bawat seksiyon o klase (General Assembly).
Kinakailangan po ng 'Parent Consent' o patunay na pinapayagan kayo ng inyong mga magulang na umattend o magpunta sa meeting na mangyayari sa AVR ng ating paaralan.

Salamat at magandang gabi!

20/08/2019

Issuance of cards and meeting of homeroom PTA in all grade levels shall be scheduled on August 28, 2019 at 1:30pm-3:30pm. Hence, STE, Grade 11 and MTAP classes shall be cut-off at 12:30pm to give way for the conduct of the aforementioned school activity.

A school memorandum will be issued to this effect.

Thank you and good pm.

Want your school to be the top-listed School/college in Parañaque?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Parañaque

Opening Hours

Monday 6am - 12:30pm
Tuesday 6am - 12:30pm
Wednesday 6am - 12:30pm
Thursday 6am - 12:30pm
Friday 6am - 12:30pm