30/07/2025
ALS Pagtatapos S.Y. 2024–2025
ALS - National Shrine of Mary Help of Christians Parish
Hulyo 30, 2025
Elementary School Central
Maligayang pagtatapos sa ating mga natatanging mag-aaral ng ALS - NSMHCP! 👏👏👏🎓
Isang taos-pusong pagbati sa inyo na matagumpay na nakapagtapos sa pamamagitan ng inyong tiyaga, pagsusumikap, at dedikasyon sa pag-aaral. Ang araw na ito ay patunay na ang bawat hakbang patungo sa pangarap ay posible basta’t may determinasyon at pananalig.
Ngunit tandaan—hindi rito nagtatapos ang inyong paglalakbay. Sa halip, ito ay simula ng isang bagong yugto ng inyong buhay. Nawa’y patuloy ninyong isabuhay ang mga aral na inyong natutunan at itaguyod ang inyong mga pangarap para sa sarili, pamilya, at komunidad.
Lubos din ang aming pasasalamat sa walang sawang suporta nina Fr. Regulus M. Porlucas, SDB, Parish Priest, Sir Juan Ruben O. Villaluz II, COSHIP President, Ma’am Alicia Reyes, ALS Coorodinator at sa mga bumubuo ng National Shrine of Mary Help of Christians Parish.
Mabuhay kayo, mga bagong magtatapos! Nawa’y maging inspirasyon kayo sa marami pang susunod na mag-aaral.❤️