13/05/2026
Save the date, mga ka-Brigada!
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, at mga volunteers sa ating komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela ngayong Hunyo 1 hanggang 5.
📣 Save the date, mga ka-DepEd!
Sama-sama, tulong-tulong, makiisa sa Kagawaran ng Edukasyon ngayong Hunyo 1-5, para sa 2026 Brigada Eskwela.
Tutok lang dito sa DepEd Philippines para sa mga updates kaugnay ng aktibidad.
Para sa iba pang detalye, basahin ang DepEd Memorandum No. 27, s. 2026: https://www.deped.gov.ph/2026/05/05/may-5-2026-dm-027-s-2026-2026-brigada-eskwela-implementing-guidelines/
13/05/2026
𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬!🏆✨
Hindi matatawaran ang husay at dedikasyon ng ating mga mag-aaral at g**o! Buong galak naming ibinabahagi ang mga pagkilalang natanggap ng ating paaralan mula sa SDO Parañaque para sa mahusay na implementasyon ng Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) at Rapid Mathematics Assessment (RMA).
Dahil sa ating pagtutulungan, narito ang ating mga nakuha:
📖 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘃𝗲𝗻𝘁𝗼𝗿𝘆 (𝗣𝗵𝗶𝗹-𝗜𝗥𝗜)
English: 81.07% Independent Readers
Filipino: 98.14% Malaya/Independent Readers
🔢 𝗥𝗮𝗽𝗶𝗱 𝗠𝗮𝘁𝗵𝗲𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗥𝗠𝗔)
Rank 1 – Key Stage 2 🥇
Rank 2 – Key Stage 1 🥈
Ang karangalang ito ay patunay na sa gitna ng mga hamon, ang ating paaralan ay patuloy na naglalayag tungo sa mataas na antas ng literasiya at numerasiya. Maraming salamat sa mga magulang, g**o, at sa buong komunidad sa inyong walang sawang suporta!
28/03/2026
🎓 Pagbati sa Ating mga Nagsipagtapos! 🎓
Malugod naming binabati ang ating mga mag-aaral na matagumpay na nagtapos sa Taong Panuruan 2025–2026! 🌟📚
Ang inyong pagtatapos ay bunga ng sipag, tiyaga, at determinasyong malampasan ang bawat hamon sa pag-aaral. Kayo ay patunay na ang pangarap ay naaabot sa pamamagitan ng pagsisikap at pananalig sa sariling kakayahan.
Dalhin ninyo ang mga aral, pagpapahalaga, at magagandang alaala mula sa ating paaralan habang tinatahak ninyo ang susunod na yugto ng inyong paglalakbay.
👏 Mabuhay ang Batch 2026!
Patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap at maging inspirasyon sa iba.
Isang taos-pusong pagbati mula sa inyong paaralan — kami ay lubos na ipinagmamalaki kayo! 💙💛✨
28/03/2026
Isang pagbati mula sa Parañaque Elementary School Unit II kina John Emmanuel O. Abundabar at Mackinzee S. Llamas sa matagumpay na pagpasa sa Unified Science High School Admissions Test (USHAT) at sa pagiging qualified para sa interview! 🎉👏
Ang inyong tagumpay ay bunga ng inyong sipag, determinasyon, at dedikasyon sa pag-aaral. Lubos kayong ipinagmamalaki ng buong komunidad ng Parañaque Elementary School Unit II.
Good luck sa inyong susunod na hakbang! 💛✨
10/03/2026
𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝘀𝗮 𝗣𝗘𝗦 𝗜𝗜 𝗕𝗮𝗱𝗺𝗶𝗻𝘁𝗼𝗻 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝘀𝗮 𝗡𝗖𝗥 𝗣𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲🏸
Buong pagmamalaki naming binabati ang ating mga mag-aaral na buong tapang na kumatawan sa ating paaralan sa NCR Palaro 2026 – Badminton na ginanap noong Marso 3–7, 2026.
Ipinakita ninyo ang kahusayan, disiplina, at tunay na diwa ng pagiging atleta sa bawat laban na inyong hinarap. Ipinagmamalaki kayo ng buong komunidad ng paaralan sa inyong dedikasyon at pagsisikap na dalhin ang ating pangalan sa antas ng rehiyon.
Ang inyong pakikilahok ay patunay na ang ating mga mag-aaral ay hindi lamang mahusay sa akademikong larangan kundi maging sa larangan ng palakasan. Patuloy kayong maging inspirasyon sa kapwa ninyo mag-aaral.
03/03/2026
PARAÑAQUE ELEMENTARY SCHOOL UNIT II proudly joins the 2026 National Women’s Month Celebration in support of gender equality and women’s empowerment.
With the theme “Lead like the Babaylans, Filipinas!”, we honor the strength, wisdom, and leadership of Filipino women. Just like the Babaylans of the past, women continue to guide communities with courage, compassion, and integrity.
As the Philippines chairs ASEAN 2026, we stand united in building inclusive, resilient, and empowered communities for everyone.
Together, let us celebrate and support every Filipina who leads and inspires. 💜
24/02/2026
🎨 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐀𝐫𝐭 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐬𝐡𝐨𝐩!
Isinagawa nitong ika-19, 20, at 23 ng Pebrero 2026 ang 𝐀𝐫𝐭 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐬𝐡𝐨𝐩: “𝐀𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠: 𝐊𝐚𝐭𝐨𝐭𝐨𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐆𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠” bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month. Pinangunahan ni 𝐉𝐮𝐥𝐢𝐭𝐨 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐜𝐢𝐨𝐧 ang mga gawain kung saan natuto ang ating mga mag-aaral ng iba’t ibang drawing, coloring, at painting techniques.
Sa loob ng workshop, naipakita ng mga bata ang kanilang talento, imahinasyon, at pagmamahal sa sining. Tunay na kahanga-hanga ang kanilang mga likhang obra at ang kanilang sigasig sa pagkatuto.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito. Nawa’y patuloy nating linangin ang galing at pagkamalikhain ng bawat batang artista ng ating paaralan! 🖌️✨
08/02/2026
🏛️📚 𝐏𝐚𝐬𝐲𝐚𝐥-𝐀𝐫𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧!
Naging makabuluhan at puno ng kaalaman ang 𝐏𝐚𝐬𝐲𝐚𝐥-𝐀𝐫𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐈𝐧𝐭𝐫𝐚𝐦𝐮𝐫𝐨𝐬 ng mga piling mag-aaral ng Ikaanim na Baitang na ginanap noong Pebrero 6, 2026. 🇵🇭✨
Sa paglalakbay na ito, mas lalong napalapit ang ating mga mag-aaral sa kasaysayan at kultura ng bansa—mula sa mga makasaysayang pook hanggang sa mga aral na hindi matututunan sa loob lamang ng silid-aralan.
Isang pasasalamat sa mga g**o, magulang, at tagapag-ayos na naging katuwang upang maging ligtas, masaya, at matagumpay ang gawaing ito. 💙💛
Tunay na buhay ang aral kapag ito’y nararanasan. 📖👣
03/02/2026
Kilalanin ang SELG RANGER — ang partidong handang tumayo, lumaban, at maglingkod para sa bawat mag-aaral ng Parañaque Elementary School Unit II!
SELG RANGER stands for
⭐️Respect
⭐️Accountability
⭐️Never quit
⭐️Grit
⭐️Expertise
⭐️Ready (to lead)
03/02/2026
Ipinapakilala ang partidong handang magsilbi nang may puso at prinsipyo: ang SELG KABATAAN NG PES2! 🇵🇭
SELG KABATAAN NG PES2 stands for
K - Kakayahan (Ability/Skill)
A - Aksyon (Action)
B - Bayanihan (Community Spirit)
A - Adhikain (Advocacy/Goal)
T - Tapat (Honest/Faithful)
A - Alay (Offering/Dedication)
A - Aral (Wisdom/Learning)
N - Ngayon (Now - "Youth of today)
03/02/2026
Handa na para sa isang tapat at maayos na halalan! 🗳️
Ipinapakilala ang bumubuo ng Learner Government Commission on Elections and Appointment (LG COMEA) ng Parañaque Elementary School Unit II para sa taong panuruan 2026-2027.
Sila ang magsisilbing gabay at mangangasiwa sa darating na SELG Elections upang masig**o ang isang malinis, organisado, at patas na pagpili ng ating mga susunod na lider-mag-aaral.