20/06/2026
BINABATI NAMIN ANG ATING MGA ATLETANG TAEKWONDO! 🎉🏆
Taos-pusong pagbati sa ating mga natatanging atleta na nagbigay ng karangalan sa Parañaque Batang Pinoy Selection 2026!
🥇 Vril Anjoe Timbas • Poomsae Individual (Cadet) – Ginto • Freestyle – Ginto
🥈 Adam Dwayne C. Suratos • Poomsae Individual (Grade School) – Pilak
🥈 Khryz Courtney P. Balagtas • Poomsae Individual (Novice Grade School) – Pilak
🥇 Jimeina Joyce C. Salazar • Kyorugi (Cadet) – Ginto
🥇 Zyana Altria B. Adobas • Kyorugi (Novice Grade School) – Ginto
Ang inyong sipag, tiyaga, disiplina, at husay ay nagdala ng karangalan sa ating paaralan at sa Lungsod ng Parañaque. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa kapwa kabataan upang patuloy na magsikap at abutin ang kanilang mga pangarap.
Taos-puso rin naming pinasasalamatan at binabati ang ating mga coaches na sina Coach Ma. Divina Medallada, Coach Antonino Medallada, at Coach JM Medallada sa kanilang walang sawang paggabay, pagsasanay, at suporta sa ating mga atleta. Ang tagumpay na ito ay bunga rin ng inyong dedikasyon at pagmamahal sa isport.
Muli, pagbati sa ating mga kampeon! Patuloy ninyong dalhin ang dangal at karangalan ng ating paaralan at komunidad.
Mabuhay ang ating mga atletang SDES!
Patuloy na lumaban at magtagumpay! 🎉👏