18/08/2026
ANUNSYO | MODULAR ACTIVITY
Muling namahagi ang ating Barangay Baclaran Child Development Center ng mga Modular Activity para sa ating mga mag-aaral, upang patuloy silang magkaroon ng mga makabuluhang gawain at pagkatuto habang nasa kanilang tahanan.
Hangad natin ang tuloy-tuloy na edukasyon para sa bawat bata, anuman ang panahon o sitwasyong ating nararanasan.
📚💙 Dito sa Barangay Baclaran Child Development Center, tuloy-tuloy ang Eduk-AKSYON para sa bawat mag-aaral!
Sama-sama nating suportahan ang pagkatuto ng ating mga anak—sa paaralan man o sa tahanan. 🏠📖
Para sa bata, para sa edukasyon, para sa kinabukasan!