10/06/2026
Matagumpay na naisakatuparan ang Brigada Eskwela 2026 mula Hunyo 1–5, 2026 sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at malasakit ng buong komunidad.
Taos-pusong nagpapasalamat ang paaralan sa lahat ng mga mag-aaral, mga magulang, mga g**o, non-teaching personnel, alumni, volunteers, at iba pang stakeholders na naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang maisagawa ang iba't ibang gawaing paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng ating paaralan.
Ang inyong pakikiisa ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa edukasyon ng ating mga kabataan. Dahil sa inyong mga kontribusyon, mas magiging handa, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan.
Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at dedikasyon. Nawa’y magpatuloy ang ating pagkakaisa para sa ikauunlad ng bawat mag-aaral at ng buong komunidad.
Disclaimer:
No copyright infringement intended. The school does not own the rights to some materials used in this video. All rights and credits belong to their respective owners. The video is shared solely for educational, informational, and non-commercial purposes.
Data Privacy Disclaimer:
All photos and videos of pupils are posted with the consent of their parents or guardians. These materials are used solely for school documentation and promotional purposes in compliance with the Data Privacy Act. Any unauthorized use, reproduction, or distribution is strictly prohibited.