04/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF PROGRAM
Sa pangunguna ng F. Serrano Sr. Elementary School, matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program noong June 5, 2026, bilang paghahanda sa pagbubukas ng taong panuruang 2026β2027.
Nagkaisa ang ating mga g**o, kawani, mga magulang, stakeholders, volunteers, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng komunidad upang ipakita ang diwa ng bayanihan at sama-samang pagtutulungan para sa ikagaganda, kaligtasan, at kahandaan ng ating paaralan.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naglaan ng kanilang oras, lakas, at resources upang maging matagumpay ang gawaing ito. Ang inyong malasakit at pakikipagtulungan ay malaking bahagi sa paglikha ng isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama para sa MATATAG na Paaralan, para sa Kaayusan at Kaalaman!
Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa F. Serrano Sr. Elementary School!