Fr. John Vianney Acosta, OFMConv.

Fr. John Vianney Acosta, OFMConv.

Share

Welcome to Fr. John Vianney Acosta, OFMConv. page. In this page you will enjoy
- Scripture Acosta
09988513381

For your DONATIONS for the mission and for the studies of the Seminarians you may deposit to this account:
BPI account name - St. Maximillan Friary
BPI account number - 1523-1059-29
Gcash:
Alvin B.

02/06/2026
02/06/2026

Basahin mo ang Simpleng Reflection for the Gospel today
Mark 12:18-27

"Sino ang Legal na Asawa sa Langit?"

Ang "Telenovela" ng mga Saduseo
Mga kapatid, magandang umaga! Panoorin mo itong eksena sa Ebanghelyo ngayon, parang script ng isang primetime Pinoy telenovela. Dumating ang mga Saduseo—ang mga rich kids at elite politicians noong panahon ni Hesus—bitbit ang isang nakakalokong scenario. Isang babae, pitong magkakapatid na lalaki ang naging asawa dahil sa batas ng Levirate marriage.

Namatay lahat! Walang anak. Ang tanong nila kay Hesus na puno ng sarcasm: "Sa muling pagkabuhay, sino po ba sa pito ang magiging legal na asawa niya?"

You can almost feel the sarcasm dripping from their lips. Akala nila, na-corner na nila si Hesus gamit ang Bibliya. They thought they had the ultimate checkmate question to prove that the resurrection is a fairy tale.

Ang Akalang "Upgrade" Lang ang Langit
But look at how Jesus responds: "Maling-mali kayo!" He directly points out their two-fold blindness: hindi nila alam ang Kasulatan, at mas lalong hindi nila alam ang kapangyarihan ng Diyos. Ang problema kasi sa mga Saduseo, at madalas problema rin nating mga Pinoy ngayon, kapag iniisip natin ang langit, ang akala natin ay "extention" lang ito ng buhay natin sa lupa. Akala natin, ang langit ay Earth version 2.0 na may mas magandang Wi-Fi at walang traffic sa EDSA.

We project our earthly limitations into eternity. Iniisip natin na kung may selosan at legalities dito, may bitbit pa ring marriage contract at pre-nuptial agreement doon! Kaya ang mga mag-asawa na medyo toxic ang relasyon ngayon, baka kinakabahan habang nakikinig: "Hala, Father, makikita ko pa ba si mister sa langit? Baka naman pati doon, mag-aaway pa rin kami sa paghuhugas ng pinggan?" Huwag kayong mag-alala. Jesus explicitly clears the air: “When they rise from the dead, they neither marry nor are given in marriage, but they are like the angels in heaven.”

Bakit Wala Nang Kasalan sa Langit?

Bakit nga ba wala nang kasalan sa langit? Is it because bad news ang kasal? No! Marriage is a beautiful holy sacrament here on earth. Pero ang kasal ay isang signpost—isang karatula o arrow na itinuturo ang isang mas malalim na katotohanan. Kung bumiyahe ka papuntang Tagaytay at nakita mo na ang sign na "Welcome to Tagaytay," doon ka ba sa tabi ng signboard magpapalipas ng gabi? Of course not! Pumupunta ka sa destinasyon.
Earthly marriage points us to the ultimate communion of love with God. Kapag nandoon ka na sa langit, You don't look at the signpost anymore because you have already arrived at the destination! Sa langit, nakasentro na ang buong pagkatao natin kay Hesus. Ang pag-ibig doon ay perpekto, busog, at sapat. Hindi mo na kakailanganin ang isang tao para punan ang kakulangan mo, dahil ang Diyos Mismo ang magiging "All in All" mo.

Ang Diyos ng mga Buhay at ang Ating Tipan

At hinalbot pa ni Hesus ang sarili nilang hawak na Torah para supilin ang kanilang yabang. Sabi Niya, hindi ba ninyo nabasa ang tungkol sa nagliliyab na punongkahoy? Noong tinawag ng Diyos si Moises, ang sabi Niya, "Ako ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Jacob." He did not say, "I was their God." He said, "I AM." Short grammar lesson from our Lord: He uses the present tense!

This is the power of God’s covenantal oath. Kapag nakikipagtipan ang Diyos sa atin, ang Kanyang pangako ay hindi napapako ng kamatayan. Kung tapat ang Diyos sa Kanyang mga kaibigan, hindi Niya hahayaan na ang kamatayan ang maging huling salita. This is exactly what we remember today as we celebrate the Memorial of Saint Charles Lwanga and his Companions. These young African martyrs faced fire and torture because they knew this truth deeply. Hindi sila natakot mamatay dahil alam nilang ang Diyos na pinaglilingkuran nila ay hindi Diyos ng mga patay, kundi Diyos ng mga buhay!

Huwag Matakot, Mabuhay sa Pag-ibig

Kaya mga kapatid, ano ang hamon sa atin ngayon? Huwag nating gawing mababaw ang ating pananampalataya. Kapag tinatanong natin ang Diyos, huwag nating dalhin ang ating mga makikitid na pananaw at ipilit ito sa Kanya. Instead of worrying about who will sit next to whom in eternity, or whose wife someone will be, let us start living the life of heaven here and now.
Magmahalan tayo nang tapat, magpatawad tayo, at isentro natin ang ating buhay sa Kanya na Siyang muling pagkabuhay at ang buhay. Tandaan mo: your covenant with God is eternal. Sapat Siya. Buhay Siya, at dahil buhay Siya, may pag-asa ka ngayon, bukas, at magpakailanman. Amen.

01/06/2026

Simpleng Reflection for the Gospel Reading today: Mark 12:13-17 - take time to read

"Sino ang May-ari ng Mukha Mo?"

Mga kapatid, magandang araw! Heto na naman tayo sa Ebanghelyo kung saan gustong-gusto ng mga Pariseo at Herodiano na i-gisa si Hesus sa sarili Nyang mantika. Isipin mo, magkaaway ang dalawang grupong ito—parang magkaibang partido sa eleksyon na biglang nagkasundo dahil lang sa isang "common enemy." Plastikan kung plastikan, kumbaga. Lumapit sila kay Hesus, nag-puri muna, "G**o, alam naming tapat ka..." sus, ang tindi ng bolahan! Strategy nila: purihin ka muna bago ka hulog-baba.

Tapos heto na ang killer question: "Dapat ba kaming magbayad ng buwis kay Cesar o hindi?" Naku, napakabigat na trap! Kung sasabihin ni Hesus na "Oo," magagalit ang mga Hudyo; sasabihin nila, "Traydor si Hesus, kakampi ng mananakop!" Kung sasabihin Niyang "Hindi," ire-report naman Siya ng mga Herodiano kay Pontio Pilato bilang isang rebelde. Kulong agad, walang piyansa.

Pero iba si Lord. Hindi Siya basta-basta sumasagot sa bitag. Sabi Niya, "Patingin nga ng isang denaryo."Pambihira, Siya na nga ang tinatanong, sila pa ang hiningan ng pera! At nung inabot ang barya, tinanong Niya, "Kanino ang mukha at nakasulat dito?" Sabi nila, "Kay Cesar." At doon na lumabas ang hugot ng Panginoon: "Ibigay kay Cesar ang kay Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos."

Aba, nagulat silang lahat! Bakit? Kasi napaka-henyo ng sagot. Pero alam niyo, mga kapatid, hindi lang ito usaping pampolitika o tungkol sa BIR at tax evasion. May malalim na teolohiya rito na madalas nating makaligtaan dahil abala tayo sa pag-compute ng ating mga bayarin.
Ang barya, may mukha ni Cesar. Kaya sabi ni Hesus, ibalik niyo sa kanya 'yan. At the end of the day, metal lang 'yan, ginto o pilak na galing sa lupa. Kung ang gobyerno ang nag-tatak, sa kanila 'yan.

Pero ang tanong: Ano naman ang may tatak ng Diyos?

Balikan natin ang unang pahina ng Bibliya, sa Genesis. Sino ang ginawa ayon sa "larawan at wangis" ng Diyos? Tayo! Ikaw, ako, tayong lahat. We are stamped with the divine image—ang Imago Dei. Kaya kung ang barya ay ibinabalik kay Cesar dahil mukha niya ang nandun, ang tao naman ay dapat ibalik at ialay ng buo sa Diyos, dahil mukha ng Diyos ang nakatatak sa ating pagkatao.

Kaya ang hamon sa atin ngayong Martes: Kanino ba talaga tayo tapat? Sino ang may-ari ng "mukha" mo at ng buhay mo?
Minsan kasi, mukha na tayo ng pera. Kapag may sweldo o bonus, ang saya-saya natin, mukhang langit ang mukha natin. Pero kapag dumating ang mga bayarin, nagiging mukhang Biyernes Santo ang mukha natin sa sobrang stress. Tandaan natin, ang pera, ginagamit lang 'yan para sa buhay sa mundo, pero hindi 'yan ang nagbibigay ng tunay na halaga sa atin. Huwag nating ibenta ang ating kaluluwa para sa isang barya na mapupunta lang din sa bulsa ng iba.

Ibigay natin sa pamahalaan kung ano ang obligasyon natin bilang mabuting mamamayan—magbayad ng tamang buwis, sumunod sa batas trapiko, huwag mag-jaywalking. Civic duty natin 'yan. Pero ang iyong puso, ang iyong pamilya, ang iyong prinsipyo, at ang iyong kaligtasan—huwag mong ibibigay sa mundong ito. Kayang-kaya mong ibigay ang barya mo sa gobyerno, pero siguraduhin mong ang buong buhay mo ay nakay Kristo.

Kapag tiningnan ka ng Diyos ngayon, makikita Mo pa ba ang sarili Niyang larawan sa iyo, o baka naman natakpan na ito ng kung ano-anong dumi ng mundo?

Ibalik natin sa Diyos ang nararapat sa Kanya: ang ating buong pagmamahal at katapatan.

01/06/2026

Bumalik na po phone ko!!! Yehey! After 10 days nakabalik din. Nakarating pa sa bicol ang fon ko. Mabuti nakauwi n rin s akin. Thank you indrive for finding the driver and his contact for me. Salamat din s driver n nagsauli through lalamove.

31/05/2026

Simpleng pagninilay sa gospel ngayon. Take time to read:
Mark 12:1–12 (The Parable of the Wicked Tenants)

"Lord, Tenant Lang Po Kami, Huwag Feel-na-Feel na Owner!"

Mga kapatid, magandang araw! Peace and goodness!

Napakalalim ng Ebanghelyo natin ngayon. Kung pakikinggan mo, parang teleserye sa hapon na may agawan ng lupa, sakalan, at patayan. Drama sa ubasan! But look closer, ha? localized version ito ng buong kasaysayan ng ating kaligtasan. It is a story of heavy investments, high expectations, and terrible management.

Isipin mo: Ang May-ari—ang Diyos—nagtanim ng ubasan. Nilagyan ng bakod (hedge), naghukay ng pisaan ng ubas (winepress), at nagtayo ng tore (tower). In biblical language, hindi lang basta bakod at tore 'yan. Ang bakod, 'yan ang Kautusan ni Moises para hindi mahaluan ng ligaw na damo ang pananampalataya natin. Ang pisaan at tore? 'Yan ang Templo at ang Altar! Ibig sabihin, everything was provided! All capital, zero expense para sa mga tenants. Ready to operate, high-end, fully furnished ang ubasan ng Panginoon. Safe ang investment mo.

Ang problema? Ang mga tenant farmers. Noong oras na para maningil ng ubas ang boss, nagka-amnesia ang mga lolo mo! Noong pinadalhan ng mga katulong—na walang iba kundi ang mga propeta—binugbog, sinugatan sa ulo, at pinatay! Sabi siguro ng may-ari, "Aba, baka naman nagkamali lang ng akala. Ipadala ko kaya ang kaisa-isa kong Anak, ang aking 'Beloved Son.' Tiyak, rerespetuhin nila ito."
Pero anong sabi ng mga tenants? "Aha! Heto na ang tagapagmana! Patayin natin para sa atin na ang ubasan!"

Grabe, ang kakapal ng mukha, 'di ba? Naging feel-na-feel na owner! Nalimutan na sila ay katiwala lamang. At 'yan, mga kapatid, ang malaking sakit nating mga tao ngayon: The Tenant Complex. Ang hilig nating magpanggap na may-ari ng mga bagay na ipinahiram lang naman sa atin ng Diyos.

Ilan sa atin ang ganito?
* Sa pamilya: "Anak ko ito! Ako ang masusunod!" Hoy, tenant ka lang. Ipinagkatiwala lang ng Diyos ang buhay na iyan sa iyo para alagaan.

* Sa kayamanan: "Pera ko ito! Pinagpaguran ko ito!" Pasensya ka na, pero ang lakas mo, ang talino mo, at kahit ang bawat tibok ng puso mo habang nagtatrabaho ka, biyaya ng May-ari.

* Sa Simbahan at Ministry: "Parokya ko ito! Choir ko ito! Ako ang matagal na rito!" Naku, baka ikaw na ang sumasapak sa mga bagong pinapadala ng Diyos sa ubasan dahil natatakot kang maagawan ng pwesto!

Noong pinatay nila ang Anak sa labas ng ubasan—na mismong pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus sa labas ng pader ng Jerusalem—akala ng mga tenants, panalo sila. Nagdiwang ang mga mapagsamantalang pinuno. Pero heto ang plot twist ng Diyos: ang batong tinanggihan ng mga nagtayo ng bahay, siya pang naging Cornerstone! Ang akala nilang katapusan ng Anak, naging pundasyon ng isang bagong Templo—ang Simbahan! Dahil nabuhay Siyang mag-uli!

Mga kapatid, ang ubasan ay ibibigay sa iba. Huwag nating hintayin na bawiin ng Diyos ang mga biyayang hindi natin pinapahalagahan. Ang hamon sa atin ngayon ay simple: Magbunga tayo ng kabanalan, pagmamahal, at katarungan. At higit sa lahat, matuto tayong mag-remit sa tunay na May-ari.

Lord, katiwala lang po kami. Sa Iyo ang ubasan, sa Iyo ang kapurihan! Amen.

31/05/2026

Happy Trinity Sunday Everyone!!!!
Gospel today John 3:16-18

“God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life.”

30/05/2026

Happy Trinity Sunday
Simpleng reflection lang po on the Gospel Today - John 3:16-18.

Mga kapatid, Happy Feast of the Most Holy Trinity! Alam niyo, pagdating sa Trinity, marami sa atin ang agad sumasakit ang ulo. Parang Math exam na biglang naging Quantum Physics. Sabi nga ng ilan, "Father, paano naging 1 + 1 + 1 = 1? Ang gulo naman!" Relaks lang kayo. Divine arithmetic is not about division; it is about communion.
Huwag nating subukang ipasok ang buong karagatan sa isang maliit na hukay sa buhangin. Instead of trying to decode a cosmic puzzle, let’s look at the absolute peak of revelation in the Gospel today: John 3:16-18.

1. The Divine Family Dynamic: Hindi Siya "Lonely Solitude"
Sa ating Ebanghelyo ngayon, napakalinaw:

"Sapagkat gayon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang tanging Anak..." (John 3:16)

Let’s dig deep here using the ancient lenses of our faith. Bago pa man nilikha ang mundo, bago pa nagkaroon ng TikTok o ng traffic sa EDSA, ano ang ginagawa ng Diyos? Is He just a lonely monarch sitting on a cloud, playing solitaire? No!
Our God is an eternal exchange of love—Father, Son, and Holy Spirit.

The Father is the eternal Giver (The Lover).

The Science of the Son shows He is the eternal Receiver (The Beloved).

The Holy Spirit is the personal Gift—the literal breath and bond of love that passes between them.

God is not a solitary individual; God is a Family. And because He is a family, He has an overflow of life. Kaya nga He created the world! Hindi dahil boring sa langit at kailangan Niya ng mapapanood, kundi dahil ang tunay na pag-ibig, hindi pwedeng sarilinin. It is diffusivum sui—it naturally diffuses and shares itself.

2. John 3:16 as a Covenant Overture
When we read, "God so loved the world that he gave his only Son," your modern ears hear romance or sentimentality. Mapapakanta ka tuloy ng, "O, kay rami ng ibon ang lumilipad..."
But wait, look at the covenantal and historical reality behind this. Let’s look at the word "Only Begotten Son" (Monogenes in Greek). Where did we first hear a father offering his monogenes, his beloved son, on a mountain?
Sa Bundok ng Moriah! Si Abraham at si Isaac!

Every first-century Jewish reader reading John's Gospel would immediately gasp and say, "Aha! This is the fulfillment of the Akedah (the binding of Isaac)!" But here is the massive upgrade: On Mount Moriah, God stopped Abraham’s hand and provided a ram. Ngunit sa Kalbaryo, hindi pinigilan ng Ama ang sarili Niyang kamay. He spared Isaac, but He did not spare His own Son. Bakit? Sapagkat covenantal love demands a total gift of self. He bound Himself to us in a marital, family bond that cannot be broken.

3. The Trinity is Not a Weapon of Condemnation
Let's check verse 17, at dito marami ang nagkakamali:

"Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya." (John 3:17)

Naku, ang tingin ng marami sa Diyos ay parang MMDA officer na nagtatago sa likod ng puno, nag-aabang lang na magkamali ka para tiket-an ka at hulihin. “Aha! Nag-sinungaling ka! Ticket!”

No, mga kapatid! The Son did not come to condemn. He came as a divine physician. Kung ang pasyente ay may sakit na at malapit nang mamatay, hindi mo na kailangang hatulan ng, "Aba, mamatay ka na." May sakit na nga eh! The world was already drowning in the toxic waste of sin. Jesus came as the ultimate rescue mission, an extension of the Trinitarian life designed to pull us out of the quicksand.

4. Choice, Free Will, and the Judgment
So, paano pumasok yung Verse 18? "Ang naniniwala sa kanya ay hindi hahatulan; ngunit ang hindi naniniwala ay hinatulan na..."

Sabi ng ilan, "Ayan na, Father! May conditional love pala ang Diyos!" Look closely at the theology of freedom here. The judgment is not God pointing a finger and casting you into fire. The judgment is simply the mirror reflecting your own choice.
Imagine entering a dark room with a massive, brilliant spotlight of love—which is the Trinity. If you close your eyes, hide under the bed, and scream, "Ayaw ko ng liwanag!", hindi ang spotlight ang nagparusa sa iyo. You condemned yourself to the darkness by rejecting the light.

God honors your free will so much that if you choose to live outside of His family circle, He will sorrowfully let you have your way. Hell is simply getting what you chose—absolute existence without Communion.

Ang Hamon: Be Trinitarian!
Mga kapatid, we reflect the Trinity whenever we stop living for ourselves and start living for others. Ang pamilya niyo ba ay mukhang Trinity—puno ng pagbibigayan, patawaran, at pagmamahalan? O baka naman mukha kayong "Babel"—kanya-kanyang sigawan at walang nagkakaintindihan?

Sa bawat pag-aantanda natin ng Krus: “In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit,” hindi tayo nagpapakita ng magic hand sign. We are reminding ourselves that we are immersed, baptized, and marinating in the very life of the Divine Family.

Kaya huwag nang matakot sa misteryo ng Trinity. You don't need to completely understand it with your brain; you just need to live it out with your heart. Amen!

29/05/2026

Simpleng reflection lang po for the Gospel today

Mark 11:27–33

"Strictly Business o Service Charge?"

Mga kapatid, magandang araw! Siksik, liglig, at nag-uumapaw na pagpapala sa inyong lahat. Alam niyo, nakakatuwa itong eksena sa Ebanghelyo ngayon. Si Hesus, naglalakad lang sa Templo, chill lang, tapos biglang nilapitan ng mga bida-bida—ang mga chief priests at elders. Akala mo mga inspectors ng Bureau of Internal Revenue na naghahanap ng permit! “O, boss, anong authority mo rito? Saan ang mayor’s permit mo para magpalayas ng mga negosyante kahapon?”.

You see, hindi lang basta building ang Templo, mga katropa. If we look deep into our history, the Temple was the blueprint of the cosmos! Ito ang sentro ng mundo kung saan nagtatagpo ang langit at lupa. At sino si Hesus? Siya ang tunay na Arkitekto, ang New Solomon, ang mismong May-ari ng bahay! Kaya noong nag-table-flipping Siya nung isang araw, hindi 'yun dahil nagwawala Siya o nag-tantrums. He was acting as the true High Priest cleansing His sanctuary. Parang nanay mo lang na biglang nagwawalis sa kwarto mo kasi nagmukha nang pugad ng magnanakaw ang higaan mo! He has the absolute corporate right to clean it up!

Pero ang mga leaders natin, imbis na makita ang katotohanan, naging busy sa politika. Kaya tinanong sila ni Hesus tungkol kay Juan Bautista. At dito lumabas ang pagka-galing ni Lord sa debate. Na-trap sila! Nag-meeting pa ang mga lolo niyo: “Hala, kapag sinabi nating mula sa langit, mapapahiya tayo kasi bakit 'di tayo naniwala? Kapag sinabi naman nating mula sa tao, babatuhin tayo ng mga deboto ni Juan! Safety first muna tayo, besh.”

Kaya ang sagot nila? “We do not know.” Ang lupit, 'di ba? Sila ang Department of Theology ng Judea, sila ang dapat na nakakaalam, pero biglang nagka-amnesia! selective memory loss para lang hindi mawala ang kanilang pwesto at kapangyarihan. Natural, sabi ni Lord, “Ah, ganyan pala ha. Edi hindi ko rin sasabihin sa inyo.” Boom. Mic drop si Hesus!
Mga kapatid, baka naman katulad din tayo ng mga pariseo at mga eskriba. We love the benefits of the covenant but we hate the authority of the King. Gusto natin ng blessings, pero kapag pinakialaman na ni Hesus ang mga "tables" ng buhay natin—ang ating mga bisyo, ang ating tago at madilim na negosyo, ang ating mga kayabangan—bigla tayong nagpapanggap na walang naririnig. Nagiging "We do not know" din ang drama natin sa buhay kapag tinatamaan tayo sa homilya!

Let us ask ourselves today: Sino ba talaga si Hesus sa buhay mo? Is He just a customer service assistant na tinatawagan mo lang kapag may reklamo ka sa buhay, o Siya ba ang Panginoon na may buong karapatan at authority na mag-ayos at mag-cleansing sa templo ng iyong puso? Huwag nating idaan sa political maneuvering ang ating pananampalataya. Hayaan nating maghari ang Kanyang Salita nang may buong pagpapakumbaba. Amen!

29/05/2026

Another story for you. Take time to read my story. Ready ka na ba?

Naupo ako sa St. Maximilian garden, ilalim ng mangga, early morning, nang lumapit ang isang matandang ama. You could see the weight of the world sa kanyang mga balikat. He sat down beside me, his hands trembling.

Sabi niya, "Father, hindi ko na alam ang gagawin ko sa anak ko. Malaki ang gap namin. I try to tell him what to do, pero lumalaban, lalo siyang lumalayo, matapang pa." Nagihirapan siya sa mga anak niyang hindi nagsisikap sa buhay. Pati pagaayos ng bahay ay hindi pa magawa. Walang kusa. Meron asawa at anak pero sa kanya pa rin daw tumitira. Minsan daw ay sinisigawan pa siya ng anak nyang batugan. Sana daw kapag nagasawa na ang mga anak matutong bumukod at magbuo ng simulain nila. Matanda na daw siya at konti na lang ang panahon nya sa mundo. Mahina na rin ang kanyang matandang asawa. Pero kung hindi naman bumukod sana naman daw hindi siya pabigat at tumulong sa aayos ng bahay at ibang bayarin sa bahay.

As a priest, my immediate instinct—and maybe our natural human instinct—was to give a lecture. To give him a 10-step theological guide on parenting. Gusto ko siyang bigyan ng advice agad-agad. Subalit, may bumulong sa puso ko: “JV, tumahimik ka muna. Makinig ka.”
So, I just nodded. I looked into his eyes, and I listened.

The Power of Being Present
I listened as he talked about his frustrations, his fears, his regrets, and even his own childhood. Wala akong sinabing advice. I didn't quote any encyclicals or complex theology. I just gave him my full, undivided attention. Hinayaan ko lang siyang umiyak at ilabas ang lahat ng bigat sa kanyang dibdib.

“Sometimes, our silence speaks louder than our words. Our availability is the highest form of charity.”

Pagkatapos ng halos isang oras, pinunasan niya ang kanyang mga luha. He looked at me with a deep sense of relief, smiled, and said, "Father, maraming-maraming salamat po. Ang laking tulong po ng mga sinabi ninyo sa akin. Ang gaan na ng loob ko."

Napangiti ako nang dahan-dahan, and honestly, I wanted to chuckle a bit inside! Sabi ko sa sarili ko, "Lord, wala naman akong sinabi ah? I barely said a word!"

Listening as a Gift of Grace
But that’s when the grace hits you, 'di ba? The lesson becomes so clear:

People don't always need our brilliant solutions. Often, they are just looking for a sanctuary where they can be heard without judgment.

Presence over Pointers. When we rush to give advice, sometimes we are just trying to fix the problem quickly to make ourselves feel comfortable.

The Ministry of an Open Ear. To listen is to say, "You matter to me. Your pain is valid. You are not alone."

Kaya, kapatid, if you are looking at someone you love right now—whether a friend, a sibling, or a partner—who is going through a storm, remember this: Hindi mo kailangang maging sagot sa lahat ng problema nila. You don’t need to have the perfect words or the most profound advice.

Give them your time. Give them your silence. Give them your ears, and through you, let them feel the listening heart of God.

28/05/2026

Simpleng Reflection lang po sa Gospel ngayon

Ang Mabuting Balita ayon kay San Marcos 11:11-26 ang hamon sa atin ngayong araw. Mayroon tayong dalawang eksena na parang binalot sa sandwich: ang pagsumpa sa puno ng igos at ang paglilinis sa Templo.

Mga kapatid, akala ninyo ba gutom lang si Hesus kaya niya sinumpa ang walang kamalay-malay na puno? "Gutom lang 'yan, Lord!" baka sabi ng mga Apostol habang naghahanap ng pinakamalapit na karinderya sa Bethany. Pero hindi ito simpleng gutom ng tiyan; ito ay isang propetikong aksyon.

Sa Lumang Tipan, ang puno ng igos at ang Templo ay iisang simbolo ng bayan ng Diyos. Ang Templo ay itinayo bilang microcosmos—isang replika ng buong uniberso at ang Eden kung saan ang tao at ang Diyos ay dapat nagtatagpo sa panalangin. Ito ang dapat na "house of prayer for all peoples". Pero anong dinatnan ni Hesus? Pagpasok Niya, nakakita Siya ng maraming dahon—may magandang liturhiya, may mamahaling handog, may palamuti—pero walang bunga. Nagmistula itong "den of thieves". Ang mga tiwali at mapagsamantalang sistema ang sumasakal sa tunay na pagsamba.

Kapag tiningnan natin ang Lumang Tipan, ang bawat Templo ay nangangailangan ng sakripisyo para sa kasunduan o covenant. Kaya nang itinumba ni Hesus ang mga lamesa ng mga nagpapalit ng salapi, hindi lang Siya nagwawala dahil sa galit. Ginagawa Niya ang isang sadyang paggiba sa lumang sistema ng Templo. Ang pagkatuyo ng puno ng igos hanggang sa ugat ay nagpapakita na ang lumang institusyon ay tapos na. Ang Bagong Templo na itatayo ay hindi na yari sa bato kundi ang Kanyang sariling Katawan—ang Simbahan na itinatag sa Kanyang Bagong Kasunduan.

Kaya huwag tayong maging "fig tree Christians"—daig pa ang may pa-greetings sa social media, bongga ang porma kapag Linggo, pero pagdating sa pamilya o trabaho, tuyot ang pasensya at walang bunga ng pagmamahal! Ang hamon ni Hesus: "Have faith in God" at magpatawad kapag tayo ay nananalangin. Dahil ang tunay na pagsamba sa Bagong Templo ay hindi nasusukat sa ginto o panlabas na anyo, kundi sa pusong marunong magpatawad at may tapat na pananampalataya.

Want your school to be the top-listed School/college in Parañaque?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Edit
Parañaque
1700