Team Angelpaul

Team Angelpaul Your friendly one-stop shop for your school needs...also available : Gift items for any occasions, reloading station & Photocopy...

CONGRATULATIONS sa aming 20th Anniversary Raffle Winners !!!!๐ŸŽ‰Maraming Salamat sa lahat ng mga sumali at sa inyong patul...
07/11/2025

CONGRATULATIONS sa aming
20th Anniversary Raffle Winners !!!!๐ŸŽ‰

Maraming Salamat sa lahat ng mga sumali at sa inyong patuloy na pag suporta sa Angelica/ANGELPAUL School Supplies (TEAMAngelpaul) ๐Ÿ’•
GOD is Good all the Time ๐Ÿ™

๐ŸŽ‰ Congratulations sa ating 10 Grocery Package Winners at 10 Lucky Student Raffle Winners! ๐Ÿ›’๐ŸŽ’โœจIsang malaking Blessing ang...
26/10/2025

๐ŸŽ‰ Congratulations sa ating 10 Grocery Package Winners at 10 Lucky Student Raffle Winners! ๐Ÿ›’๐ŸŽ’โœจ

Isang malaking Blessing ang umabot ng 20 years! Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa inyong patuloy na pag suporta sa Angelica School Supplies (Angelpaul) kaya lubos ang aming pasasalamat sa inyong lahat. Salamat din po saatin mga sponsor ng ating mga prizes :
Ipad gen10 -Paula & Paulina Cabigao
Technolife Pad Plus - Nhalen Dionisio
Samsung A06- John Paul Valencia
Grocery Package- Mommy & Daddy
MARAMI PONG SALAMAT ๐Ÿค—
At higit sa lahat, Papuri at Pasasalamat sa Iyo Panginoon ๐Ÿ™

Pakiclaim sa mismong store ang inyong mga premyo. ๐Ÿฌ
Tuloy-tuloy lang ang ating samahan at tagumpay sa mga susunod pang taon! ๐Ÿ“š๐Ÿ’™

GOD is GOOD ALL THE TIME๐Ÿ™

๐ŸŽ‰ Congratulations to our Grand Winners of Angel Paulโ€™s 20th Year Anniversary: Kwentong AngelPaul! ๐Ÿ†โœจYour stories truly t...
26/10/2025

๐ŸŽ‰ Congratulations to our Grand Winners of Angel Paulโ€™s 20th Year Anniversary: Kwentong AngelPaul! ๐Ÿ†โœจ

Your stories truly touched our hearts and reminded us how far weโ€™ve come together. ๐Ÿ’™ Thank you for being part of our 20-year journey of learning, creativity, and community! ๐Ÿซถ

Letโ€™s continue to write more chapters together โ€” keep supporting AngelPaul School Supplies, your partner in every success story. ๐Ÿ“š๐Ÿ–Š๏ธ

GOD is Good all the Time๐Ÿ™

19/10/2025

PARA SA INYO 'TO MGA SUKI NAMIN ESTUDYANTE!!!

Simula po ngayong araw October "20, ang lahat po ng bibile sa Angelica /Angelpaul School Supplies ay makakasali sa Special na Raffle para sa aming mga suki estudyante loyal na taga suporta.

Bumile lang ng kahit anong item/s na halagang "20"pesos pataas, maaari ka ng manalo ng Special Gift mula sa Team Angelpaul. Ang Raffle draw ay gaganapin sa October 24 Biyernes, Kasabay nito ay pagannounce ng 3 Grandprize winner at 10consolation grocery package na maswerteng mananalo sa pinakamaganda at kakaibang kwento sa Anong Kwento Angelpaul mo ?

Ito ay bahagi pa din ng aming taos pusong pasasalamat sa 20taon ninyong pag suporta at pagmamahal sa Angelica /Angelpaul School Supplies

GOD is Good all the Time ๐Ÿ™

Ingat po tayong lahat at Magandang buhay ๐Ÿค—๐Ÿ’–
๐Ÿ’•

๐ŸŽ‰โœจ HAPPY 20 YEARS ANGELPAUL โœจ๐ŸŽ‰Dalawampung taon na ang lumipas mula nang magsimula ang kwento ng Angelpaul. Isang kwenton...
09/10/2025

๐ŸŽ‰โœจ HAPPY 20 YEARS ANGELPAUL โœจ๐ŸŽ‰

Dalawampung taon na ang lumipas mula nang magsimula ang kwento ng Angelpaul. Isang kwentong puno ng pangarap, pagsusumikap, pag-ibig, at pananampalataya. Ngayong Oktubre 26, 2025, ating ipinagdiriwang hindi lamang ang haba ng panahong lumipas, kundi ang lalim ng ating pinagsamahan bilang isang matibay na komunidad, isang pamilya.

Sa bawat araw ng paglalakbay, nariyan ang patuloy na pag-agos ng pagpapala. Sa kabila ng mga hamon, patuloy ang pagbangon, at sa bawat pagsubok, may kaakibat na bagong lakas.

Bawat hakbang ay bunga ng dedikasyon at tiwala. Mula sa pinakamaliit na tagumpay hanggang sa pinakamalalaking milestones, lahat ay naging posible dahil sa inyong suporta.

Sa puso ng Angelpaul ay ang tunay na malasakit sa bawat isa. Ang samahang ito ay hindi lamang itinatag sa trabaho o misyon, kundi sa pagkakaibigan, respeto, at pagkakaisa.

Ngayong ginugunita natin ang dalawang dekada ng Angelpaul, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat. Sa aming mga miyembro, kaibigan, katuwang, at tagasuporta, kayo ang inspirasyon namin. Hindi magiging ganito katatag ang Angelpaul kung wala kayo.

Habang binabalikan natin ang kahapon, mas excited tayong harapin ang mas makulay na kinabukasan. Sama-sama pa rin tayong tatahak sa landas ng mas marami pang tagumpay, kasiyahan, at pagkakaibigang walang hanggan.

Maraming salamat sa dalawang dekada ng tiwala. Narito pa rin kami, at narito pa rin kayo, isang pamilya, isang Angelpaul.

God is Good all the Time ๐Ÿ™

!

04/10/2025

Ano ang Kwentong Angelpaul mo?

Papuri at Pasasalamat sa Panginoon.
Bilang Pagdiriwang sa darating na ika-20 taon Anibersaryo ng Angelpaul,nais naming marinig ang iyong kwento, โ€œKwentong Angelpaulโ€ mo.

Paano sumali? simple lang, pumunta sa Official page ng Team Angelpaul ( siguraduhing naka like/follow sa page) , ipost dito ang iyong kwento at huwag kalimutan ilagay ang

Ang 3 may pinakamaganda at kakaibang kwento naming mapipili ay mananalo ng pangmalakasang regalo mula sa Angelpaul na i aanounce din po sa mismong araw ng anibersaryo sa October 26,2025

Bukod dito, mamimigay din ng 20 gifts bilang consolation prize para sa ibang di mapipili.
Ito ay bilang handog Pasasalamat ng Team Angelpaul sa lahat ng mga sumusuporta at tumatangkilik sa loob ng 20 taonโœจ

ka - Angelpaul , ikwento mo na! ๐Ÿซถ๐Ÿผ

God is Good all the Time ๐Ÿ™

HAPPY 9 YEARS Mary Ann๐Ÿ’• We want to express our heartfelt gratitude for your hardwork and unwavering commitment to our te...
02/05/2025

HAPPY 9 YEARS Mary Ann๐Ÿ’•
We want to express our heartfelt gratitude for your hardwork and unwavering commitment to our team! We're so grateful to have you as part of the Angelpaul family! ๐Ÿ™Œโค๏ธ
Thank you & We love you! ๐Ÿ’ฏ๐Ÿ‘

Team ANGELPAUL Pre CHRISTMAS DINNER at NIHON AJI International Buffet ๐ŸŽ„
13/12/2024

Team ANGELPAUL
Pre CHRISTMAS DINNER at NIHON AJI International Buffet ๐ŸŽ„

CONGRATULATIONS sa aming 19th Anniversary Raffle Winners !!!!๐ŸŽ‰Maraming Salamat sa lahat ng mga sumali at sa inyong patul...
02/11/2024

CONGRATULATIONS sa aming
19th Anniversary Raffle Winners !!!!๐ŸŽ‰

Maraming Salamat sa lahat ng mga sumali at sa inyong patuloy na pag suporta sa Angelica School Supplies (Angelpaul) ๐Ÿ’•

26/10/2024

๐Ÿ“ข Promo Extended!!!!

Dahil sa naging epekto ng bagyo at baha nitong mga nakaraang araw, ini-extend namin ang promo na ito para mabigyan kayo ng mas maraming pagkakataon na makasali!

๐Ÿ—“ Extended hanggang: October 30 (Wednesday)

Patuloy kaming nakikiisa at nagdarasal para sa kaligtasan ng lahat.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at suporta. Ingat po tayong lahat!

20/10/2024

We are turning 19 !!!!
๐ŸŽ‰ ANNIVERSARY RAFFLE ALERT! ๐ŸŽ‰

Sa pagdiriwang ng ika-19 na anibersaryo ng Team Angelpaul (Angelica School Supplies ) nais naming magpasalamat sa inyong patuloy na suporta sa pamamagitan ng isang PA-RAFFLE! ๐Ÿฅณ

Paano Sumali?๏ฟฝ1๏ธโƒฃ I-LIKE ang aming page: Team Angelpaul๏ฟฝ2๏ธโƒฃ Mag- COMMENT sa post na ito ng picture ng item na binili mo mula sa Angelica School Supplies simula sa
โฐ October 21 Lunes (Monday)๏ฟฝโณ Huling Araw: October 25 Biyernes (Friday)๏ฟฝ3๏ธโƒฃ Huwag kalimutang ilagay ang hashtag sa iyong comment.

๐Ÿ“… Lahat ng entries ay ira-raffle sa mismong araw ng aming anniversary, October 26 (Sabado)
Kaya siguraduhing makasali para sa chance manalo ng exciting prizes! ๐ŸŽ

MARAMING SALAMAT sa inyong suporta sa loob ng 19 na taon! โค๏ธ
God is Good All the Time ๐Ÿ™

Address

San Isidro I
Paombong
3001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team Angelpaul posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share