18/08/2026
📢 PABATID | MEMORANDUM CIRCULAR NO. 129
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 ng Tanggapan ng Pangulo, ipatutupad ang alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Bulacan at iba pang nabanggit na lugar sa ika-19 ng Agosto 2026, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat).
🌧️ Layunin nito na mapanatili ang kaligtasan ng mga kawani at mamamayan habang patuloy na naihahatid ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.
Samantala, ang mga ahensiyang nangangasiwa sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang vital services ay kinakailangang magpatuloy sa kanilang operasyon at magbigay ng kinakailangang serbisyo.