14/08/2026
HINGA: PINAGTULAYAN ES CHECKS IN WITH LEARNERS
Listening. Checking in. Caring for every learner.
Noong August 12–13, 2026, nagsagawa ang Pinagtulayan Elementary School ng Learner Check-In through Google Form bilang bahagi ng Hinga (Breathe/Check-In) phase ng DepEd’s 4H Framework for Education in Emergencies, kasabay ng nararanasang epekto ng Habagat at masamang panahon.
Sa pamamagitan ng check-in, nabigyan ng pagkakataon ang ating mga learners na maibahagi kung kumusta sila, kung ligtas ba sila at ang kanilang pamilya, kung may mga naging concern sila dahil sa panahon, at kung handa na ba silang makabalik sa paaralan.
“Kumusta Ka Ngayon?”
Batay sa mga nakalap na sagot:
83.4% ng learners ang nagsabing safe and okay sila kasama ang kanilang pamilya.
12.8% naman ang safe ngunit maaaring kailanganin ng follow-up o further checking mula sa paaralan.
May ilan ding learners na nagbahagi ng concerns na maaaring mangailangan ng karagdagang suporta at atensyon.
MAY MGA CONCERN BA DAHIL SA MASAMANG PANAHON?
71.1% ang sumagot ng “Wala, ligtas kami.”
Samantala, 21% ang nagbahagi na mayroon silang ilang concerns dahil sa bad weather.
HANDA NA BA SILANG BUMALIK SA SCHOOL?
52.4% ng learners ang nagsabing “Medyo hindi pa ako handa.”
Samantala, 22.7% ang nagsabing “Handang-handa na ako!” at 21.1% naman ang nagsabing “Handa na ako — okay na ako at kaya ko nang pumasok.”
Ipinapakita ng mga sagot na hindi lahat ng learners ay pare-pareho ang nararanasan at nararamdaman. May mga learners na ready nang bumalik, habang ang iba ay nangangailangan pa ng kaunting panahon, reassurance, at suporta.
Sa pamamagitan ng Hinga, patuloy tayong nakikinig at kumukumusta sa ating mga learners—dahil mahalaga sa atin hindi lamang kung ligtas sila, kundi pati kung kumusta sila.
Bawat sagot ay mahalaga. Bawat learner ay mahalaga. 🤍
-Pinagtulayan Elementary School
Principal: Mrs. Belinda Sagun
PSDS: Mr.Paul J. Candelaria
DepEd Paombong District
Listening. Caring. Supporting every learner.