01/06/2026
📢 BRIGADA ESKWELA 2026 | Bonbon Elementary School
“Bayanihan para sa Matatag na Paaralan, Sama-sama para sa Kinabukasan ng Kabataan.”
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027, buong galak na ipinakikilala ng Bonbon Elementary School ang aming Oplan Balik Eskwela 2026 – Public Assistance Command Center (PACC). Ang PACC ay nakahandang magbigay ng agarang tugon sa mga katanungan, suhestiyon, at iba pang pangangailangan ng mga magulang, mag-aaral, at mga stakeholder upang matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagsisimula ng klase.
Inaanyayahan namin ang buong komunidad na makilahok sa Brigada Eskwela 2026 bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamalasakit sa ating paaralan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, makalilikha tayo ng isang malinis, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran na magsisilbing inspirasyon sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
📍 Bonbon Elementary School, Brgy. Bonbon, Panukulan, Quezon
📧 [email protected]