04/07/2026
๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด | ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ต๐๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป
Sa patuloy na pagsusulong ng isang inklusibo, responsable, at mahusay na pamamahala sa paaralan, matagumpay na isinagawa ang School Governance Meeting sa pangunguna ng ating masigasig na School Principal, Ma'am Mary Claire C. Payawal, kasama ang ating mga Head Teacher na sina Sir Jerry Padigdig at Ma'am Jo-ann Peralta.
Nakiisa sa mahalagang pagpupulong ang ating mga katuwang sa edukasyon mula sa Sangguniang Barangay, sa pangunguna nina Konsehal Lilibeth Padua at Konsehal Elena Macadangdang; ang Parents-Teachers Association (PTA) sa pangunguna nina Vice President Rushelda Barroga at Secretary Celia Guerzon Juanani; ang mga kinatawan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na sina Princess Jane Dela Cruz, Marcelino Manangan, at Xyril Cezo; gayundin ang ilan sa mga g**o ng paaralan.
Isa sa mga pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang pagpapaigting ng kaligtasan, proteksiyon, at kapakanan ng lahat ng mag-aaral sa loob at labas ng paaralan, alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026 โ Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment. Sa pamamagitan ng mas matibay na ugnayan ng paaralan, mga magulang, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholder, layunin nating makalikha ng isang ligtas, inklusibo, at mapagkalingang kapaligiran. Tinalakay rin ang mahahalagang programa, plano, at mga inisyatiba ng paaralan na nakatuon sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon at pagpapatibay ng disiplina.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating mga stakeholders sa kanilang walang sawang suporta, aktibong pakikilahok, at taos-pusong dedikasyon sa paghubog ng isang paaralang may malasakit, integridad, at kahusayan.
Sama-sama nating ihanda ang isang mas maliwanag at matagumpay na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral. ๐๐