05/10/2026
Happy Teachers Day, aming Tres Marias!
Happy Teachers Day sa aming mga naggagandahang mga g**o na walang sawang sumusuporta at gumagabay sa landas na aming patutunguhan.
Sa aming inang napakaganda sa lahat, Ma'am Ma Yeasa Dollete, taos puso ang aming pasasalamat sa ating mga pinagsamahan. Mula sa pagiging aming g**o tungo sa ating pagkakaibigan. Ang iyong kasiyahan ay aming kaligayahan, at ang iyong kalungkutan ay aming dinadamdam din. Maraming salamat sa iyong pagtuturo at pagpapasensya sa amin. Ikaw ang nagsisilbi naming inspirasyon at kaligayahan sa aming buhay.
Lubos din ang aming pasasalamat kina Ma'am Loida Luching at Ma'am Rizza Sarabia sa inyong pagkalinga sa amin sa loob ng silid aralan kung wala ang aming Inang Marikit. Maraming salamat sa inyong pagsuporta sa aming g**o at dahil palagi kayong nandiyan kung kayo'y kailangan niya.
Happy Teachers Day, aming Tres Marias. Mabuhay kayo!