Mabilang Elementary School

Directions

Mabilang Elementary School Public School

β€œIKAW NAMAN” πŸ’™πŸ‘©β€πŸ«πŸ‘¨β€πŸ«Sa araw na ito, IKAW NAMAN.Ikaw naman ang pakinggan.Ikaw naman ang pasalamatan.Ikaw naman ang pahala...
30/09/2026

β€œIKAW NAMAN” πŸ’™πŸ‘©β€πŸ«πŸ‘¨β€πŸ«

Sa araw na ito, IKAW NAMAN.
Ikaw naman ang pakinggan.
Ikaw naman ang pasalamatan.
Ikaw naman ang pahalagahan.
Ikaw naman ang ipagdiwang. ❀️

Sa araw-araw, ang mga g**o ang nagbibigay ng oras, kaalaman, pag-unawa, at pagmamahal sa ating mga mag-aaral. Ngunit ngayong Teachers’ Day, panahon naman upang sila ay bigyang-pugay at iparamdam kung gaano kahalaga ang kanilang papel sa paghubog ng mga batang nangangarap at nagtatagumpay.

Buong pagmamalaki at pasasalamat, binabati namin ang lahat ng masisipag at dedikadong g**o ng Mabilang Elementary School, sa pangunguna ng ating butihing School Head, Dr. Frederick C. Eugenio.

IKAW NAMAN, MA’AM. IKAW NAMAN, SIR.
Ngayong araw, kayo naman ang bida.

Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod, sakripisyo, malasakit, at pagmamahal sa ating mga mag-aaral. Ang inyong mga kamay ang gumagabay, ang inyong mga salita ang nagbibigay-inspirasyon, at ang inyong puso ang patuloy na nagsisilbing tahanan ng pag-asa ng bawat batang Mabilang. πŸ’™

Happy Teachers’ Day, Mabilang Elementary School Teachers!
🌷 IKAW NAMAN. PARA SA’YO NAMAN. 🌷

Mabuhay ang mga G**o! Saludo kami sa inyo! πŸ‘πŸ’




**o

Taos-pusong pasasalamat po sa Barangay Mabilang, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Romeo S. Celario, kasama ang buon...
17/09/2026

Taos-pusong pasasalamat po sa Barangay Mabilang, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Romeo S. Celario, kasama ang buong Sangguniang Barangay at Barangay Council, sa kanilang malasakit at buong pusong suporta sa Mabilang Elementary School.

Sa pamamagitan ng pondong inilaan ng Barangay Mabilang, naisagawa ang kinakailangang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga pader ng tatlong (3) silid-aralan na lubhang naapektuhan na ng anay at pagkasira. Ang kondisyon ng mga ito ay nagdudulot na ng panganib, kaya napakahalaga ng agarang pagkilos upang mapanatiling ligtas ang ating mga mag-aaral habang sila ay nasa paaralan.

Higit pa sa pagkukumpuni ng mga pader, ang proyektong ito ay sumasalamin sa malasakit ng ating mga pinuno sa kaligtasan at kapakanan ng bawat bata. Sa bawat pader na naayos ay mas napagtitibay rin ang ating hangaring mabigyan ang mga bata ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang lugar para sa kanilang pagkatuto.

Maraming salamat po, Kapitan Romeo S. Celario at sa buong Barangay Council ng Mabilang, sa pagbibigay-prayoridad sa pangangailangan ng ating paaralan at sa inyong agarang pagtugon. Ang inyong tulong at suportang pinansyal ang naging daan upang maisakatuparan ang mahalagang pagkukumpuning ito.

Mula sa buong pamilya ng Mabilang Elementary School, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pakikiisa, malasakit, at suporta.
Maraming maraming salamat po, Barangay Mabilang! πŸ™β€οΈ

04/07/2026
Mabilang Elementary School extends its sincerest appreciation to the Provincial Government of Tarlac for the generous do...
04/07/2026

Mabilang Elementary School extends its sincerest appreciation to the Provincial Government of Tarlac for the generous donation of 52 armchairs.

Your kindness and unwavering support help provide our learners with a more comfortable and conducive learning environment. This meaningful contribution is a testament to your commitment to quality education and the welfare of every child.

Thank you for being our valued partner in helping us build a brighter future for every learner. Your generosity will have a lasting impact on the lives of our learners.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa edukasyon! πŸ“š


29/05/2026

BRIGADA ESKWELA 2026

πŸ“£Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang, boluntaryo, stakeholders, alumni at mga kasapi ng komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela sa Mabilang Elementary School mula Hunyo 1-5, 2026!
Ang inyong oras , lakas at suporta ay makatutulong upang makalikha ng malinis,ligtas at kaaya ayang kapaligiran para sa ating mga mag -aaral.
Sama-sama nating pagtulungan ang tagumpay ng ating paaralan at mga mag -aaral.

Kita -kits at maging bahagi ng Brigada Eskwela 2026!

Sa ginanap na Central Luzon Regional Athletic Association Meet, ipinamalas ng mga atletang PaniqueΓ±o ang kanilang tapang...
13/04/2026

Sa ginanap na Central Luzon Regional Athletic Association Meet, ipinamalas ng mga atletang PaniqueΓ±o ang kanilang tapang, determinasyon, at pusong handang lumaban para sa dangal ng bayan.

Sa bawat laban na kanilang hinarap, hindi sila nag-iisa. Kaagapay nila ang isang komunidad na patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanilang kakayahan.

Buong puso po kaming nagpapasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Paniqui sa kanilang patuloy na pag-alalay sa ating mga kabataang atleta. Sa pangunguna ni Mayor Kat Roxas, ang inyong malasakit at paniniwala sa kakayahan ng ating mga atleta ay nagsisilbing gabay at sandigan sa bawat hakbang ng kanilang paglalakbay.

Maraming, maraming salamat po sa inyo. Ang inyong kabutihan ay mananatiling inspirasyon sa susunod pang henerasyon ng mga atletang PaniqueΓ±o.

Sa kauna-unahang pagkakataon, tatlong Batang Mabilang ang nakapasok sa CLRAA Football bilang pick-up players ng Aduas ES...
10/04/2026

Sa kauna-unahang pagkakataon, tatlong Batang Mabilang ang nakapasok sa CLRAA Football bilang pick-up players ng Aduas ES Football Teamβ€”patunay na ang husay ng ating mga mag-aaral ay kayang makipagsabayan sa mataas na antas ng palaro!

Ipinagmamalaki namin sina:
Lexter Vito Cruz
Cyrus Thomer Domingo
Rios Rendon Juan

Sa ginaganap na CLRAA sa Aurora, buong tapang nilang ipinapakita ang galing, disiplina, at puso ng isang tunay na Batang Mabilang habang kinakatawan ang Tarlac Province.

Ipinagmamalaki ng ating paaralan ang ating mga magigiting na atletang nakipagbunuan sa CLRAA 2026. Hindi man lahat ay na...
26/03/2026

Ipinagmamalaki ng ating paaralan ang ating mga magigiting na atletang nakipagbunuan sa CLRAA 2026. Hindi man lahat ay nag-uwi ng medalya, ang inyong tapang, sipag, at dedikasyon ay tunay na panalo para sa ating paaralan at komunidad.

ATING MGA CHAMPIONS:

Maria Angelicka RobiΓ±os
β€’ 4x100m Relay – Silver Medalist
β€’ 4x400m Relay – Bronze Medalist
β€’ 400m Hurdles – Bronze Medalist

Orland Bacarro Jr.
β€’ 4x100m Relay – Bronze Medalist
β€’ 400m Hurdles – 5th Placer
β€’ 110m Hurdles – 4th Placer

John Lerie Samortin Jr.
β€’ 110m Hurdles – Bronze Medalist
β€’ 400m Hurdles – 8th Placer

Jerlyn Joy Sudaria
β€’ 4x400m Relay – Bronze Medalist

Allysa Mae Galang
β€’ 400m – 5th Placer

Joanna Mae Galang
β€’ 800m – Participant

Sa bawat takbo, bawat pawis, at bawat labanβ€”ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng isang Batang Mabilang: matatag, disiplinado, at palaban!

Hindi dito nagtatapos ang labanβ€”ito pa lang ang simula!
Padayon, mga atleta! Mas marami pang tagumpay ang naghihintay sa inyo!

πŸ“’πŸ“’πŸ“’π—˜π—”π—₯π—Ÿπ—¬ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 2026-2027January 31- February 27, 2026π—›π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—”'𝗧 π— π—”π—šπ—£π—”π—§π—”π—Ÿπ—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—§π—”π—’π—‘π—š 𝗣𝗔𝗑𝗨π—₯𝗨𝗔𝗑 2026-2027πŸ“£ Maaarin...
30/01/2026

πŸ“’πŸ“’πŸ“’π—˜π—”π—₯π—Ÿπ—¬ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 2026-2027
January 31- February 27, 2026
π—›π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—”'𝗧 π— π—”π—šπ—£π—”π—§π—”π—Ÿπ—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—§π—”π—’π—‘π—š 𝗣𝗔𝗑𝗨π—₯𝗨𝗔𝗑 2026-2027
πŸ“£ Maaaring magtungo sa paaaralan upang magpasa ng mga requirements at mag-fill-out ng enrollment form.
π— π—šπ—” π—₯π—˜π—€π—¨π—œπ—₯π—˜π— π—˜π—‘π—§π—¦:
πŸ“Œπ™†π™žπ™£π™™π™šπ™§π™œπ™–π™§π™©π™šπ™£
βœ…Photocopy ng PSA Birth Certificate
βœ…Accomplished Basic Enrollment Form
βœ…Must be 5 years old on or before October 31, 2026
πŸ“Œπ™‚π™§π™–π™™π™š π™Šπ™£π™š
βœ… Photocopy ng PSA Birth Certificate
βœ… Progress Report Card
βœ… ECD Checklist
βœ… Accomplished Basic Enrollment Form
πŸ“Œπ˜½π™–π™‘π™žπ™ -π˜Όπ™§π™–π™‘ / π™π™§π™–π™£π™¨π™›π™šπ™§π™šπ™š
βœ… Photocopy ng PSA Birth Certificate
βœ… SF9 or Report Card
βœ… Accomplished Basic Enrollment

β€œπ— π—”π—žπ—”π—£π—”π—š-𝗔π—₯π—”π—Ÿ 𝗔𝗬 π—žπ—”π—₯𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗑 𝗠𝗒, π— π—”π—šπ—£π—”π—Ÿπ—œπ—¦π—§π—” π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š π—˜π—‘π—˜π—₯𝗒!”

Address

Mabilang
Paniqui
2307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mabilang Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share