17/06/2026
Mga minamahal na magulang at guardian ng mga mag-aaral ng Apulid Elementary School. Aming pong ipinapaalam na magkakaroon po tayo ng SPTA Meeting sa darating na biyernes, Hunyo 19, 2026, sa School Gymnasium, sa ganap na 1:30 ng hapon.
Sa pagtitipon na ito, tatalakayin ang mga mahahalagang bagay na may kaugnayan sa kapakanan ng ating mga mag-aaral, ang mga programang pang-akademiko, at iba pang mga usaping pampaaralan.
Ang pagtitipon na ito ay isang pagkakataon upang palakasin ang ugnayan ng paaralan at tahanan para sa mas matatag na komunidad.