29/01/2025
Looks like someone hasn't read what Marx and Engels wrote about the Lumpenproletariat 🤣🤣🤣
https://en.wikipedia.org/wiki/Lumpenproletariat
Ito yung mga post na sa unang tingin ay may sense pero pag nilaliman mo ay mali ang premise.
1. Pinag aaway nito ang mga mahihirap sa kapwa mahihirap. Hindi naman kapwa mahirap ang may kasalanan ng kahirapan - kundi ang kurap na gobyerno at kapitalistang sistema na nangeexploit sa tao. Wag kang papabitag sa mga kunwari "profound" na post pero sa totoo ay wala o mali ang laman.
2. Nagbabayad tayo lahat ng tax. May VAT tayo na napaka taas kumpara sa ibang bansa. Putangina di ba? Pag bumili ka ng kendi sa tindahan, magbayad ka ng VAT. Mahigit kalahati ng nakokolektang tax ng buong gobyerno ay galing sa VAT.
3. Marami sa mayayaman ang umiiwas sa tax o tinatawag na tax avoidance (minsan nga ilegal pa na tax evasion). Sila ang may pambayad ng mga mamahaling abogado at accountant, at pansuhol sa mga taong-gobyerno para bawasan ang tax nila. O di ba mas nakaka putangina yan? Dapat magkaroon mg "wealth tax" para proportionate ang tax sa ganansya ng bawa't isa sa lipunan.
4. Myth o hindi totoo na karamihan ng mahihirap ay tambay o tamad. Oo, merong mga pabigat sa lipunan. Pero sa latest PSA data, 18.3% ng Pilipino ay "food poor", samantalang 40.9% ay low income. KALAHATI ng Pilipino ay maituturing na mahihirap. At karamihan sa mga taong ito ang inyong mga janitors, carinderia vendors, jeepney and tricycle drivers, kargador, magsasaka, mangingisda, cashiers, construction workers etc. Nagbabanat sila ng buto. Tumingin ka sa mata nila ng diretso at sabihing "TAMAD KA KAYA KA MAHIRAP". Baka sampalin ka nila bigla.
Kaya tigilan naten yang mga anti-poor na pag-iisip. Hindi kapwa mahihirap o kapwa manggagawa ang magkalaban dito. Hindi din ito labanan ng KANAN o KALIWA.
ILALIM VS. IBABAW ito ng lipunan.