26/06/2026
Bumisita sa Dambo National High School ang mga personnel ng Pangil Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PMAJ CELSO JHUNE D. TALAMPAS, COP, ngayong araw, Hunyo, 26, 2026, bilang bahagi ng kanilang regular na monitoring at pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa paaralan.
Sa kanilang pagbisita, nagbigay sila ng mahahalagang paalala sa mga mag-aaral tungkol sa pagpapanatili ng disiplina, paggalang sa kapwa, pag-iwas sa anumang uri ng karahasan at kaguluhan, at ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa paaralan.
Ang Dambo National High School, sa pangunguna ng School Head, Gng. Perla D. Laquindanum ay taos-pusong nagpapasalamat sa Pangil MPS sa kanilang patuloy na suporta at pakikiisa sa pagtataguyod ng kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral.