27/07/2025
ONSITE CLASSES ARE SUSPENDED TOMORROW, July 28, 2025. All classes are shifted to ONLINE.
Pls standby for schedule of Exams
๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐ | ๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐ฆ (๐ฃ๐จ๐๐๐๐ & ๐ฃ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐๐ฆ) ๐๐ง ๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ก๐ ๐๐ก๐ง ๐ข๐๐๐๐๐๐ฆ
๐๐จ๐๐ฌ ๐ฎ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ | ๐ ๐ข๐ก๐๐๐ฌ
Suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan maging ang trabaho sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa Mangaldan bukas, Hulyo 28, 2025, bilang pag-iingat sa inaasahan pa ring matinding pag-ulan dulot ng habagat, gayundin ang pagbaha sa maraming lugar sa bayan.
Ipinag-utos ito sa bisa ng Executive Order No. 2025-043 na nilagdaan ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno, base na rin sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) alinsunod sa inilabas na Weather Advisory No. 48 ng DOST-PAGASA ngayong alas onse ng umaga.
Sa abiso ng DOST-PAGASA ngayong araw hanggang bukas ay nakataas ang Pangasinan kabilang ang Mangaldan sa ๐ฌ๐๐๐๐ข๐ช ๐ฅ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ช๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐ ๐น๐ฒ๐๐ฒ๐น.
Ibig sabihn nito ay posibleng makaranas ng 50-100 mm rainfall level na maaaring magdulot ng manaka-naka o occasional rainshowers na posibleng magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar at mga nasa malapit sa ilog.
Bagamaโt suspendido ang trabaho sa mga opisina ng lokal na pamahalaan, tuloy-tuloy naman ang pagbibigay-serbisyo ng lahat ng kawaning ugnay sa disaster preparedness, health, emergency response at iba pang naghahatid ng essential services.
Iniiwan naman sa pagpapasya ng bawat pamunuan ng mga pribadong kumpanya at tanggapan kung susundin nila ang nasabing suspensyon.
Pinapayuhan ang mga mag-aaral at mga magulang na sumangguni rin sa mga ilalabas na anunsiyo ng kani-kanilang mga paaralan ugnay sa mga ipapatupad na alternative modes of learning para sa tuloy-tuloy na pagsusulong ng edukasyon ng mga mag-aaral sa mga ganitong panahon.
Manatiling alerto at sumubaybay sa opisyal na mga anunsyo mula sa lokal na pamahalaan at sa iba pang ahensya para sa karagdagang impormasyon at gabay. (๐๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐๐ฃ ๐๐๐)
๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ:
๐๐ข๐ฆ๐ง-๐ฃ๐๐๐๐ฆ๐ ๐ช๐ฒ๐ฎ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐๐ฑ๐๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐ ๐ก๐ผ. ๐ฐ๐ด https://www.facebook.com/share/p/16Y4exwgQN/