BalungaoNHS Secret files

BalungaoNHS Secret files Share your stories here. Tell us your secrets. Don't hesitate to message our page � The Official Balungao National High School Secret Files

15/09/2022

Sa mga SHS pips natin diyan, pwede po akong mag-turo ng basic sa research. Basic citations, at kung paano mag-lagay ng mga references.

Kung gusto niyo ng advance na sa research may mga tools din ako, pwede ko rin ituro sa inyo.

-kuya niyong 75 sa practical research pero graduate sa pure research course. 🥱

15/09/2022

Hello SHS pips, willing ako magtutor sa mga interested na ABM students for free.

23/03/2020

Gusto ko lang sabihin na may kornbip

14/03/2020

Pa shout out nga po kay Trisha Marie Suguitan Velicaria ng 12 Gas 3 ang cute mo po sana pansinin niyo naman po ako sana maka pag picture po tayo 😀

P.S. 12 GAS 1 po ako

13/03/2020

Hello!! Shoutout kay Kathleen Michelle Orfrecio.
Cheer up ghorl❣️ Mahal na mahal ka namin. Muaaahh😘
-OK💛

21/11/2019

Hey yow so yun pa shout out nga pala
Kay Kathleen orfrecio😊.. Pakabait k lage 😊 alam kung wala na akung karapatan sayo pero andito parin ako lage para sayo 😊😍 💕 Sana lage kang mag ingat Aral ka mabuti💕

~your ------💜💔

06/11/2019

YOU AND I

Written by: O-thought writes ✍️

Note: This is a work of imagination. I hope you'll enjoy reading this as I enjoyed writing it. ❤️

-------------------

"Ella!" tawag sa akin ni Drake. "Bakit?" tanong ko, "Sama ka raw mamaya?" sabi niya, sabay punas niya ng pawis sa noo niya, "Saan na naman?" iritang sagot ko. Pa'no ba naman kasi, tatanungin ko siya tanong din sagot niya. Aba ang tindi ah! "Sa Cafe Martina. Group study." sabi niya.

Psssh, Cafe Martina. Eh ang mahal mahal ng kape dun, isang cup ata ng kape dun e pang tatlong araw ko ng baon tapos yayayain ako ng mga ito. Ano ako rich kid katulad nila? Pang 3-in-1 nga lang na kape ako e.

"Alam mo Drake--" tinapik ko yung balikat niya, "Di ako rich kid na katulad niyo okay? Alam niyo naman yan eh, parang nang-aasar ata kayo ah? Tsaka kapag group study kailangan sa mamahaling cafe, diba diba. Kaya kong mag-aral mag-isa, so it's a no. Thank you na lang." saka ko siya nginitian, handa na sana akong umalis ng nagsalita na naman si Drake.

"Kahit libre ni Max?" ngiting a*o na sabi niya. "Kahit libre ni Max. A-Y-O-K-O, period!" irap ko at saka nagsimula na akong maglakad.

Kahit kelan talaga yung mga kaklase kong yun, napakaluluho! Alam niyo yun, lahat ng gamit branded. Maski yung eraser branded, jusko. Sabagay, di ko naman sila masisisi, mayayaman naman sila. Ako sakto lang, middle class lang ang pamumuhay namin. Walang labis walang kulang. Pagdating ko sa waiting shed, tinignan ko yung relo ko. "Naku, naku. 5:30 pm na. Tutulungan ko pa si mama sa pagluluto." sabi ko sa sarili ko. Agad agad akong pumara ng jeep ka*o punuan, alangan namang sumabit ako. No way, nakapalda ako no. Di na ako mapakali sa kinatatayuan ko, ano ba yan! Kasalan to ni Drake e, chinika chika pa kasi ako. Tinignan ko ule yung relo ko, 6:00 na?! WHAT?!!!! Jusko kailangan ko ng maka-uwi. No choice, nung may humintong jeep nilunok ko na yung pride ko. Sasampa na sana ako at handa ng sumabit ng may nagsalita sa likod ko. "Panget tignan ang babaeng sumasabit sa jeep." paglingon ko, nakita ko si Max kasama yung ever shiny motorcycle niya. Tinitigan ko lang siya. Aba ang loko, tinaasan ako ng kilay. Tsk, inirapan ko nga yung hambog na Max na yan. "Tara na ho Manong!" sigaw ko sa tsuper, jusko. Malelate na nga ako di pa iandar ni manong. At sa wakas! Umandar na yung jeep, infairness ha. Nakakangalay sumabit, letse rin tong si kuya na nakaupo sa loob oh, ayaw paganahin ang pagka-gentleman.

Umiinit na ang ulo ko ah, mas lalo pang uminit ng malaman kong traffic. Whooooh! Anong klaseng bansa naman to oh. Habang nakahinto tong jeep, aba ang lakas ng loob nitong nakamotorsiklong nasa likuran ko ah! Lakas makabusina. Dahil sa init ng ulo ko, "Hoy! Ang siga mo ah! Parang sino ka ah! Alam mong traffic, tapos busina ka ng busina. Sa'yo ba tong daan? Ha, ha?!" nagulat ako ng hubarin ng driver yung helmet niya.

"Max?"

"Oo ako nga, hangal ka! Ngayon, bumaba ka na dyan at ampanget tignan. Panget ka na nga eh." sabi niya. Aba aba!

"Anong sabi mo?" sigaw ko.

"Wala, tara na!" bigla niyang ibinaba yung stand nung motor niya at hinila ako.

"Aray ko!" angal ko sa mahigpit na pagkakahawak niya sa bra*o ko. Inihagis niya sa akin ang isang gray na helmet na kapareho ng kanya, kulay black nga lang yung sa kanya.

"Prepared?" sabi ko habang isinusuot yung helmet.

"Bilisan mo dyan, baka masagasahan tayo dito sa gitna ng daan sa kabagalan mo. Tsaka sa kapatid ko yan." sagot naman niya.

"Binibilisan na nga diba? Paano ba kasi 'to?" tanong ko sa sarili ko, ano ba naman kaseng klaseng helmet to? Sinapak ng mahina ni Max yung kamay ko sabay hila sa strap ng helmet, napatingkayad naman ako agad.
Gago siya eh, porket matangkad siya kinakaya-kaya na niya lang ako. Di ko namalayang, sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Napatitig naman ako sa mukha niya. Gwapo naman pala talaga siya, nababawasan lang sa pagkabastos, walang modo, gago at siga niyang attitude. At in fairness ang bango niya ha? Ano kayang pabango niya? Ah, baka nag downy parfum siya, mali! Ang yaman yaman ng mokong na 'to tapos downy? Syempre may mamahaling pabango 'to, baka nga imported pa eh or mas mahal pa sa kabuuang baon ko kada buwan. Shems, ang cute pala ng lips niya? Kulay pink na red. Hanudaw? May ganun ba?

"Stop starring,"

Bumalik ako sa Earth nung nagsalita siya.
"Huh? Ulol! I'm not." depensa ko agad, di naman talaga eh.

*BEEEEEEEPPPP*

Ay tinola! Lakas naman makabusina ng jeep ni manong, wagas!
"Let's go" sabi niya sakay paandar na uli sa motor niya, umangkas ako agad, baka sagasahan pa ako ni Manong na wagas makabusina.

Isiningit niya yung motor niya sa pagitan ng mga kotse. Hanep nga naman talaga oh, perks of having a motorcycle.

Nung nasa freeway na kami, pinaharurot niya ng pagkabilis bilis yung motor niya, habang ako todo ang hawak sa leather jacket niya. Ayoko namang yumakap sa bewang niya, mamaya sabihin pa ng kupal na to na chumachansing ako sa kanya. NEVER!

Pero tong Max candy talaga na ito para bang nababasa niya ang nasa isip ko. Mas lalo pa niyang binilisan na parang sa kanya tong kalsada! Edi ang lola niyo napayakap na bigla sa kanya ng mahigpit. Juskolord ayoko pa namang mamatay ng maaga no!

"Hoy! Bagalan mo naman! Sayo ba tong daan ha?!" sigaw ko sa loob ng helmet, umaasang marinig niya at bagalan ang takbo. Pati puso ko tumatakbo na sa sobrang kaba tangina.

Napasubsob ako sa likuran niya ng bigla siyang prumeno at saka iginilid ang motor sa kalsada.

Agaran kong hinampas yung likod niya. "Gago ka ba?!"
"Gusto mo na bang mamatay? Gusto mo na ba akong patayin?" bulyaw ko.

"We're safe okay? You're safe with me." singhal niya.

"Paanong safe eh kung magpatakbo ka parang iyo yang daan eh. Pinagawa mo ba yan ha? May pangalan mo ba at kung makapagdrive ka parang wala ng bukas. Jusko! Aatakihin ako sayo eh!"

Tinanggal niya ang helmet niya. "I already told you that you're safe with me. I won't let anything happen to you. Understand?" sabay irap niya at suot ulit sa helmet.

Nakahelmet ako pero rinig ko ng malinaw ang mga katagang sinabi niya.

"I already told you that you're safe with me. I won't let anything happen to you. Understand?"

Hindi ko alam pero, kumabog bigla ng mabilis yung puso ko.

To be continued...

Ps. This is not my first time writing stories but it is my first time sharing it. Please don't judge ✌️ peace!

06/11/2019

Hello nga po pala kay Mekaela ng 2-Diamond 😍 kyut kyut mo mukha kang masiyahing brownies chourrr 😁😅

-hakdoggg

28/10/2019

Pashout po sa taong nagmamahal ngayon kay JOSELITO GERON ng grade 12 TVL 3 pkiingatan mo siya mahal na mahal ko yan kahit dina niya ako mahal😊😘 alam kung kaya niya ako iniwan dahil sayo kaya alagaan mo siya ng mabuti gaya ng pag aalaga ko sa kanya😘

Ps. Balik kana miss na kita Joselito Geron😍

27/09/2019

Papost po neto. Kapwa mag-aaral sa Balungao nhs, hindi po si Marinold Nachor yung nagpost at nakikiaway na dinadamay yung Rosales NHS. Nadamay lang din po siya at wala po siyang kamalay-malay sa nangyayari. Kung ano man po yung nag viral na post, hindi po iyon si Marinold. Kinaklaro ko lang po dahil hindi po niya magagawa yun. Kung sino man po yung gumagamit ng pangalan ng kaibigan namin, please stop na po nakakasira po kayo ng pangalan at reputasyon ng school

–narra🤦🏻‍♀️

25/09/2019

Pashout nga po kay Joselito Geron ng Grade 12 TVL 3 kuya ang popogi mo po happy birthday kuya ingat ka plgi lagi mong tatandaan na andito lang ako para sayo chat mo lng ako kung may problema ka
-girly😘

05/09/2019

Shout out sa nadaanan ko yung may putok sa court geh teh tawas tawas din Po wag cp ng cp

~||• audience •||~

Address

Poblacion, Balungao
Pangasinan
2442

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BalungaoNHS Secret files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category