10/08/2022
Mga paalala kaugnay ng pagsasagawa ng Brigada Eskwela ngayong taong 2022:
1. Ang Division Brigada Eskela & Oplan Balik Eskwela Kick-Off Program ay gaganapin sa ika-15 ng Agosto sa Virac Pilot ES alinsunod sa inilabas na DM No. 378, s. 2022 ng SDO Catanduanes. Ang kick-off na ito ay magsisilbing advocacy campaign upang mas marami ang mahikayat na lumahok sa Brigada Eskwela.
2. Ang tema ng BE 2022 ay, "Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik Aral."
3. Ang School BE Implementation o Action Plan ay ang magsisilbing gabay ng mga paaralan upang masiguro na ang mga kailangan o priority needs ng paaralan tulad ng pagsasaayos at pagkukumpuni ng mga silid-aralan at mga pasilidad, pagpapagawa ng mga handwashing facilities at pangangalap ng mga resources tulad ng hygiene kits, food packs, o reading materials.
4. Ang Brigada Eskwela, sa pamamagitan ng Brigada Pagbasa, ay siya ring magsisilbing daan upang mabigyan ng maagang learning intervention ang mga mag-aaral lalong lalo na ang mga mababa ang literacy at numeracy levels.
Ang Brigada Pagbasa ay nakatuon sa pagpapabasa sa mga mag-aaral mula Grades 4-6 hanggang sekondarya kung kinakailangan. Ang mga programang ito ay isasakatuparan ng ating mga volunteer tutors na maaring isang teacher-applicant, magulang, college graduate o community professionals. Dahil din sa pagnanais ng mga college students na maging parte ng ating programa, sila ay pinahihintulutan at maari nang mag-sign up online.
Antabayanan lamang ang implementing guidelines na ilalabas ng dibisyon na patungkol sa Brigada Pagbasa.
5. Hinihikayat ang ating mga paaralan na i-tap ang suporta ng mga partners upang magkaroon ng sapat na mga materials na magagamit ng mga volunteers. Ang pagsusumite ng project proposal sa mga partners at pagkakaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) Signing ay mabisang paraan para gawing pormal at mabisa ang partnership ng paaralan at mga stakeholders.
6. Tandaan na ang Brigada Eskwela ay binibigyang buhay ng spirit