Virginia Ramirez-Cruz National High School Values Education Club

Virginia Ramirez-Cruz National High School Values Education Club Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Virginia Ramirez-Cruz National High School Values Education Club, School, Siling Bata, Pandi.

07/10/2026

“This school is nothing without…”
—not just a teacher, but the heart behind every lesson, every reminder, and every dream.

A school is made of classrooms, books, and countless memories, but what truly gives it life are the teachers who choose to show up every day and make a difference.

Behind every student who learns to believe in themselves is a teacher who once believed in them first. Behind every achievement is a teacher who patiently guided, corrected, encouraged, and never gave up.

You may not always see the impact of what you do, but somewhere in the hearts of your students, your words are remembered, your kindness is treasured, and your lessons continue to live.

To all our teachers, thank you for being more than educators. You are the people who help shape the future, one student at a time.

Because when we say, “This school is nothing without our teachers,” we mean that the walls may build a school, but teachers are the ones who give it a heart. 🤍📚

Happy Teachers’ Day to the people who make our school feel like more than just a place to learn. 🌷✨

PERO NHAY… AMININ MO, MASAYA KA SA INTRAMS 😭🏆Mga Ka-Virginians! Masaya ba ang Day 1 ng Intrams n’yo? 👀Nahandcuff ka ba s...
08/09/2026

PERO NHAY… AMININ MO, MASAYA KA SA INTRAMS 😭🏆

Mga Ka-Virginians! Masaya ba ang Day 1 ng Intrams n’yo? 👀
Nahandcuff ka ba sa crush mo? ENEBe, ay maliii! 😭

Avisala sa mga bumili😘😜

🧹💚 WHO SAID CLEANING CAN’T BE FUN? 👀POV: Nagpunta ka para maglinis, pero umuwi kang may good memories, bagong pics, at m...
08/09/2026

🧹💚 WHO SAID CLEANING CAN’T BE FUN? 👀

POV: Nagpunta ka para maglinis, pero umuwi kang may good memories, bagong pics, at mas malinis na paligid. 😭✨

From kalat to ✨CLEAN✨ real quick! 🫡🌱With teamwork, good vibes, and a little bit of pawis, the V.E Club turned an ordinary clean-up into a meaningful day for Mother Earth. 🌎💚

Kaya next time may kalat… alam niyo na. Reverse walk sabay pulot ng kalat. 😍🧹

📸 Here’s a glimpse of our Clean-Up Drive!
Small actions. Big impact. 🌱💪

06/09/2026

"SORRY HININGAL" 😭

Ka-V.E Club, handa ka na ba sa paparating na Intramurals 2026?? Kung ganon, dapat na maghanda na rin sa pasabog ng Values Education club na mga booths! 🥰🎉

Ang isa sa mga booth na mayroon ang Values Education ay walang iba kundi ang ValueSweets is a Sweet Values! Hashtag MataMISS Booth ang peg! 😋🍬🍭

Masasarap at matataMISS na pagkain ang aming ihahain na tiyak na magpapaligaya sa intrams mo, mala back to childhood talaga ito! Kasabay nito, alam niyo ba na maaari kayong makakuha ng mga prizes na tinatawag naming ValueBalls na naglalaman ng surprises na hinding-hindi mo makakalimutan for the rest of your life! 😍🥹

Kaya, handa ka na ba? Punta na sa club naming may bitaw na isasama ka sa paglipad ng eroplano, kasama mo sa zero days hanggang paldo days! 😉💪

Magandang buhay, Virginians! Ngayong buwan ng Agosto, ipinagpapatuloy natin ang ating "AVAM o A Values A Month" sa pagbi...
31/08/2026

Magandang buhay, Virginians!

Ngayong buwan ng Agosto, ipinagpapatuloy natin ang ating "AVAM o A Values A Month" sa pagbibigay-buhay sa tatlong mahahalagang haligi ng ating pagkatao:

📌 Nationalism
📌 Patriotism at
📌 Global citizenship

Ano nga ba ang kahulugan ng mga ito sa ating buhay-mag-aaral? Ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang naipapakita sa pag-awit ng Lupang Hinirang tuwing Lunes. Nasa simpleng paggalang ito sa ating wika, pagtangkilik sa sariling atin, at pagmamalaki sa ating kulturang Pilipino.

Ang patriotismo naman ay ang aktibong pagtayo para sa kung ano ang tama at makabubuti sa ating pamayanan. At bilang mga Global Citizens, kinikilala natin na ang ating mga kilos ay may epekto hindi lang sa ating paaralan, kundi sa buong mundo—sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan at paggalang sa iba't ibang kultura.

Mga Simpleng Paraan ng Pagpapakita ng Pagkamakabayan at Global Citizenship:
Maging Responsable sa LipunanSumunod sa mga alituntunin ng paaralan at pamayanan nang buong puso.

Pangalagaan ang Kalikasan: Magtapon sa tamang lagayan at bawasan ang paggamit ng plastic para sa kinabukasan ng ating planeta.

Igalang ang Bawat Isa: Tanggapin ang pagkakaiba-iba ng paniniwala at kultura ng kapwa natin mag-aaral at ng mga tao sa buong mundo.

Maging Matalinong Mamamayan: Gamitin ang digital media sa tamang paraan upang magpakalat ng katotohanan at positibong inspirasyon.

Virginians, ipakita natin na ang ating talino at galing ay nakatuntong sa pagmamahal sa ating bansa at sa pagmamalasakit sa buong mundo. Sa loob man ng silid-aralan o sa pamamagitan ng ating mga screen, maging ehemplo tayo ng isang Pilipinong may pandaigdigang pananaw.

💻 : Carlos Jacob Rosario | VE Club President
✍🏻 : Carlos Jacob L. Rosario | President Jillian I. Cereza | Vice President
🏫 : Jan Paula DC. Leoparte | VE Club Adviser
🏫 : Mercedita S. Cruz I VE Head Designate
🏫 : Ma. Lourdes C. Valondo | School Head

Magandang buhay! 💟Ngayong Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Kaakibat nito ay ang pagbabahagi rin ng Values...
09/08/2026

Magandang buhay! 💟

Ngayong Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Kaakibat nito ay ang pagbabahagi rin ng Values Education Club ng kaalaman para sa ating panibagong A Values A Month, na may temang: Nationalism, Patriotism, at Global Citizenship. 💐

‎Batay sa Sikolohiya, iba-iba ang kahulugan ng Nationalism, Patriotism and Global Citizenship. Ang Nationalism ay ang pagmamalaki sa ating pagiging Pilipino o kasapi ng anumang bansang pinagmulan. Ang Patriotism naman ay ang pagsasabuhay nito sa pamamagitan ng aksyon at tapat na paglilingkod sa bayan. Samantala, ang Global Citizenship ay ang pag-unawang hindi lang tayo nakakulong sa sariling bansa—bahagi tayo ng mas malawak na daigdig na sabay-sabay na umuusad. 🙌

‎Hindi dapat manatili lang ang mga itong nasa isipan at mga salita, kailangan itong isabuhay at patunayan. Ito ang isa sa mga pinaka-importanteng humuhubog sa ating pagkatao at nagpapabuo sa atin bilang tunay na mabuting mamamayan—parang mga magkakaungnay na bahagi ng isang kabuuan na nais mabuo at hindi magiging ganap kung may kulang na piraso. 🫂
‎
‎Napatutunayan natin ito sa mga simpleng gawa: pagboto nang tama, pag-aalaga sa kalikasan, at pagdamay sa kapwa. Ang bawat hakbang ay may kaakibat na responsibilidad na may kasamang ng paninindigan at katapatan. 🫡
‎
‎Tayo ang maging instrumento ng pagbabago. Gamitin natin ang ating boses at kusang gawa upang harapin ang mga suliranin sa ating paligid—dahil kung hindi natin ito kaagarang aagapan, tayo rin ang unang maaapektuhan. 🥹
‎
‎Tayo ang puso ng mga katangiang ito. Hindi lang ito mga salitang sinasambit, kundi gawang dapat ipakita upang manatiling nagkakaisa ang ating paligid, kahit anumang problema ang sumapit. ❤️‍🩹
‎
‎Tandaan natin: hindi mahirap mahalin ang isang bansa kung ito ay tinatrato nang tama at hindi inaabuso nang basta-basta, dahil hindi nararapat na sapitin ng ating bayan ang kasakiman at mga problema dahil sa kapabayaan ng iilan. 💫
‎
‎Sama-sama tayong magtulungan para sa ating kapaligiran! ☺️

💻✍️: Jillian I. Cereza | VE Club Vice President
🏫: Jan Paula DC. Leoparte | VE Club Adviser
🏫: Mercedita S. Cruz VE Head Designate
🏫: Ma. Lourdes C. Valondo | School Head

Magandang buhay, mga kapwa ko Virginian! Ngayong buwan ng Hulyo narito po ang  ating "AVAM o A Values A Month" At ang ka...
28/07/2026

Magandang buhay, mga kapwa ko Virginian! Ngayong buwan ng Hulyo narito po ang ating "AVAM o A Values A Month"

At ang kauna-unahang value na ating bibigyang buhay ay PAGMAMALASAKIT SA KAPWAo GIVING CONCERN FOR OTHERS
Ano ba ang pagmamalasakit sa kapwa? Hindi ito laging malaking bagay. Minsan, nasa simpleng "Kumusta ka?" lang yan. Nasa pag-alalay mo sa kaklaseng nahihirapan. Nasa pagbibigay mo ng oras para makinig. Nasa pag-unawa mo kahit hindi mo lubos na naiintindihan.
Sa mundo ngayon na lahat nagmamadali, ang pumili para magmalasakit ay isang matapang na desisyon. Kaya ang hamon ko sa bawat isa: Sa loob ng 31 araw ng Hulyo, gumawa tayo ng kahit isang gawa ng malasakit araw-araw. I-check natin ang kaibigan natin. Tulungan natin ang nahihirapan. Pakinggan natin ang tahimik.
Tandaan natin, mga Virginian: Hindi tayo basta magaling. Tayo ay may puso. At ang pusong marunong magmalasakit, yan ang tunay na tatak Virginian. Maraming salamat. Mabuhay ang pagmamalasakit!
Sa bawat simpleng kabutihang ating ginagawa, until-unti nating nabubuo ang isang paaralang puno ng ng paggalang at malasakit.
Tandaan natin na ang simpleng pagtulong ay maaaring magpabago ng araw ng isang tao
Bilang isang Virginian, nawa’y hindi lamang natin ipakita ang lamang natin ipakita ang pagmamalasakit ngayong buwan ng Hulyo, kundi gawin natin itong bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa loob man o sa labas ng paaralan maging inspirasyon tayo sa iba sa pamamagitan ng ating kabutihan.

Kaya simulan natin ngayon. Maging mabuting kaibigan, responsableng mag-aaral, at taong may pusong handang umunawa sa kapwa. Dahil sa bawat munting kilos ng pagmamalasakit, mas lalo nating naipapakita natin ang tunay na diwa ng pagiging isang Virginian.

Romans 12:10
💻 : Carlos Jacob Rosario | VE Club President
✍🏻 : Justin Dela Cruz | Media Manager
🏫 : Jan Paula DC. Leoparte | VE Club Adviser
🏫 : Ma. Lourdes C. Valondo | School Head

A Value A Month (AVAM) for JULY  Giving Concern to Others  Being a Responsible and Good Person Always  Small Acts of Kin...
15/07/2026

A Value A Month (AVAM) for JULY
Giving Concern to Others
Being a Responsible and Good Person Always
Small Acts of Kindness Can Make a Big Difference

GIVING CONCERN TO OTHERS

Ang pagpapakita ng malasakit at tunay na pag-aalaga sa kapwa ay isang mabisang paraan upang mapalapit sila sa atin at makuha ang kanilang tiwala. Kapag nagmamalasakit tayo, binibigyan natin sila ng kumpiyansa at lakas ng loob na ipagpatuloy ang laban, dahil ipinaparamdam natin na hindi sila nag-iisa. Bilang mga Values Education Officers, layunin nating gabayan at hikayatin ang mga kapwa natin mag-aaral na tila nawawalan ng direksyon o hindi namamalayang nakakasakit na pala sa iba. Narito kami upang umalalay at maging sandalan ng bawat isa.

🌱BEING A RESPONSIBLE AND GOOD PERSON ALWAYS Bilang mga Virginians, likas na dapat nating taglayin ang pagiging responsable at mabuting tao. Mahalagang isabuhay natin ito araw-araw, dahil hindi natin alam ang mabibigat na pinagdadaanan ng bawat mag-aaral sa ating paligid. Ang pagiging mabuti ay hindi lamang nagtatapos sa loob ng paaralan kundi maging sa labas nito. Tandaan natin na ang tunay na pagkatao ay hindi nasusukat sa ating mga salita, kundi sa ating mga kilos, desisyon, at paraan ng pakikitungo sa ating kapwa.

☺️SMALL ACTS OF KINDNESS CAN MAKE A BIG DIFFERENCE Sa loob ng ating kampus, ang bawat maliit na kabutihan ay may kakayahang magdulot ng malaking pagbabago. Ang simpleng pagtulong sa kaklaseng nahihirapan sa aralin, ang paggalang sa ating mga g**o at kapwa mag-aaral, o kahit ang isang simpleng ngiti at pagbati ay sapat na upang magbigay ng saya, pag-asa, at lakas ng loob sa iba. Bilang mga mag-aaral, nawa'y gawin nating bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay ang kabutihan. Ang isang maliit na magandang gawain ay maaaring maging simula ng isang magandang epekto na magpapapatatag sa ating samahan. Ang tunay na pagbabago ay palaging nagsisimula sa maliliit na hakbang. Kaya naman, patuloy tayong maging mabait at maging mabuting halimbawa sa bawat araw!

✍🏻 💻 : Carlos Jacob Rosario | VE Club President
🏫 : Jan Paula DC. Leoparte | VE Club Adviser
🏫 : Ma. Lourdes C. Valondo | School Head

💙🩵💜 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗘 𝗪𝗘𝗟𝗖𝗢𝗠𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲–𝟮𝟬𝟮𝟳 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘𝗦 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗟𝗨𝗕 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥𝗦!   Hindi kailangang mauna para mapansin. Minsan, ang pin...
15/07/2026

💙🩵💜 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗘 𝗪𝗘𝗟𝗖𝗢𝗠𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲–𝟮𝟬𝟮𝟳 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘𝗦 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗟𝗨𝗕 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥𝗦!

Hindi kailangang mauna para mapansin. Minsan, ang pinakamagagandang kuwento ay nagsisimula sa tamang oras. Narito ang mga bagong lider na handang maglingkod, makinig, umunawa, at magbigay-inspirasyon sa bawat Virginian.

Hindi lang bagong mukha ang inyong makikita—bagong sigla, bagong ideya, at panibagong dedikasyon ang aming dala. Here's to another year of inspiring minds, shaping character, and living the values we believe in.

Remember: Life isn't a race. Everyone has a different path, a different pace, and a different purpose. Trust your journey.

💻 : Enoja Hapy Chamock | Grade 10 Media Manager
✍🏻 : Carlos Jacob Rosario | VE Club President
🏫 : Jan Paula DC. Leoparte | VE Club Adviser
🏫 : Ma. Lourdes C. Valondo | School Head

Congratulations, Ma’am Bernadette G. Seminiano!The Virginia Ramirez-Cruz National High School, together with the Values ...
04/07/2026

Congratulations, Ma’am Bernadette G. Seminiano!

The Virginia Ramirez-Cruz National High School, together with the Values Education Club and Values Education Department, proudly celebrates the outstanding achievement of our very own Head Teacher III, Ma’am Bernadette G. Seminiano!

It is with great joy that we congratulate Ma’am Bernadette for successfully passing the 2025 National Assessment for School Heads (NASH) and for meeting the rigorous PPSH Standards in 4 Domains.

This prestigious milestone is a testament to your unparalleled dedication, leadership, and unwavering commitment to excellence in education. Your success is an inspiration to the entire Virginian family and a powerful example of the high standards we strive for.

Ma'am Bernadette, your journey embodies the core values we instill in our learners. Your tireless efforts are recognized and celebrated as a shared victory for our school community.

May this achievement continue to inspire you to lead and serve with passion. We are immensely proud of you!

Congratulations once again, Ma'am Bernadette G. Seminiano!

To God Be the Highest Glory!

Address

Siling Bata
Pandi
3014

Opening Hours

Monday 6:30pm - 5pm
Tuesday 6:30am - 5pm
Wednesday 6:30am - 5pm
Thursday 6:30am - 5pm
Friday 6:30am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Virginia Ramirez-Cruz National High School Values Education Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category