14/08/2026
Sa kabila ng hindi magandang panahon, patuloy nating isinulong ang School-Based Feeding Program para sa ating mga minamahal na Kinder at Grade 1 learners.
Pinangunahan ni Ma’am Delilah U. Orillosa, School Head, kasama si Ma’am Irene Zoleta, School-Based Feeding Coordinator, ang pamamahagi ng masustansyang pagkain para sa ating mga mag-aaral.
Dahil para sa ating paaralan, walang panahon na hadlang sa pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng ating mga bata. Ang bawat masustansyang pagkain ay hakbang tungo sa mas malusog, masigla, at mas handang mga batang matuto.
Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa ating School-Based Feeding Program! Sama-sama nating itaguyod ang kalusugan, nutrisyon, at kinabukasan ng bawat bata.
“Malusog na Bata, Masiglang Mag-aaral, Mas Maliwanag na Kinabukasan!”
DELILAH U. ORILLOSA
School Principal I
DR. TERESITA B. ALQUIZA
District Supervisor