16/09/2021
Pagbati!
Ngayong araw, September 16, 2021 ay naganap ang 3rd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) at nakiisa ang mga g**o at estudyante ng VRCNHS sa pangyayaring ito.
Maging handa tayo sa mga biglaang sakunang maaring mangyari sa ating buhay!
28/06/2021
Ang samahan ng Virginia Ramirez-Cruz National High School ay buong pusong nakikiramay sa pagpanaw ng dating pangulo, Benigno Simeon Cojuangco Aquino III o mas kilala bilang "PNoy" at "Noynoy". Siya ang ika-labinlimang presidente ng Pilipinas, mula taong 2010 hanggang 2016.
Siya ay pumanaw nitong Huwebes, ika-24 ng Hunyo sa edad na 61.
Ang watawat ng Pilipinas ng aming paaralan ay nasa gitnang bahagi o naka-half-mast bilang pagpapakita ng aming pakikiramay sa pagpanaw ng dating pangulo.
19/06/2021
Pagbati!
Ngayong araw, June 19, 2021, ay ating ipinagdiriwang ang ika-160 na taon ng pagsilang ng ating pambansang bayani na si Dr. José Rizal. Bilang pakikiisa ng VRCNHS at ang samahan ng SSG nito, narito ang ilang kaalaman tungkol kay Rizal.
📌 Si Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna taong 1861.
📌 Ang kaniyang buong pangalan ay José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, siya din ay nakilala sa palayaw na "Pepe" at "Jose".
📌 Siya din ang may akda ng Noli Me Tángere at El Filibusterismo.
📌 Bukod sa bansag na pambansang bayani ng Pilipinas, siya din ay kinilala bilang “Father of Philippine Comics” dahil sa mga gawa niya noong siya ay nasa bansang Germany pa.
📌 Si Rizal ay nakapagsimula ng kaniyang ikatlong nobelang may pamagat na "Makamisa" ngunit hindi niya ito natapos.
📌 Ang kaniyang huling salita ay "Consummatum est," na nangangahulugang "Natapos na."
📌 Siya ay binaril noong ika-30 ng Disyembre taong 1896 sa Bagumbayan na kasalukuyang kilala bilang Luneta Park.
12/06/2021
Pagbati!
Ngayong araw, June 12, 2021, ay ating ipinagdiriwang ang ika-123 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
KAUNTING KAALAMAN:
Noong June 12, 1898, unang naideklara ang kalayaan ng Pilipinas mula sa 333 taong pagkakasakop sa atin ng mga Espanyol. Ito ay pinangunahan ng unang pangulo Emilio Aguinaldo kasama ang ilang Pilipinong rebelyon.
28/05/2021
Ngayong araw ay sinisimulan natin ang pagdiriwang ng Flag Days (May 28-June 12). Sa pakikiisa, maaaring gumawa ng flaglets ng ating ginagalang na watawat at ikabit sa harapan ng ating mga tahanan.
Maaari rin itong kunan ng larawan at ilagay sa comment section ng ating post na ito.
Manatiling ligtas ngunit makabuluhan ang pagdiriwang na ito Virginians!
Nakiki-isa ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat o National Flag Day alinsunod sa Republic Act No. 8491. Ang Flag Days ay magsisimula ngayong araw hanggang sa ika-12 ng Hunyo bilang pagpupugay sa ating Pambansang Watawat.
------
Ang Pambansâng Watâwat ay unang iwinagayway sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898 bilang simbolo ng ating kalayaan mula sa pananakop. Si Marcela Mariño de Agoncillo, isang babaeng may pagmamahal sa bayan na may talento sa pananahi, ang pinakiusapan ni Hen. Emilio Aguinaldo na gawin ang watawat. Ang disenyo nitó ay nagmula sa masuring diskusyon at pag-aaral ni Aguinaldo kasáma ang iba pang mga pinunò, at tinawag nilá itong “Ang Araw at Mga Bituin.” Ang bawat kulay, hugis, at disenyo ng watawat ay may simbolong kaakibat. Ang putîng triyanggulo sa kaliwa ay sumasagisag ng pagasa sa pagkakapantay-pantay, ang asul na kulay sa itaas ay sumisimbolo ng kapayapaan, katotohanan, at hustisya, hábang ang puláng kulay sa ibabâ ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan at kagitingan. Ang araw sa gitna ng putîng triyanggulo ay may walong sinag na kumakatawan sa unang walong probinsiya na lumaban sa España: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas. Hábang ang tatlong bituin sa bawat sulok ng tatsulok ay kumatakatawan sa tatlong pangunahing pulô sa ating bansa: ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang paggawa sa unang watawat ay inabot ng limang araw upang matapos. Kasáma ni Agoncillo ang kaniyang anak na babae na si Lorenza, at ang pamangkin ni Dr. Jose Rizal na si Herbosa de Natividad sa pagtahi. Ang mga telang kanilang ginamit ay nagmula pa sa Hong Kong.
Noong 23 Agosto 1907, pagkatapos sumuko ni Aguinaldo sa awtoridad ng Estados Unidos, ang “Flag Law” ay ipinatupad. Ito ay nagsasaad na ang paggamit ng watawat ng Filipinas ay ipinagbabawal kahit saan. Ikinalungkot ito ng mga Filipino at ipinagprotesta. Ipinaglaban nilá ang karapatan sa paggamit ng ating watawat. Naibalik ang dangal at respeto nitó nang aprobahan ni Gobernador- Heneral Francis Harrison ang pagpapawalang- bisà ng Flag Law at ipinatupad ang “Flag Day” noong 30 Oktubre1919. Simula noong araw na iyon ay maaari na muling gamitin ang watawat sa mga pampublikong lugar. Gayunman, ang ipinagdiriwang ngayong “Flag Day” ay mula 28 Mayo hanggang 12 Hunyo. (LN)
(Pambansang Watawat. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/pambansang-watawat/)
27/05/2021
📣National Simultaneous Earthquake Drill❗
VRCNHS VIDEO ANNOUNCEMENT FOR NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL FOR 2ND QUARTER
The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) has urged the public to participate in the second quarter online Nationwide Simultaneous...