31/05/2026
๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ญ๐ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ
Oras na naman upang magkaisa! Muling nag-aanyaya ang Beata Elementary School sa ating mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, stakeholders, at buong komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela ngayong taon.
Sa simpleng paglalaan ng oras, lakas, at tulong ,tulad ng paglilinis, pagpipintura, pagtatanim, o pagbibigay ng kagamitan, malaki na ang maitutulong natin upang maging mas ligtas, mas maayos, at mas handa ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.
Hindi lamang ito tungkol sa pagsasaayos ng silid-aralan at paligid ng paaralan. Ito rin ay pagpapakita ng pagmamalasakit, pagkakaisa, at suporta para sa kinabukasan ng ating mga batang Beatanian.
Magsisimula ang ating brigada sa darating na ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐, ๐๐๐๐.
Kita-kits, Beatenians! Tandaan, bawat tulong ay mahalaga. Bawat gawa ay may malaking ambag.