19/09/2026
๐๐ข๐ญ๐๐ซ๐๐ซ๐ฒ | ๐๐๐ค๐๐๐๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฉ ๐ค๐จ
Hindi naman kailangang mamahalin,
para masabing masarap ang pagkain.
Minsan nasa gilid lang ng daan,
nakalatag sa maliit na tindahan,
pero may kwento, may saya, may dahilan.
Hindi sa lugar nasusukat ang alaala,
hindi sa ganda ng paligid o halaga ng dala.
Dahil ang tunay na nagbibigay ng lasa,
ay ang mga taong kasama sa bawat sandali at tawa.
Sa panahon na hindi alam saan pupunta, may munting tindahan kang makikita.
Isang tusok ng fishball, isang piraso ng kwek-kwek, at may kikiam pa. Mga pagkaing tinuhog sa matulis na patpat na hawak nila, na tila nagiging sandata ng isang estudyanteng lumalaban pa.
Pero ang pinakapaborito ng marami ay ang piraso ng saging na may pagka init init pa..Pastil daw sabi nila.
Ngunit, hindi naman nagkakalayo ang pastil sa tao, higit sa pagkain, itoy naging salamin sa mga damdaming ibinabalot at pilit itinatago. Sa loob nito ay may pagod, lungkot, at pangarap na pasan ng estudyanteng patuloy na tumatayo.
Maraming estudyante ang nasalba,
Mga gutom, nagmamadali, at pagod pa sila.
Sa bente pesos nila sa bulsa,
May estudyanteng nakakaraos pansamantala.
Maliit man sa paningin ng iba ang bente pesos na dala,
pero para sa ilan, ito ang pasaporteng abot kayang maliit, ngunit kayang maglipad sa kanila patungo sa pangarap na gustong makamit.
Sa mga estudyanteng kapos ang baon,
sa mga araw na kailangan pang magtiis at bumangon,
ang pagkain na iyon ang naging kaibigan, sandalan at naging munting sagot sa kumakalam na tiyan.
Hindi man ito pagkain sa marangyang hapag,
hindi man ito nakalagay sa magandang lalagyan,
pero maraming pangarap na ang unti-unting natutupad sa bawat pagkuha nito sa lapag.
Dahil sa bawat subo ay may kasamang kwento,
sa bawat hati ay may kasamang respeto.
May mga kaibigang handang makinig,
may mga taong lumalaban kahit magulo ang paligid.
Sapagkat ang pinakamasarap na pagkain,
ay hindi laging mahal o mahirap hanapin.
Minsan itoโy simpleng pagkaing pinagsaluhan,
ng mga kaibigang naging sandalan
sa gitna ng hirap, gutom, at pangarap na hinahabol kailanman.
โ via Choi
Photos by Ken Brian Demanuel, Precious May Genita, and Khan Jacquias
Pubmat by Gwen Mahinay
๐ป๐๐๐ ๐๐ ๐ผ๐ด๐ป๐ฝ๐ต๐ฉ๐บ๐ฑ๐ณ๐ผ๐ด๐ฐ๐ต๐จ
๐พ๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.