06/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Matagumpay na idinaos ng Mabunao National High School noong Setyembre 4, 2026 ang Pagtatapos na Palatuntunan ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2026โisang makabuluhan at makulay na pagdiriwang na nagbigay-daan upang maipamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang talino, talento, pagkamalikhain, husay, at pagmamahal sa wikang Filipino, kultura, at kasaysayan ng ating bayan.
Sa Paligsahan sa Kaalaman sa Wika at Kasaysayan, itinanghal na kampeon ang Baitang 12 โ Matapat, na buong husay na kinatawan nina Alcher Jr. Lastimosa, Filmar Decdican, at Rhea Jean Fuerzas.
Sa Paligsahan sa Paglikha ng Kuwento at mga Larawan sa Tulong ng Artipisyal na Intelihensiya (AI Digital Storytelling), nagwagi bilang kampeon ang Baitang 10 โ Maaasahan, na kinatawan nina Angel Rose Coranes at Gwenny Shane Delos Nieves.
Sa Paligsahan sa Pag-awit ng Kundiman o Awiting Bayan, itinanghal namang kampeon ang Baitang 9 โ Mapagmahal sa pamamagitan ng mahusay na pagtatanghal ni Zaireen Buit.
Samantala, nasungkit din ng Baitang 10 โ Maaasahan ang kampeonato sa Paligsahan sa Paggawa ng Pisara ng Impormasyon.
Isa rin sa pinakahihintay na bahagi ng pagdiriwang ang Lakan at Lakambini 2026, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kumpiyansa, talino, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Sa pagtatapos ng patimpalak, kapwa nagmula sa Baitang 8 โ Masipag ang itinanghal na pangunahing nagwagi: si Shaldre Juarez bilang Lakan 2026 at si Frecy Gwen Gulayan bilang Lakambini 2026.
Lubos ding nagpapasalamat ang paaralan sa mga g**o at panauhing naglaan ng kanilang panahon at kaalaman bilang mga hurado sa iba't ibang patimpalak.
Para sa Pisara ng Impormasyon, taos-pusong pasasalamat kina G. Dreson Acosta, Bb. Charissa Mae Gevera, Bb. Rica Jhean Lomalio, Bb. Marissa Tolentino, at Gng. Macarivel Perez.
Para sa Paglikha ng Kuwento sa Tulong ng Artipisyal na Intelihensiya. Maraming salamat kina G. Dominador Jr. Reyes, G. Dreson Acosta, at Bb. Angelika Maye Maniscan.
Para naman sa Awiting Bayan o Kundiman, pasasalamat kina G. Dominador Jr. Reyes, Bb. Marissa Tolentino, at Gng. Macarivel Perez.
At para sa Lakan at Lakambini 2026, taos-pusong pasasalamat kina Bb. Jacky Lou Jean Cubero, Hon. Jingkai Segayle, at Bb. Rose Ryn Mae Bongcales sa kanilang mahalagang papel sa pagpili at pagkilala sa ating mga natatanging kalahok. โค๏ธ
Isang natatanging pasasalamat din kina Ginoong Dreson B. Acosta, Tagapag-ugnay sa Araling Panlipunan, at Ginang Justine V. Gabutero, Tagapag-ugnay sa Filipino, sa kanilang dedikasyon at pagsisikap upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang. Lubos din ang aming pasasalamat kay Ginang Melchora O. Dumbase, Gurong Namamahala, sa walang sawang suporta at paggabay sa buong programa. Gayundin, taos-puso naming pinasasalamatan si Hon. Zenaida Gulayan, Tagapangulo ng Komite sa Edukasyon ng Barangay, sa kanyang pagdalo at patuloy na pagsuporta sa mga programa at gawain ng paaralan.
Isang malaking pagkilala at pasasalamat din kay Ginoong Manolito 11 L. Huerbana, bilang Punong Abala sa kabuuan ng selebrasyon at mga patimpalak, sa kanyang panahon, pagsisikap, dedikasyon, at pangunguna mula sa paghahanda hanggang sa matagumpay na pagsasagawa ng bawat gawain.
Hindi rin magiging ganap ang tagumpay ng pagdiriwang na ito kung wala ang sama-samang suporta at pagtutulungan ng ating mga g**o, mga g**ong tagapayo ng bawat klase, mga opisyal ng Kataas-taasang Pamahalaan ng mga Mag-aaral (SSLG), mga mag-aaral na pinuno ng Komiteng Teknikal, mga kalahok, at lahat ng mag-aaral na buong siglang nakiisa sa bawat gawain. Ang inyong oras, talento, pagod, at malasakit ang naging mahalagang bahagi upang maisakatuparan ang isang makulay at hindi malilimutang selebrasyon.
Higit sa mga tropeo, sertipiko, at pagkilala, ang tunay na tagumpay ng pagdiriwang ay ang muling pagpapaalala sa bawat Mabunaoan na ang wika at kasaysayan ay hindi lamang mga araling matatagpuan sa aklatโito ay buhay na bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at Artipisyal na Intelihensiya, nawa'y patuloy nating gamitin ang mga makabagong kasangkapan upang higit na mapahalagahan, mapangalagaan, at maipasa sa susunod na henerasyon ang ating wika, kultura, at kasaysayan.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Kasaysayang Pilipino! Mabuhay ang mga mag-aaral at g**o ng Mabunao National High School!๐ต๐ญ
PAALALA: Ang mga larawang kalakip sa post na ito ay kuha sa mga opisyal na gawain ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2026 at inilathala para sa layuning pang-edukasyon, dokumentasyon, atpagkilala sa pakikilahok at tagumpay ng mga mag-aaral na may kaukulang pahintulot. Hinihiling ang responsableng pagbabahagu ng mga larawan bilang paggalang sa kanilang karapatan at pribasiya.