26/10/2023
TINGNAN: Sa ginanap na International Research Conference (IRCon) on Global Citizenship Education (GCED), ipinahayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang suporta nito sa Global Citizenship Education (GCED) sa pamamagitan ng MATATAG Curriculum.
Layunin ng Kagawaran na isulong ang GCED sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kapasidad ng mahigit isang milyong g**o na turuan ang mga mag-aaral na maging global citizen sa ilalim ng MATATAG Agenda.
Samantala, tinalakay naman ni DepEd External Partnership Service Director IV Margarita Ballesteros ang mga inisyatiba at programa ng Korea-Philippine Teacher Exchange Program Association.
May temang "Traversing Global Citizenship Education in the New Normal: From Research Innovations to Impactful Actions," ang IRCon GCED na ginanap nitong Oktobre 4-6 sa Boracay Island, Aklan ang kauna-unahan na isinagawa sa Pilipinas at Southeast Asia region. Inorganisa ito ng Philippine Normal University sa tulong ng DepEd at partners.