01/10/2026
POLISIYA SA MGA HINDI TRANSPARENT NA BAG
Ang kaligtasan at seguridad sa paaralan ay pananagutan ng bawat isa. Kaya mahalagang malaman at sundin ng bawat mag-aaral ang patakaran tungkol sa paggamit ng bag sa loob ng paaralan.
๐ Basahin. Unawain. Seryosohin. Sundin.
Ang paggamit ng transparent o malinaw na bag ay bahagi ng mga hakbang upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan. Kung may aprubadong dahilan para gumamit ng hindi transparent na bag, mahalagang sumunod sa itinakdang proseso at mga kaukulang alituntunin.
Huwag hintaying maulit ang paglabag bago ito seryosohin. Ang bawat paalala at interbensiyon ay pagkakataon upang maitama ang kilos at mapanatili ang kaayusan.
๐ Unang paglabag? Pakinggan at sundin ang paalala.
๐ Ikalawang paglabag? Kumonsulta sa itinakdang g**o at sundin ang nararapat na proseso.
๐ Ikatlong paglabag? Alamin at sundin ang mga kaukulang hakbang at interbensiyon ng paaralan.
๐ Paulit-ulit na paglabag? Makipagtulungan sa class adviser at sundin ang itinakdang proseso ng paaralan.
Tandaan: Ang pagsunod sa patakaran ay hindi lamang tungkol sa pag-iwas sa kaparusahan. Ito ay tungkol sa pagiging responsable, pakikipagtulungan, at pagprotekta sa kaligtasan ng buong komunidad ng paaralan.
BASAHIN. UNAWAIN. SERYOSOHIN. IPATUPAD.
Disiplina sa paggamit ng bag, para sa ligtas, maayos, at matagumpay na paaralan!