Madrasah Sahibol Dar Al Uloom Al-Islaamiyyah

Madrasah Sahibol Dar Al Uloom Al-Islaamiyyah Islamic school attarbiyyah.

04/09/2026


SINUMAN ANG SISIRA SA SAMAHAN NG MAG-ASAWA, KATUNAYAN SIYA AY NAKAGAWA NG MABIGAT NA KASALANAN!!

Kabilang sa mabigat na kasalanan sa Islam ay paninira sa samahan ng mag-asawa na siyang maging dahilan para sila ay magkahiwalay dahil ito ay kabilang sa hayag na kawalan ng katarungan at pag-uudyok ng hidwaan sa pagitan ng mag-asawa.

Sinabi ng Mahal na Propeta ﷺ: ❝Hindi kabilang sa amin ang sinuman ang sisira sa isang babae doon sa kanyang asawa. ❞

حديث : ❞ ليسَ منَّا من خبَّبَ امرأةً علَى زوجِها ❝ صححه الألباني في صحيح أبي داود

SINUMAN ANG SISIRA SA BABAE DOON SA KANYANG ASAWA AY KABILANG SA ISUSUMPA!

Sinabi ng Mahal na Propeta ﷺ: ❝Isinumpa ang sinumang sisira sa babae doon sa kanyang asawa.❞

وفي رواية : ❞ ملعون من خبب امرأة على زوجها ❝ رواه أبو داود في ( ٢ / ٢٦٠ - ٢٦١ ) ، ورواه الحاكم في مستدركه ( ٢ / ١٩٦ )

KABILANG SA MGA URI NG PANINIRA SA ASAWANG BABAE DOON SA KANYANG ASAWA AY:

1. Siraan ang asawa nito sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga negatibo nito upang kamuhian niya ang asawa, o banggitin sa kanya ang katangian ng ibang lalaki o udyukan siya (babae) para mahiwalayan ang kanyang asawa.

2. Ang pagbibigay ng hindi magandang payo sa asawa ng iba upang siraan ang asawang lalaki.

3. Kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa, sikaping mong sila ay magkasundo sa mainam na pamamaraan at huwag gatungan ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

4. Bilang kaibigan o kamag-anak ng asawang babae, iwasan mo na ikaw ang maging dahilan para magkahiwalay ang dalawang mag-asawa sa pamamagitan ng iyong mga salita (pagbibigay ng payo na hindi maganda o pagpapakalat ng masamang tsismis etc..) o gawa (pag-uudyok sa asawang babae upang masira ang samahan ng mag-asawa) etc..

5. Babala rin sa mga kalalakihan, huwag magbigay ng motibo o manligaw sa babaeng may asawa dahil ito ay matinding ipinagbawal at huwag din silang udyukan para hiwalayan ng babae ang kanyang asawa!

6. Ang pinaka mabigat na kasalanan ay inudyukan ang babae na hiwalayan ang kanyang mister dahil hanggad mo pala itong pakasalan!!

📚Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (hafidhahullâh)
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

06/06/2026

Isang kuwento punung-puno ng aral

MAPALAD NA MANLALAKBAY

May isang makasalanang lalaki na taga Basra na naglalakbay, at nang mapadpad sila sa isang Isla na kung saan ay may binibentang mga alipin ay bumili siya ng napakagandang dalagang alipin, at bukod sa kanyang kagandahan ay magaling din sumayaw, kumanta at tumugtog.

Sumakay sila sa isang barko pabalik sa Basra, at nang sumapit ang dilim at tumahan ang malalakas na alon ay kanyang tinipon ang mga sakay ng barko para sa isang party, at silay nag-inuman ng alak.

Habang umiinom ang mga tao ay tinawag niya ang kanyang napakagandang alipin, at pinatugtog ito, pinakanta at pinasayaw.

Sa isang sulok ng barko ay may isang binata na nagbabasa ng Qur’an, pinuntahan siya ng lalaki at tinanong ng may kayabangan: ❝Hoy binata! Hindi mo ba nagustuhan ang kanta ng aking alaga? Dagdag pa niya: Mayroon bang bagay na mas magandang pakinggan kay sa kanyang kanta at tugtugin?!❞

❝Oo, mayron❞, tugon ng binata.

Sabi ng lalaki: ❝Ipadinig mo sa akin kung totoo ngang mayron!❞

Binasa ng binata nang may napakagandang boses ang sinabi ng Allâh sa Qur’an:

﴿ قُلْ مَتَاعُ الدُّنْيَا قَلِيلٌ وَالْآخِرَةُ خَيْرٌ لِّمَنِ اتَّقَىٰ وَلَا تُظْلَمُونَ فَتِيلًا ۝ أَيْنَمَا تَكُونُوا يُدْرِككُّمُ الْمَوْتُ وَلَوْ كُنتُمْ فِي بُرُوجٍ مُّشَيَّدَةٍ ۗ ﴾ سورة النساء ، رقم الآية ٧٧-٧٨

(Ang lalaki ay arabo, kaya naiintindihan niya ang kahulugan ng mga Ayat na ito).

﴾Sabihin mo; ang kasiyahan sa mundong ito ay panandalian lamang, at ang kabilang buhay ang higit na mas mainam para sa sinumang may takot sa Allâh, at ang kawalan ng katarungan ay hinding hindi gagawin sa inyo maging katumbas man ito ng hibla ۝ Saan man kayo naroroon ay darating sa inyo ang kamatayan maging kayo man ay nasa matatayog na tore.﴿ Qur’an 4:77-78

Nanginig ang lalaki sa kanyang narinig, at naitapon sa dagat nang biglaan ang kanyang alak at sinabi: ❝Tunay ngang mas mainam ito kaysa kanta at tugtugin ng dalaga.❞ At sinabi sa binata: ❝Mayron pa ba?❞

Nagbasa ulit ang binata:

﴿ وَقُلِ الْحَقُّ مِن رَّبِّكُمْ ۖ فَمَن شَاءَ فَلْيُؤْمِن وَمَن شَاءَ فَلْيَكْفُرْ ۚ إِنَّا أَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمْ سُرَادِقُهَا ۚ وَإِن يَسْتَغِيثُوا يُغَاثُوا بِمَاءٍ كَالْمُهْلِ يَشْوِي الْوُجُوهَ ۚ بِئْسَ الشَّرَابُ وَسَاءَتْ مُرْتَفَقًا ﴾ سورة الكهف ، رقم الآية ٢٩

﴾At sabihin mo na ang katotohanan ay mula sa inyong Panginoon, kaya sinuman ang nais ay maniwala at sinuman ang nais ay hayaang hindi maniwala, ngunit Aming inihanda para sa mga makasalanan ang apoy na papalibot sa kanila ang mga dingding nito, at kung hihiling sila ng ginhawa ay kumukulong tubig ang ibibigay sa kanila na lalapnos sa kanang mga mukha, sadyang napakasamang inumin at napakasamang hantungan.﴿ Qur’an 18:29

Lalong nanginig sa takot ang lalaki at binuhos sa dagat ang lahat ng alak, at sinabi sa kanyang dalagang alipin: ❝Malaya ka na, para sa landas ng Allâh.❞ At kanyang tinanong ang binata: ❝May pag-asa pa ba akong patawarin ng Allâh?❞

Binasa ng binata ang Ayat na ito:

﴿ قُلْ يَا عِبَادِيَ الَّذِينَ أَسْرَفُوا عَلَىٰ أَنفُسِهِمْ لَا تَقْنَطُوا مِن رَّحْمَةِ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَمِيعًا ۚ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ ﴾ سورة الزمر ، رقم الآية ٥٣

﴾Sabihin mo sa Aking mga alipin na labis nang nagkasala sa kanilang mga sarili na huwag kayong mawalan ng pag-asa sa habag ng Allâh, tunay na patatawarin ng Allâh ang lahat ng kasalanan, Siya Ang Mapagpatawad, Ang Mahabagin.﴿ Qur’an 39:53

Sinabi ng lalaki: ❝Ako ay sumasaksi na ang Allâh ay Mapagpatawad at Mahabagin.❞ At huminga ng malalim at doon na siya binawian ng buhay.

Sinabi ng nagsalaysay: ❝Nanatili ang kanyang bangkay sa barko ng ilang araw bago kami dumating sa Basra, ngunit hindi nag-iba, at hindi nangamoy.❞

Sadayang mapalad ang taong ito, ilang sandali bago siya bawian ng buhay ay nagkaroon ng pagkakataong magsisi at magtawbah, kaya siya ay namayapa bilang matuwid na mananampalataya.

Ikaw? Kailan ka magbabago? Baka mamaya, o bukas ay susunduin kana ni kamatayan, ihanda mo ang iyong sarili sa lahat ng pagkakataon.

📚Sinulat at inipon ni Dr. Muhd-Ata Abdulkarim (hafidhahullâh)

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

22/05/2026
Samantalahin nyo po ang pagkakataon itong vacation na maghanap ng kaalaman sa Islam
10/04/2026

Samantalahin nyo po ang pagkakataon itong vacation na maghanap ng kaalaman sa Islam

Assalaamu'alaikum warahmatullahi wabarakatuh..
Muli pong magbubukas ang Masjid Sahibol Darul Uloom Al-Islamiyah ng ika-7 ng Summer Class Program" para sa taong 2026 Inshaa Allah.

Gugolin po natin ang ating oras sa landas ng Allah kng kayat himokin natin ang ating mga anak o ang ating sarili upang mag aral o pagaralan ang Deen ng Islam alang alang lamang sa Allah.

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ, قَالَ قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صلَّى اللَّه عليه وسلَّم:‏ "‏ مَنْ سَلَكَ طَرِيقًا يَلْتَمِسُ فِيهِ عِلْمًا سَهَّلَ اللَّهُ لَهُ بِهِ طَرِيقًا إِلَى الْجَنَّةِ ‏"‏

Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi: "Ang sinumang tumahak sa isang landas, na naghahanap dahil doon ng kaalaman, padadaliin ni Allah para sa kanya dahil doon ang isang daan patungo sa Paraiso." (Isinalaysay ito ni Imám Muslim.)

Note:
Magbbgay po kami ng libreng pag aaral para sa mga sumusunod na kalagayan:
1. Batang Ulila
2. Walang kakayanan sa usaping pinansiyal

Bittawfeeq 🤲🏻

Day23 Iftar Last 10 days @ masjid sahibol
13/03/2026

Day23 Iftar Last 10 days @ masjid sahibol

11/02/2026


ANG PAGDIRIWANG, PAGBABATIAN AT PAGLAHOK SA SELEBRASYON NG VALENTINES DAY AY HARAM AT MASAMANG GAWAIN!!

ANG BAGAY NA ITO AY NAPAGKAISAHAN NG LAHAT NG PANTAS (ULAMÂA) AT ANG MGA MATUTUWID NA MANANAMPALATAYA!!

👉 Sa Islam ay dalawa lamang ang pinahintulutang pagdiriwang, ito ay:
1. ‘EIDUL FITR
2. ‘EIDUL ADHÂ

At maliban dito sa dalawang nabanggit ay maaaring mahulog sa HARAM, BID’AH o maaaring humantong sa KUFR (pagtatakwil sa relihiyon).

👉 SA PAGDIRIWANG NG VALENTINES, NAPAPALOOB RITO ANG NAPAKARAMING KASALANAN NA HINDI MAKIKITA SA IBANG IPINAGBAWAL:

• UNA: BID’AH
Hindi ipinahintulot na ipagdiwang ang VALENTINES dahil ito ay kabilang sa paggaya sa selebrasyon ng hindi mananampalataya na walang batayan sa Islam at ang Mahal na Propeta ﷺ ay nagbigay ng matinding babala hinggil dito.

Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya nawa ang biyaya at kapayapaan): ❝Ang sinumang gumawa ng gawaing pagsamba na hindi naaayon sa aming gawain ay walang saysay (hindi katanggap-taanggap.❞ Inipon ni Imam Muslim

• PANGALAWA: HARAM
Napapaloob dito ang napakaraming ipinagbabawal sa Islam:

A. Ang paghahalo ng lalaki at babae na hindi Mahram at gayundin ang kanilang pagsasama (dating), magkamayan, yakapan, halikan o maaaring humantong sa ilegal na ralasyong sekswal.

B. Paglustay ng kayamanan sa pamamagitan ng pagbigay ng regalo, pagsuot ng natatanging kulay ng damit (red), pagkikita sa isang eksklusibong lugar (resto, park, sinihan o hotel).

C. Paggamit ng musika at pag-awit.

D. Pagsunod sa sariling kagustuhan (sariling pagnanasa) at Paglayo sa tamang katuruan.

• PANGATLO: KUFR (Pagtakwil o pagtalikod sa relihiyon)

👉 Malalabas ang tao sa Islam (KAFIR) kapag ang kanyang pagdiriwang sa VALENTINE’S DAY ay:

A. Bilang pagpupugay sa pagka-patron (pagka-santo) ni SAINT VALENTINE.

B. Pinaniniwalaan niya na ang pagdiriwang ng VALENTINE’S DAY ay ipinahintulot sa Islam.

👉 Ang tamang pagmamahalan na itinuro ng ISLAM ay pagmamahalan na walang natatanging panahon, bagkus ito ay isasagawa sa lahat ng panahon at sa mga bagay na HALAL lamang katulad ng pagmamahalan ng mag-asawa, magpamilya at magkakapatid sa pananampalataya!!

Alinsunod sa sinabi ng Propeta ﷺ: ❝Kapag minahal ng lalaki ang kanyang kapatid (sa pananampalataya) ay ipabatid niya sa kanya ang kanyang pagmamahal.❞ Ang Hadith ay Authentic ayon kay Albani

Sinabi ng Propeta ﷺ: ❝Hindi kayo makakapasok sa paraiso hangga’t hindi kayo naniniwala at hindi kayo tunay na naniniwala hangga’t hindi kayo nagmamahalan….❞ Iniulat ni Imam Muslim

Pinagkuhanan sa usapin:

• حديث : ❞ من عمل عملا ليس عليه أمرنا فهو رد ❝ مسلم

• وقال صلى الله عليه وسلم : ❞ لا تدخلوا الجنة حتى تؤمنوا ولا تؤمنوا حتى تحابوا.. ❝ رواه مسلم

• حديث : ❞ إِذَا أَحَبَّ الرَّجُلُ أَخَاهُ فَلْيُخْبِرْهُ أَنَّهُ يُحِبُّهُ ❝ رواه أبو داود ( رقم / ٥١٢٤ ) وصححه الألباني في “ السلسلة الصحيحة “

📚Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (hafidhahullâh)

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

Make up class.
23/12/2025

Make up class.

All over all 2nd place ang masjid Madrasah Sahibol Dar Al Uloom Al-Islaamiyyah sa ilmiyyah. Alhamdulillah.
27/08/2025

All over all 2nd place ang masjid Madrasah Sahibol Dar Al Uloom Al-Islaamiyyah sa ilmiyyah. Alhamdulillah.

22/04/2025

ANG HARAM AY MANANATILING HARAM

Ang Haram ay mananatiling Haram kahit pa mabuti ang hangarin dito.

👉Ang iba ay nangangatwiran na maganda daw ang kanilang intensyon o hangarin sa Haram na gawain kaya ito daw ay maaaring gawin.

● Ang itensyon ay hindi magpapabago sa Haram na bagay upang ito’y maging Halal kahit pa angkinin ng gumagawa nito na mabuti ang kanyang intensyon.

[ النية الصالة لا تصلح العمل الفاسد ]

HALIMBAWA:

● Suhol (Rishwa/Suborno) sa panahon ng Eleksyon.

🔴 Ilan sa kanilang mga katwiran:

1. Sila’y nangangatwiran na ito daw ay halal sapagkat ito’y regalo o sadaqah mula sa tatakbo sa halalan.

👉 Ito’y kasinungalingan, sapagkat kahit pa sabihin ng tatakbo sa halalan na ito’y regalo, subalit ang katotohanan (reality) pa din nito ay suhol (rishwa), Bakit?

• Dahil hindi nya ibibigay sayo ang pera na walang kapalit na boto, o di kaya’y ang hangarin talaga ng nagbigay ng pera sa mga boboto ay upang iboto siya sa halalan, at ito’y alam na ng lahat.

2. Sabi nila: Tanggapin natin ito, dahil ito ang magsisilbing parte natin sa IRA na nakukuha ng politician, at kapag sya’y nanalo hindi na naman nya gagamitin ang IRA sa kabutihan natin (kino-corrupt).

Sagot: Hindi dahilan iyan para maging Halal, at iba ang kasalanan nya sa kanyang pagnanakaw na ginagawa (corrupt), at ito’y malalasap nya kapag siya’y binawian ng buhay, kaya wag mong gawing dahilan yan kasi yan ay maliwanag na Rishwa, at ito’y ipinagbawal ng Islam.

3. Sabi nila: Tanggapin na natin ito, pero hindi naman tayo boboto o hindi siya ang ating iboboto.

Sagot: Ganun pa din, at mas malaki ang kasalanan mo, bukod pa sa suhol ay naging taksil ka sa ibang tao.

[ANONG PARUSA at KASAMAAN NG PAGBIBIGAY NG SUHOL (RISHWA) AT ANG TUMATANGGAP NITO]

Sinabi ng Mahal na Propeta ﷺ: ❝Isinumpa ni Allâh ang nagbibigay ng suhol at ang tumatanggap nito, at ang tagapamagitan sakanila.❞

● Aanhin mo ang pansamantalang salapi na wala namang barakah at ang dulot ay kawalan ng katiwasayan at malayo sa habag ni Allâh dahil ikaw ay kanyang isinumpa. At bukod pa don ay apoy na kaparusahan ang naghihintay sayo sa iyong Libingan.

PAALALA:

● Itigil natin ang pagsasabi na ang suhol (rishwa/suborno) ay Sadaqah, sapagkat ito’y may kalakip na pangungutya sa katuruan ni Allâh, dahil ito’y maliwanag na Haram (rishwa).

● Isa sa malaking kasalanan na nalalabag sa gawain na ito ay ang gagawing panunumpa kapag tatanggapin ang suhol.

Ang iba, kapag kanilang ibibigay ang suhol, manunumpa ang tatanggap at may hawak hawak na Qur’an at siya’y susumpa na iboboto daw nya ang tatakbo sa halalan na nagbigay sa kanya ng suhol.

Subhânallâh, gagawin pang saksi si Allâh sa masamang gawain, paano ito nakakayanan?!?

[PATAWARIN NAWA TAYO NI ALLÂH]

📚Sinulat at inipon ni Shiekh Abu Haneen Ibn Abdullah (hafidhahullâh)

____________________
🔎 (FaceBook | Twitter | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

Address

Purok Gumamela, Barangay Pulot Shore, Sofronio Española
Palawan
5324

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Madrasah Sahibol Dar Al Uloom Al-Islaamiyyah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category