15/02/2026
Pormal nang nanumpa sa tungkulin kasabay ng pagkakaproklama sa mga bagong halal na opisyales at kinatawan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Barkada Kontra Bisyo (BKB) at Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) noong Pebrero 11, 2025 alinsunod sa DM no. 52 s. 2026 o Synchronized SELG at SSLG Elections for SY 2026-2027. Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng butihing School Head ng Locloc National High School na si Dr Jesseca Jean A. Sepillo.