01/08/2026
🌱 SAMA-SAMA PARA SA LUNTIANG KINABUKASAN! 🌳💚
Noong Agosto 1, nagsama-sama ang komunidad sa Sitio Tinorao, Pangolingan, Palauig, Zambales para sa isang makabuluhang Tree Planting Activity—isang inisyatiba ni Congresswoman Doris “Nanay Bing” Maniquiz, 2nd District Representative, na naglalayong palakasin ang kamalayan at pakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan. 🌿💚
Aktibong nakiisa sa gawaing ito ang Pangolingan Integrated School, Principal, staff, mga g**o, student leaders ng SELG, SSLG, BKD at YES-O, at mga magulang, na sama-samang nagtanim hindi lamang ng mga puno kundi pati ng pag-asa para sa mas luntian at mas magandang kinabukasan.