15/10/2026
MASSIVE CLEAN-UP DRIVE KONTRA DENGUE 🧹🦟
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras, lakas, at pagmamalasakit para sa matagumpay na Massive Clean-Up Drive Kontra Dengue na isinagawa ngayong araw!
Maraming maraming salamat po sa:
✨ Sa ating mga masisipag na g**o at sa aming school head sir Domz Bayubay Donato sa pangunguna at paggabay
✨ Sa ating mga mag-aaral at YES-O at WINS Officers sa aktibong pakikilahok sa paglilinis ng kapaligiran
✨ Sa mga magulang, Barangay officials sa pangunguna ni Hon. Joel T. Santos, GPTA, at volunteers na buong pusong sumuporta at tumulong sa paglilinis ng bakuran, kanal, at pagtatanggal ng mga naipong tubig
✨ Sa buong komunidad ng Dicadyuan sa patuloy na pakikipagtulungan para sa kaligtasan ng ating mga bata
Dahil sa inyong bayanihan, mas napanatili nating malinis, ligtas, at dengue-free ang ating paaralan. Ang simpleng paglilinis at pag-search and destroy ng pinamumugaran ng lamok ay malaking hakbang para sa kalusugan ng bawat isa.
Tandaan: 4S Kontra Dengue!
🔹 Search and Destroy
🔹 Secure Self-Protection
🔹 Seek Early Consultation
🔹 Sustain Hydration
Sama-sama tayong magkaisa para sa Malinis at Ligtas na Paaralan, Ligtas na Pamayanan!
Muli, maraming salamat po!
Mula sa Pamilya ng Dikadyuan Elementary School
WINS & YES-O Program