08/10/2026
Isang taos-pusong pagbati sa ating mahuhusay na mga mamamahayag!
Congratulations sa ating mga campus journalists na nagkamit ng karangalan sa nagdaang Division Schools Press Conference (DSPC)! Ang inyong tagumpay ay bunga ng talento, tiyaga, tapang, at dedikasyong ibinigay ninyo sa bawat salita at kuwentong inyong ibinahagi.
Higit sa lahat, taos-puso ang aming pasasalamat sa Pinagpalang Lambat School Paper Adviser, Ma'am Marnelli Regalado, sa walang-sawang paggabay, pagsasanay, at paniniwala sa kakayahan ng ating mga batang mamamahayag. Ang inyong dedikasyon ay naging malaking bahagi ng kanilang tagumpay.
Congratulations, journalists! Patuloy ninyong gamitin ang inyong tinig upang magsulat, magbigay-liwanag, at maghatid ng katotohanan. Tunay kayong karangalan ng ating paaralan! 📰✨