22/09/2026
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagpipintura ng bubong ng aming paaralan.
Isang taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Brgy. Casinsin sa kanilang suporta at pakikiisa sa proyektong ito. Gayundin, taus-puso rin naming pinasasalamatan ang mga magulang ng Grade 2 sa pangunguna ng aming Pangulo ng SPTA , Gng. Gleceria Sombilla Escarmosa na naglaan ng kanilang oras, lakas, at malasakit upang maisakatuparan ang gawaing ito.
Ang inyong pagtutulungan, pagkakaisa, at bukas-palad na suporta ay patunay na sa pamamagitan ng bayanihan ay makakamit natin ang mas maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob at pagmamahal sa ating paaralan. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at maging inspirasyon sa iba. 💙🙏