31/10/2021
Online Voting of Saints-Next-Door
Mechanics for Online Voting:
- React to the photos of the participants you would like to vote.
- Only "HEART" (❤️)reaction will be counted.
- Sharing your entry and mentioning your friends is open.
5pts.- Heart React
10pts.- Share
End of Online Voting: November 2, 2021|exactly 10:00pm
SAN TARCISIO- Batang Martir ng Santisimo Sakramento
Si San Tarcisio ay isang batang 12 gulang na Sakristan (Tagapaglingkod sa Dambana) na nabuhay noong ikatlong siglo sa Roma na noo’y pinamumunuan ni Emperador Valeriano kung saan inuusig at pinapatay ang mga Kristiyano. Noo’y palihim ang pagdaraos ng Banal na Misa at pagtatalaga ng Banal na Eukaristiya sa ilalim ng lupa at mga katakumba. Sa kadahilanang ito, naging mapanganib din ang pagdadala ng Banal na Komunyon sa mga Kristiyanong may sakit at nasa kulungan.
Isang araw, nagkataong walang diyakono na magdadala ng Banal na Komunyon sa mga Kristyanong nasa kulungan. Nagtanong ang pari (pinaniniwalaang ito ang Santo Papa) kung sino ang maaaring magdala ng “Misteryo ng Kakristyanuhan” sa piitan. Tumayo ang batang si Tarcisio at dali-daling sumagot ng ganito: “Isugo mo ako! Ang aking kabataan ay mabisang kalasag para sa Banal na Eukaristiya.” Marami ang tumutol dito sapagkat siya ay bata lamang. Sa kabila ng pagtutol ng nakararami, pumayag ang pari at ipinagkatiwala sa kanya ang mahiwagang tinapay. “Tarsicio, tandaan mo na ang makalangit na kayamanang iyan na nasa musmos mong kamay ay hindi kailanman maaaring itapon sa mga a*o ni mapakain sa mga baboy. Iwasan mo ang mataong lugar at huwag mong kalilimutang banal ang bagay na iyan. Mapangangalagaan mo ba ang Misteryong iyan ng buong pananalig at pag-iingat?” Bilin sa kanya ng pari na may kasamang pagtatanong. “Mamamatay muna ako kaysa maibigay ang Banal na bagay ng ito sa kanila.” Tugon ni Tarcisio.
Sa daan patungo sa piitan, nakasalubong niya ang mga kalaro niyang pagano at inaya siyang maglaro. Tumanggi ito sapagkat may malaking tungkulin na dapat niyang unahin. Napansin ng mga kalaro niya ang hawak niya. Pinilit nila itong kunin subalit hindi nila ito nakuha. Nalaman nilang Kristiyano si Tarcisio. Sinimulan nila itong pagbabatuhin at pagsisipain. Sa kabutihang palad, may dumating na guwardiyang Praetoriano na lihim ding Kristiyano at iniligtas ang hinang-hinang katawan ni Tarcisio. Sa daan pabalik ng katakumba, namatay ang musmos na katawan ni Tarcisio nang dala pa rin ang “Misteryo ng Kakristyanuhan”. Naging tapat siya sa kanyang tungkulin. Hindi niya isinuko ang Banal na Eukaristiya maging kapalit man nito ang kanyang buhay. Sinasabing ang Banal na Eukaristiya na kanyang bitbit ay naging parte ng kanyang katawan, laman ng kanyang laman. Inilibing ang batang martir ng Banal na Eukaristiya sa Katakumba ni San Callisto sa Roma at ang kanyang mga relikya ay matatagpuan sa Simbahan ni San Silvestre sa Capite sa Roma.
Kamatayan: Ikatlong Siglo
Kapistahan: Agosto 15
Titulo: Martyr ng Santisimo Sakramento
04/04/2016