15/06/2026
🗳️ ISANG HAKBANG TUNGO SA MAPANAGUTANG PAMUMUNO! 🗳️
Ginanap kamakailan ang School Club District Level Election sa Pagbilao West Elementary School, kung saan buong-giting na nakilahok ang apat na piling mag-aaral mula sa Grade 6 ng Bigo Elementary School.
Matapos ang isang tapat at demokratikong proseso, opisyal nang napili at hinirang ang ating mga batang lider upang magsilbi at maging boses ng kanilang mga kapwa mag-aaral sa antas ng distrito!
Isang malaking pagbati sa ating mga bagong halal na opisyal! Asahan ang inyong tapat na paggabay at pamumuno para sa ikabubuti ng ating komunidad. Pagpalain kayo ng Maykapal sa inyong bagong tungkulin! 🌟👏
* RED CROSS - Illyssa N. Abragon (President)
* YES-O - Jiliana Casandra M. Catapat (Board of Director)
* YECS - Keanna Mei L. Lorena ( President)
* BKD - Ahyenn Khite N. Tolentino (Treasurer)