SMNHS Senior High School Program

SMNHS Senior High School Program

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SMNHS Senior High School Program, Education Website, Sitio Magsaysay, Silangang Malicboy, Pagbilao.

Welcome to Silangang Malicboy National High School Official — the official page of SMNHS, dedicated to sharing announcements and updates on the school’s programs, activities, and projects.

19/03/2026

Ala eh! Batangueño ang ating bagong RD! DepEd CALABARZON warmly welcomes back RD Carlito D. Rocafort, whose vision and leadership will further strengthen the Region where excellence is a culture and quality is a commitment.

Photos from Ang Pahayagang Húrak's post 15/03/2026

📣🎨✍️ 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠-𝐁𝐢𝐬𝐰𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐜𝐛𝐨𝐲, 𝐔𝐦𝐚𝐛𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐄𝐧𝐭𝐚𝐛𝐥𝐚𝐝𝐨

𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐮𝐰𝐢 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐲𝐮𝐠𝐭𝐨 𝐩𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐜𝐛𝐨𝐲 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥—𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧.

Sina Candy Gudani, grade 10, at Naiome Zholen Cariño, grade 8, ay kapwa naging kinatawan ng paaralan sa Pambansang Labanan sa Isip, Sining, at Panitikan, isang prestihiyosong paligsahan na inorganisa ng University of the Philippines.

Bago nila marating ang pambansang entablado, kapwa muna silang nagwagi sa antas ng dibisyon, tinalo ang mga kalahok mula sa iba’t ibang paaralan—isang tagumpay na nagbigay sa kanila ng pagkakataong katawanin ang kanilang paaralan sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

Sa larangan ng poster making, ipinahayag ni Candy ang temang resiliency ng mga Pilipino sa panahon ng korapsyon at pagpapaunlad ng bayan. Sa pamamagitan ng kanyang likhang biswal, inilalarawan ang kakayahan ng sambayanang Pilipino na patuloy na bumangon at makibahagi sa paghubog ng mas maayos na kinabukasan. Buong dedikasyon siyang ginabayan sa paghahanda ng kanyang tagapagsanay na si Gng Novavill Lajato.

Samantala, sa poetry writing, tinahak ni Naiome ang mas makabagong paksa—ang papel artificial intelligence bilang sa susognsa maayos na pamamanihala. Sa kanyang tula, sinaliksik niya kung paanong maaaring maging katuwang ng teknolohiya ang tao sa paglikha ng mas bukas, responsable, at makataong pamamahala. Ang kanyang pagsasanay ay buong sigasig na pinangunahan ni Gng Adcel Jardeleza.

Ang pag-abot sa pambansang kompetisyon ng Silangang Malicboy ay nagbigay hindi lamang ng karanasan sa pakikipagtagisan ng talento, kundi ng pagkakataong makita ang mas malawak na komunidad ng mga kabataang alagad ng sining at panitikan. Sa gitna ng palitan ng ideya at husay, mas luminaw ang lawak ng mundong kanilang pinapasok—at ang maraming posibilidad na naghihintay sa mga patuloy na lilikha. 🎨✍️

Photos from Ang Pahayagang Húrak's post 15/03/2026

📣🏆 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜𝗢𝗡 | 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗦𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗰𝗯𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗻𝗮𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 ✍️

𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗶𝘁𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗰𝗯𝗼𝘆 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆 𝘀𝗶 𝗗𝗲𝗻𝗶𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗔𝗹𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵 𝗧𝗮𝗹𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗶𝗽, 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴, 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻, 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝘁𝗶𝗵𝗶𝘆𝗼𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗼𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀.

Ang kanyang nagwaging akda na “Ang Pananahimik ay para Lamang sa mga Puntod” ay tumugon sa tema ng kompetisyon na “Build Bill Guild: Forging the Youth’s Voices to Rise Above the Flood of Indifference.”

Sa pamamagitan ng kanyang panulat, malinaw na naipakita ang paninindigan ng kabataan laban sa pagwawalang-bahala sa mga isyung panlipunan.

Malaki rin ang naging papel ng kanyang tagapagsanay na si Mark O. Pornasdoro, na gumabay sa paghubog ng kakayahan ni Nielle sa malikhaing pagsusulat at kritikal na pag-iisip—mga kasanayang naging susi sa kanyang krusada

Ang tagumpay na ito ay hindi dumating nang basta. Produkto ito ng maraming laban. Hinubog ng mahahabang oras ng pagsulat at pagbabasa, ng mga gabing puno ng rebisyon, ng pag-aatubiling nilampasan, at ng mga responsibilidad na piniling harapin kaysa iwasan.

Ang panalong ito ay nagmarka ng mahalagang kasaysayan para sa Silangang Malicboy National High School. Higit pa sa medalya, ito ay patunay na ang talino, tinig, at pananaw ng mga kabataang mula sa komunidad ay may kakayahang makipagsabayan at manaig sa pambansang entablado.

👏 Pagbati, Denielle Alliyah Talandro!
👏 Pagbati, G Mark P*e
👏 Pagbati, Silangang Malicboy National High School!

🏆 Isang panalo ng mag-aaral. Isang karangalan ng paaralan. Isang tinig ng komunidad. ✨

13/03/2026

Sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Kababaihan, kinikilala at ipinagdiriwang natin ang lakas, talino, at dedikasyon ng mga kababaihan na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating komunidad.

Sa Silangang Malicboy National High School, ang mga gurong kababaihan ay hindi lamang tagapagturo ng kaalaman kundi mga ilaw ng pag-asa, tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay, at huwaran ng malasakit at serbisyo sa kabataan. Sa bawat aral na kanilang ibinabahagi at sa bawat pusong kanilang hinuhubog, patuloy nilang pinatutunayan na ang kababaihan ay may mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng ating lipunan.

Tulad ng mga babaylan noong sinaunang panahon na nagsilbing gabay, lider, at tagapangalaga ng karunungan sa kanilang pamayanan, ang mga gurong kababaihan sa ating paaralan ay nagsisilbing tanglaw ng kaalaman at inspirasyon sa bawat mag-aaral. Sa kanilang pamumuno, malasakit, at dedikasyon sa pagtuturo, patuloy nilang pinapanday ang mga kabataang magiging pag-asa ng bayan.

Mabuhay ang lakas, talino, at pamumuno ng kababaihan! Happy National Women’s Month! 💜👩‍🏫✨



13/03/2026

'Here's to strong women. May we know them. May we be them. May we raise them." — Unknown

Happy Women's Month from DepEd Tayo Silangang Malicboy NHS-Quezon Province

Photos from Ang Pahayagang Húrak's post 06/03/2026

𝐒𝐌𝐍𝐇𝐒 𝐎𝐮𝐭𝐟𝐢𝐭 𝟓𝟕𝟕, 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐠𝐩𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐎𝐥𝐲𝐦𝐩𝐢𝐜𝐬; 𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐄𝐱𝐭𝐢𝐧𝐠𝐮𝐢𝐬𝐡𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐍𝐚𝐬𝐮𝐧𝐠𝐤𝐢𝐭

𝐍𝐚𝐤𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐜𝐛𝐨𝐲 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 (𝐒𝐌𝐍𝐇𝐒) 𝐎𝐮𝐭𝐟𝐢𝐭 𝟓𝟕𝟕 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧 𝐅𝐥𝐚𝐦𝐦𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐋𝐢𝐪𝐮𝐢𝐝 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐄𝐱𝐭𝐢𝐧𝐠𝐮𝐢𝐬𝐡𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐎𝐥𝐲𝐦𝐩𝐢𝐜𝐬 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐭𝐞𝐦𝐚𝐧𝐠 “𝐒𝐚 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐰𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐧𝐨𝐠, 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐊𝐚 𝐍𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐬𝐚,” 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐢𝐥𝐚𝐨 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝, 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟓.

Pinangunahan nina Jessica Cabile at Russel Pelicano ang naturang tagumpay matapos ipakita ang kahusayan sa wastong paggamit ng fire extinguisher sa kategoryang Flammable Liquid Fire Extinguishment.

Lumahok ang Outfit 577 sa iba’t ibang hamon sa kompetisyon tulad ng Bucket Relay, Flammable Liquid Fire Extinguishment, at Busted Hose, na naglalayong subukin ang bilis, koordinasyon, at kahandaan ng mga kalahok sa pagresponde sa sunog.

Pinangasiwaan ang mga kalahok ng kanilang gurong si Ser Elvin Balog, na gumabay sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa naturang paligsahan.

Bagama’t hindi nasungkit ng koponan ang iba pang parangal, kapansin-pansin pa rin ang ipinakitang disiplina, kakayahan, at pakikiisa ng mga miyembro ng Outfit 577 sa kompetisyon.

// Cyrelle Meigh De Jesus

Photos from Ang Pahayagang Húrak's post 06/03/2026

𝐏𝐚𝐧𝐢𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐦𝐩𝐞𝐨𝐧𝐚𝐭𝐨, 𝐧𝐚𝐢𝐭𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐥𝐌𝐚𝐥𝐢𝐚𝐧! 🏆 🔥

𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐚𝐫𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐜𝐛𝐨𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐦𝐩𝐞𝐨𝐧 𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Sa katauhan nina Jovenna Porteza, grade 11, at tagapagsanay na si G Mark P*e Pornasdoro, nagawang maungusan ng SilMalians ang iba’t ibang paaralan mula sa bayan ng Pagbilao na lumahok sa pagtatanghal ng spoken word poetry.

Dahil dito, sila ang nakatakdang kumatawan sa buong Congressional District 1 para makipagtagisan sa iba pang distrito sa buong Lalawigan ng Quezon.

Sa ilalim ng temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa", ginanap ang labanan sa Senior Citizen Center, Marso 6.

06/03/2026

Ka-DepEd, sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng ating mga Pilipinong mag-aaral!

Narito ang mahahalagang updates para sa . 🎓✨

Isasagawa ang End-of-School-Year (EOSY) Rites para sa SY 2025–2026 sa Marso 30–31, 2026.

Tampok ngayong taon ang temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao.” Ipinapakita nito ang patuloy na pangako ng DepEd sa holistic education, ang paghubog sa mga mag-aaral na hindi lamang mahusay sa akademiko, kundi may kakayahan, mabuting pagkatao, at dedikasyon sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

📄 Para sa kumpletong detalye at gabay, basahin ang DepEd Memorandum No. 015, s. 2026:
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DM_s2026_015r.pdf

Photos from DepEd Philippines's post 04/03/2026

Sinubukan muna. Pinag-aralan. Pinagplanuhan.

Ang Strengthened Senior High School (SSHS) curriculum ay unang ipinatupad sa 891 pilot schools noong SY 2025–2026 bago ang nationwide rollout sa SY 2026–2027.

Phased ang implementation. Hindi ito pag-aalis ng SHS — ito ay pagpapalakas nito.

👉Basahin ang bawat art card at caption para sa mas malinaw na detalye.

Want your school to be the top-listed School/college in Pagbilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Sitio Magsaysay, Silangang Malicboy
Pagbilao
4302

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm