18/08/2026
Sa bisa ng Republic Act No. 6741, opisyal na itinatakda ang Agosto 19, bilang Special Non-Working Public Holiday sa Lalawigan ng Quezon, Lalawigan ng Aurora, at Quezon City, bilang paggunita sa anibersaryo ng kapanganakan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.
Ang araw na ito ay pagkakataon upang alalahanin at bigyang-pugay ang kanyang mga ambag sa bayan at ang kanyang mahalagang papel sa kasaysayan ng ating bansa.