11/06/2026
Maligayang Araw ng Kalayaan
Maligayang Araw ng Kalayaan! ๐ต๐ญ
Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.
10/06/2026
Thank you Mam Jah and PWES family. The school is Ready for the opening of SY 2025-2026 and the challenges we will meet along the way.
09/06/2026
โ๏ธโ๏ธ๐๐๐๐ ๐๐ค๐ฃ๐๐ฉ๐ค๐ง๐๐ฃ๐ ๐ค๐ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก ๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐จ๐จ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฉ๐ฎ
On the second day of classes, Pagbilao West Elementary School highlights the successful conduct of the Monitoring of School Readiness and Safety for School Year 2026โ2027.Guided by the leadership of Ma'am. Marilou P. Recto, the school welcomed Education Program Supervisor from SDO QuezonโMa'am. Maria Dylin Garcia and Schools District Supervisor- Ma'am. Edna L. Cabreraโwho extended valuable technical assistance, insights, and recommendations to further enhance preparedness for the opening of classes.
The monitoring activity assessed the schoolโs readiness to provide a safe, inclusive, and learner-centered environment. The achievement reflects the dedication and teamwork of teachers, non-teaching staff, stakeholders, and partners in ensuring a smooth and successful start of the academic year.
PWES extends its sincere appreciation to Maโam Dylin and Maโam Edna. Their insights strengthen our commitment to continuous improvement and inspire us to uphold the highest standards of educational excellence.
08/06/2026
โ๏ธโ๏ธ๐๐๐๐ ๐๐๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐ช๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฃ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐-๐๐จ๐ ๐๐ฉ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐!
Matagumpay na isinagawa ang unang araw ng pasukan sa Pagbilao West ES ngayong Hunyo 8, 2026. Ang pagbubukas ng klase ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagbabalik-eskwela na puno ng sigla, pag-asa, at panibagong oportunidad para sa mga mag-aaral.
Ang programa ay pinangunahan ng mga g**o, at ng school head na si Ma'am Marilou P. Recto, na nagbigay ng mainit na pagtanggap sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang.
Nagtala ng 437 na bilang ng mga mag-aaral mula kindergarten hanggang ika-anim na baitang. Nagbigay ng pagbati at ilang paalala si Ma'am Recto para sa lahat lalo na sa pagsuporta ng mga magulang sa mga bata sa pagpasok sa paaralan. Samantalang ang mga g**o ay nagsagawa ng iba't ibang gawain upang mas maging masaya ang unang araw.
Kasabay din ng pagbubukas ng klase, isinagawa ang SOLGA o State of the Learners Government Address sa pangunguna ni Julie Ann Razol kaagapay ang SELG adviser, Ma'am Rhodora Urgelles.Nagpahayag si Razol ng buong suporta para sa mga gawaing pamparaalaan.
Ang unang araw ng pasukan ay naging makabuluhan at matagumpay, na naglatag ng positibong simula para sa buong taon. Ang pagkakaisa ng g**o, magulang, at komunidad ay nagsilbing pundasyon upang matiyak ang ligtas, masaya, at produktibong pag-aaral ng mga bata.
08/06/2026
Pagbati ng isang masigla at masayang First Day of School sa lahat ng ating mga mahal na mag-aaral na Pagbilaoins!
Bagong taon ng pag-asa, pagsisikap, at pag-abot sa mga pangarap. Nawa'y maging makabuluhan, ligtas, at puno ng bagong kaalaman ang school year na ito para sa bawat mag-aaral, g**o, at magulang sa ating bayan.
Padayon, mga Batang Pagbilaoins! Sulong sa karunungan!
05/06/2026
Day 5: Brigada Eskwela and Enrolment
Sa ikalimang araw, nakiisa ang iba't ibang grupo upang patuloy na maging malinis, maayos at ligtas ang paaralan. Tampok ang mga miyembro ng Tupad at mga mag-aaral ng CVE Colleges Inc. na nakibahagi at tumulong sa mga gawain.
04/06/2026
๐๐๐๐ง๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐๐ก๐ช๐ฃ๐จ๐๐ ๐ฝ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐ช๐๐ช๐ ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐๐ก๐๐จ๐
Isinagawa ng Pagbilao West Elementary School ang Parents and Stakeholders Orientation ngayong Hunyo 4, 2026 bilang bahagi ng paghahanda para sa darating na pasukan.
Pangunahing layunin ng aktibidad na ito ang pormal na pagpapakilala ng pagpapatupad ng bagong 3-term academic calendar at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon bago ang pagbubukas ng klase. Nagsilbi rin itong pagkakataon upang higit pang mapalakas ang ugnayan ng paaralan, mga magulang, at mga katuwang sa komunidad sa pagtitiyak ng kahandaan para sa darating na panuruan.
Pinamahalaan ni Gng. Cristine Joy Roperez ang programa at nagsimula sa pamamagitan ng pag-awit ng Pambansang Awit, sinundan ng panalangin at pambungad na mensahe mula sa Punong-Guro ng paaralan, si Gng. Marilou P. Recto. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng stakeholders.
Ipinaliwanag ni Gng. Recto ang balangkas ng 3-term calendar at mga benepisyo ng sistema, partikular ang kakayahan nitong balansehin ang akademikong hamon at kapakanan ng mga mag-aaral, gayundin ang pagbibigay ng napapanahong interbensyon para sa mga nangangailangan ng suporta.
Ipinaalam din sa mga magulang at stakeholders ang mahahalagang polisiya at programa ng paaralan:
๐Mga Update sa Polisiya ng Paaralan โ tinalakay ni Gng. Marife L. Mendoza, nakatuon sa disiplina at attendance.
๐Halamanan sa Paaralan โ ipinahayag ni G. Juan O. Gabis, na nag-udyok ng partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng sustainable school garden.
๐SDRRM Information โ ibinahagi ni Gng. Marie Rose C. Pagulayan, na nagbigay-diin sa kahandaan sa sakuna, mga safety protocol, at emergency response.
๐Mga Club at Organisasyon ng Paaralan โ tinalakay ni Gng. Syrene C. Eslao, na nagbigay-diin sa mga oportunidad para sa pamumuno ng mag-aaral at holistic development.
Nagbigay din ng karagdagang paalala ukol sa enrollment procedures, kahandaan ng silid-aralan sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, at iskedyul ng pagsusuri upang matiyak na ang mga magulang ay sapat na kaalaman at handa.
Natapos ang oryentasyon sa mga pahayag ng suporta mula sa 56 na mga magulang, tagapag-alaga, at mga katuwang sa komunidad, na nangakong tutulong sa matagumpay na pagpapatupad ng bagong sistema ng edukasyon.
Ang sama-samang pagkilos na ito ay sumasalamin sa ibinahaging responsibilidad ng lahat upang matiyak na ang mga mag-aaral ay handa para sa isang ligtas, maayos, at produktibong taon ng pag-aaral.
04/06/2026
๐ฟ๐๐ฎ 4: ๐ฝ๐ง๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ ๐ฌ๐๐ก๐ & ๐๐ฃ๐ง๐ค๐ก๐ข๐๐ฃ๐ฉ
03/06/2026
๐ข๐ข๐ฟ๐๐ฎ 3 ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐๐
Puno ng biyaya ang ikatlong araw ng Bayanihan sa Pagbilao West ES sapagkat nagkaloob ng cleaning materials ang Mc Donalds Pagbilao sa pangunguna ni Sir Guilmor Cabile.
Patuloy naman ang pagtulong ng Tupad sa paglilinis ng paligid ng paaralan. Nagsagawa din ng monitoring ang DOLE upang matiyak na ang bawat miyembro ay tumutupad sa kanilang tungkulin.
Lubos pa din ang pasasalamat ng paaralan sa ilalim ng pamamahala ni Mrs. Marilou P. Recto sa lahat ng mga magulang, stakeholders, donors, sponsors na nagkakaloob ng mga donasyon maging ng oras at suporta sa paaralan upang maging ligtas at handa sa pasukan.