22/07/2026
๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ฎ๐ง๐ฎ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐คโจ
Sa patuloy na pagsusulong ng matatag na ugnayan ng paaralan at mga magulang, matagumpay na isinagawa ng Pagbilao Central Elementary School ang School Parents-Teachers Association (SPTA) General Assembly and Election of Officers, sa ganap na alas-3:00 ng hapon sa PCES Innercourt, Hulyo 22.
Dinaluhan ang naturang pagtitipon ng mga pangulo ng bawat klase, mga g**o, at iba pang mga katuwang ng paaralan upang lumahok sa taunang pagpupulong at halalan ng mga bagong opisyal ng SPTA para sa Taong Panuruan 2026โ2027. Bilang pambungad sa programa, nagbigay ng isang makabuluhan at nagbibigay-inspirasyong mensahe ang punongg**o, G. Ronaldo V. Garcia. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa, bukas na komunikasyon, at aktibong pakikilahok ng mga magulang sa pagpapaunlad ng edukasyon ng bawat mag-aaral. Ipinahayag din niya ang kanyang buong suporta sa sinomang mahahalal na mamumuno sa SPTA at tiniyak ang patuloy na pakikipagtulungan ng administrasyon para sa ikabubuti ng buong komunidad ng paaralan.
Bilang bahagi ng pagpupulong, nagbahagi rin ng Accomplishment Report ang ilan sa mga outgoing SPTA officers na sina Gng. Sheron Abragon at Gng. Odette Minge, kung saan kanilang inilahad ang mga naisakatuparang programa, proyekto, at mga nagawang hakbang ng samahan sa nakaraang taon. Ipinakita rin nila ang ulat ng mga datos at mahahalagang tagumpay ng organisasyon bilang patunay ng kanilang tapat na paglilingkod sa paaralan at sa mga magulang.
Matapos ang isinagawang halalan, muling pinagkatiwalaan ng mga magulang sina Gng. Sheron D. Abragon bilang Pangulo at Gng. Odette Minge bilang Pangalawang Pangulo ng SPTA para sa Taong Panuruan 2026โ2027. Kasabay nito ay ang pagpili rin sa ilang mga g**o na magiging bahagi ng Board of Directors (BOD), na magsisilbing katuwang ng mga bagong halal na opisyal mula sa hanay ng mga magulang sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng samahan.
Ang matagumpay na General Assembly at halalan ay sumasalamin sa matibay na diwa ng bayanihan, kooperasyon, at pagkakaisa ng mga magulang at g**o ng PCES. Sa pamumuno ng bagong hanay ng mga opisyal at sa patuloy na suporta ng administrasyon sa pangunguna ni G. Garcia, inaasahang mas mapagtitibay pa ang samahan ng paaralan at mga magulang tungo sa iisang layuninโang makapagbigay ng dekalidad, ligtas, at makabuluhang edukasyon para sa bawat batang Centralian. ๐๐๐ช๐ป
-2027