02/08/2026
๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ
๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐๐, ๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐ Ang ating sariling wika ay higit pa sa mga salita; hinabi dito ang mga kuwento at karanasan ng mga PIlipino mula noon hanggang sa kasalukuyan. Sa ilalim ng pang-aapi, tumayo ang ating mga bayani kahit sa harap ng parusa at kamatayan upang hindi na natin kailangang ipagkaila ang ating sariling wika. Sa bawat tunog ng ating boses, dinadala natin ang maraming kulay at kagandahan ng ating pagkakakilanlan at sa paraan na ito, ang tunay na diwa ng Pilipino. ๐ซ
๐ Ang ๐๐ค๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐๐ ay hindi lamang ipinagdiriwang ang ating wika bilang kasangkapan sa pang-araw-araw na buhay, kundi isang instrumento na may kakayahang magdulot ng matinding pagbabago at magpalaganap ng pag-asa sa loob ng ating lipunan. Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paalala na ang Wikang Filipino ay isa sa mga pinakamahalagang yaman natin sapagkat ito ay isang kulminasyon ng lahat ng bagay na humuhubog sa atin bilang isang lahi. Samakatuwid, lahat tayo ay may iisang tungkulin: pagyamanin at pangalagaan ang ating sariling wika upang maihandog ito mula ngayon hanggang sa susunod na henerasyon. โ
๐ Sabay-sabay nating ipagpatuloy ang pagbibigay-pugay at pagbibigay-buhay ng ating katauhan hindi lamang sa buwan na ito kundi sa bawat araw ng ating buhay! โจ