26/08/2024
Unawaing Mabuti,
Worth it to share
Ano ang Kaibahan ng aral ng Islam sa aral ng Christianity?❓
👉Actually, marami po ang kaibahan ng aral ng Islam sa aral ng Christianity partikular sa Roman Catholic.
Una, ang Islam ay striktong nagpapatupad ng paniniwalang Monotiesmo o ang pagkakaroon lamang ng iisang Diyos na Tagapaglikha na sasambahin at yun ay ang Allah. Hindi katulad sa Roman Catholic kung saan sinasabi nga nilang iisa lamang ang kanilang sinasamba, subalit ang pinaka-core ng paniniwala nila ay ang Trinity kung saan may tatlong persona ang Diyos at ito ay ang Ama, Anak at ang Espiritu at kahit anong paikot-ikot pa ang gawin ng iba ang tatlong iyan ay hindi iisa dahil ang mga ito ay may magkakaiba. Hindi po ito katanggap-tanggap sa aral ng Islam na nagdidiin sa paniniwalang monotiesmo dahil masasagasaan nito ang paniniwalang iisa lamang ang Diyos. Walang kaagaw o kasursyo ang Diyos; siya ay nag-iisa at bukod tangi at hindi nangangaialangan ng anumang tulong.
Pangalawa, sa Islam si Hesus ay tanging sugo lamang ng Diyos. Hindi nagkulang ang Islam sa paglilinaw hinggil sa tunay na katauhan ni Hesus. Sinabi ng Allah sa Maluwalhating Quran:
171. O Angkan ng Kasulatan, huwag kayong gumawa ng kalabisan [*1] sa inyong relihiyon o magsabi ng anumang tungkol sa Allah maliban ang katotohanan. Ang Mesiyas [na si Hesus], anak ni Maria, ay isang Sugo ng Allah at Kanyang Salita na Kanyang iginawad kay Maria at isang kaluluwa [na nilikha sa pag-uutos] mula sa Kanya. Kaya maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang mga Sugo. Huwag kayong magsabing: “Tatlo!” Magtigil kayo! Ito ay higit na makabubuti para sa inyo. Katotohanan ang Allah ay [tanging] isang Diyos, Luwalhati sa Kanya [Siya ay Kataas-taasan] sadyang malayo sa pagkakaroon ng anak na lalaki. Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At ang Allah ay sapat na bilang Tagapangasiwa [para sa lahat ng mga pangyayari].
172. Kailanman ay hindi magagawang hamakin [di-pahalagahan] ng Mesiyas ang pagiging isang alipin ng Allah, at maging ang mga anghel na malalapit [sa Allah]. At sinumang humamak [di-nagpahalaga] ng pagsamba sa Kanya at siya ay mapagmalaki - sila ay Kanyang titipuning lahat sa Kanyang [Sarili].
An-Nisa' | Qur'ān Chapter 4
*1. Itinuturing ng Islam bilang mga taong mapagmalabis ang mga Kristiyano hinggil sa katayuan ni Hesus. Mula sa pagiging isang dakilang Propeta, siya ay itinaas sa pagiging anak na lalaki ng Allah, at sa kalauna’y siya ay itinaas sa antas ng pagiging diyos. Upang ito ay hindi mangyari kay Propeta Muhammad, siya ay nagsabi: “Huwag kayong lubhang magmalabis sa pagpuri sa akin katulad ng ginawa [ng mga kristiyano] kay Hesus, ang anak ni Maria. Katotohanan, ako ay isang alipin, kaya inyong sabihin, ‘ang alipin ng Allah at ang Kanyang Sugo [Imam Ahmad 1:23].
Pangatlong kaibahan ay sa Way of Salvation. Sa Islam ang tunay na salvation o kaligtasan ay ang pagsaksi na may tanging nag-iisang Diyos na tunay at yun ay ang Allah at ang pagsaksi at paniniwala sa lahat ng mga propetang naabutan ng isang tao mula kay propeta Adan, Noah, Abraham, Moises, Jesus at Muhammad at marami pang iba na hindi natin kayang banggitin isa-isa, at kaakibat sa paniniwalang iyan ay ang pagsunod sa mga kautusan at aral na dala-dala ng mga propetang kanilang naabutan sa kanilang henerasyon. Sa ganyang paraan ang kaligtasan sa Islam.
Habang sa Roman Catholic po, ang way of salvation na itinuro sa kanila na kanilang pinapanghawakan ay sa pagpapakamatay daw ni propeta Hesus sa Krus. Ito ay taliwas din sa pananampalatayang Islam sapagka't sa aral ng Islam, ang kasalanan ng tao ay hindi maaaring panagutan ng iba bagkus bawat isa ay mananagot sa kani-kanilang mga gawain o kasalanan. Sinabi ng Allah:
15. Sinuman ang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa [kabutihan ng] kanyang kaluluwa. At sinuman ang naligaw ay naligaw lamang laban dito [sa kanyang sarili]. At walang tagapagpasan ng mga dalahin [o kasalanan] ang magpapasan ng dalahin ng iba. At kailanman Kami ay hindi magpaparusa hanggang Kami ay makapagpadala ng isang sugo.
Al-Isra' | Qur'ān Chapter 17
At alam niyo ba na mismo ang Bible ay sang-ayon sa aral na ito? basa:
"Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang SARILING KASALANAN."
Deuteronomy 24:16
Kaya papaanong papatayin si Hesus para sa kasalanan ng iba kung mismo bible ay nagbawal hinggil dito? At alam niyo din bang malinaw ang kaligtasan na itinuro ni Hesus ayon sa Bible? Walang paligoy-ligoy ni walang kalituhan? Ganito ang kaligtasan na ipinangaral ni Hesus mula mismo sa kanyang bibig ayon sa bible, basa:
"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo."
John 17:3
Nakita niyo ba ang pagkapareho ng kaligtasang inaral sa Islam at ang kaligtasang inaral ni Hesus? Ang kaligtasan sa Islam ay ang paniniwala sa nag-iisang Diyos na tunay at ang paniniwala kay propeta Muhammad at sa iba pang mga sugo. Habang ang kay Hesus naman ay ang paniniwala sa nag-iisang Diyos na tunay at ang paniniwala sa kanya na isang isinugo at hindi bilang anak ng Diyos?!
Pang-apat, ang Islam ay hindi gawa ng tao. Mismo ang pangalang Islam ay hindi mula sa tao bagkus ang Diyos mismo ang tumawag nito sa ganitong pangalan sa Maluwalhating Quran. Sinabi ng Allah:
19. Katotohanan, ang [tanging] relihiyon [Deen] sa [paningin ng] Allah ay ang Islam. At yaong mga pinagkalooban ng [Banal na] Kasulatan [ang mga Hudyo at Kristiyano] ay hindi nagkaiba malibang pagkaraang dumating sa kanila ang kaalaman – na nagbunga ng [matinding] paninibugho sa kanilang pagitan. At sinuman ang di-naniwala sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah, katotohanan, ang Allah ay Maagap sa pagtutuos [ng mga gawa].
Aali-'Imran | Qur'ān Chapter 3
Habang sa ibang relihiyon, kung sino ang kanilang sinasamba ay siya ring pangalan ng kanilang relihiyon. At ang iba naman ay panay sipi ng talata sa Bible na magiging mainam na gawing pangalan ng kanilang gagawing pananampalataya para lang masabi na biblical ang pangalan ng sekta nila at upang masabi na mababasa talaga sa bible ang pangalan ng sekta nila kaya't naglipana ang napakaraming sekta sa Christianity sa kabila na iisang aklat lamang ang kanilang pinagkukunan ng aral.
Iyan ang iilan sa mga kaibahan ng Islam sa aral ng Christianity at maaaring maging sa ibang relihiyon. Ito ay hindi bilang pagtuligsa kundi bilang pagbibigay linaw lamang sa kung ano nga ba ang kaibahan sa aral ng dalawa.
✍️ Jalil Satur Divino