18/08/2026
๐๐ข๐๐จ๐ |
๐๐ฎ๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ: ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฌ ๐จ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ?
Malayo ang tingin, kunot ang noo, at nakasulyap sa tila malayong nakaraan. Isang mag-aaral ang binabagabag kung ano ba ang mas matimbang: Wikang Ingles o Filipino? Napatanong ang bata: "Masipag naman akong mag-aral, ngunit bakit hindi ko masagot ang sarili kong tanong?"
Ilang araw ang lumipas, Agosto na; napaigting ang motibasyon ng bata upang aralin ito ngayong Buwan ng Wika.
Sa kaniyang pag-aaral, abot-langit ang ngiti. Sa bawat kaalamang natututuhan, nagiging malinaw ang kasagutan sa tanong niyang makabuluhan.
Nalaman niyang nagsimula ang pormal na edukasyon ng mga Pilipino sa Wikang Ingles. Naging simbolo ng pagiging edukado ang wikang ito kaya naman niyakap ang Ingles ng ating mga kalahi. Naisip niyang biyaya ang kakayahan nating makaintindi ng banyagang wika upang magkaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan sa buong mundo.
Ngunit kumunot muli ang kaniyang noo: "Kung mahalaga ang Ingles, ano ang gamit ng Wikang Filipino? Sa pakikipag-usap lang ba ito?"
Bilang Pilipino, alam nating matagal na ipinaglaban ng mga ninuno ang kalayaan gamit ang panitikan. Naging kalamangan ang sariling wika dahil nagamit natin ito sa paraang hindi tuluyang gamay ng mga dayuhan.
Naisip din ng mag-aaral si Dr. Jose P. Rizal na may kaalaman sa 22 wika. Napagtanto ng bata na talaga ngang lamang ang may alamโngunit iba pa rin ang may pagkakakilanlan sa sariling atin.
Ngayon, malinaw na sa kaniya. Hindi kailangang magtimbang kung alin ang mas mabilis mag-angat sa atinโdahil ang Ingles ay susi sa pakikipag-ugnayan sa mundo, ngunit ang Filipino ang nagpapanatili ng ating pagka-Pilipino. Walang timbangan ang dapat maganap. Pareho itong nag-iwan ng malaking marka sa ating kasaysayan, at pareho itong magdadala sa atin sa mas matayog na kinabukasan.
| Raffaela Cagayat
Disenyo ng Pahina: Elaisa V. Dilao