Student Activity Council - HFA

Student Activity Council - HFA welcome to the official page of the Student activity council of Holy Family Academy

Best of luck, Familians! ๐Ÿ’™โ€œHindi man pumasa sa kaniyaโ€ฆ at least sa exam pasadoโ€Remember:Stay focused.Read carefully.Doub...
24/08/2026

Best of luck, Familians! ๐Ÿ’™
โ€œHindi man pumasa sa kaniyaโ€ฆ at least sa exam pasadoโ€

Remember:
Stay focused.
Read carefully.
Double check your answer.
Pray before your examination.
Believe in yourself.

Magreview na at baka hindi kayanin ni Batman kung lahat tayo ay nagtitiwala sa โ€œBahala na si Batmanโ€.

Magrereview o stock knowledge na lang? Good luck and God bless you, Familians! ๐Ÿ’›

19/08/2026

๐…๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ๐€๐ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜: ๐Ž๐๐„๐ ๐“๐‘๐€๐๐’๐€๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐๐’ ๐“๐Ž๐Œ๐Ž๐‘๐‘๐Ž๐–
Please be informed that HFA will have open transactions tomorrow, Thursday, August 20, 2026 for those who need to process or inquire about school-related concerns.

Parents and guardians who have pending transactions may visit the school during office hours. We encourage everyone to coordinate with the concerned office for a smooth and orderly transaction.

Thank you for your continued cooperation and support.

19/08/2026

๐…๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ๐€๐ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ | ๐’๐”๐’๐๐„๐๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐…๐€๐‚๐„-๐“๐Ž-๐…๐€๐‚๐„ ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐„๐’ | ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

In accordance with Memorandum Circular No. 131 issued by the Office of the President this afternoon, face-to-face classes at all levels in public and private schools throughout the Province of Batangas are suspended tomorrow, August 20, 2026 (Thursday), due to the expected inclement weather brought about by the Southwest Monsoon (Habagat).

In compliance with the said directive, Holy Family Academy of Padre Garcia, Batangas, Inc. will temporarily implement Alternative Learning Modes to ensure the continuity of learning.

All Familians are advised to stay safe, monitor official announcements, and coordinate with their respective teachers regarding learning activities and instructions.

Stay safe, Familians!

18/08/2026

๐…๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ๐€๐ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ-๐˜๐—ผ-๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€ | ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

In accordance with the Memorandum Circular No. 129 issued by the Office of the President and the recommendation of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) due to the anticipated inclement weather brought about by the Southwest Monsoon (Habagat), face-to-face classes from Pre-School to Senior High School are suspended tomorrow, August 19, 2026 (Wednesday), in all public and private schools in the Municipality of Padre Garcia.

In view of this suspension, Holy Family Academy of Padre Garcia, Batangas, Inc. will temporarily implement Alternative Learning Modes to ensure the continuity of learning. Learners are advised to monitor their respective teachersโ€™ announcements and instructions regarding the learning activities and requirements to be accomplished during the suspension.

We encourage everyone to remain vigilant, prioritize safety, and continue to monitor official announcements from the school and local authorities regarding any further updates.

Please stay safe, dear Familians!

MGA AKTIBIDAD SA BUWAN NG WIKA 2026Tema:โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Imporma...
18/08/2026

MGA AKTIBIDAD SA BUWAN NG WIKA 2026

Tema:
โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.

Narito ang mga aktibidad na ating isasagawa ngayong buwan bilang bahagi ng paglinang sa ating pagpapahalaga sa Wikang Filipino, kultura, pananaliksik, at makabagong teknolohiya.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, layunin nating maipamalas ang talento, pagkamalikhain, kaalaman, at kakayahan ng bawat mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino bilang mahalagang kasangkapan sa pagkatuto at pananaliksik.

Halinaโ€™t makiisa at maging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.

Mabuhay ang Wikang Filipino!



๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐„๐–๐’ | ๐—š๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—›๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ, ๐Ÿด-๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—น, ๐—œ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ Itinanghal na...
18/08/2026

๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐๐„๐–๐’ | ๐—š๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—›๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ, ๐Ÿด-๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—น, ๐—œ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Itinanghal na kampeon ang Guardian of Hope, na naghakot ng 496 na pangkalahatang puntos mula sa kompetisyon sa elementarya, samantalang ang Sta. Isabel mula sa ika-8 na baitang naman ay nagsungkit ng 334 na puntos sa sekondarya at nagkamit ng titulong kanilang pinakahihintay.

Kahapon, ika-17 ng Agosto, sa Holy Family Academy of Padre Garcia, Batangas, Inc., idinaos ang pagbibigay-parangal sa pangkalahatang kampeon ng elementarya at sekondarya sa SIGLAKASAN 2026. Isinagawa ang programang ito upang mabigyan ng pagkilala ang mga grupo na nagpakita ng kanilang natatanging kagalingan sa isports, na mayroong palabang diwa ng isang Marelliano at lakas ng isang Josepino. Matapos ang pagpapamalas ng kahusayan ng Familians sa paglalaro sa loob ng anim na araw, kanilang napagtagumpayan ang huling araw ng kompetisyon.

Sa pangalawang puwesto, ang Guardian of Love ng elementarya ay nagbulsa ng 489 na puntos, at ang San Jose sa ika-10 na baitang sa sekondarya naman ay nakapagtala ng 322 na puntos mula sa kompetisyon.

Ang Guardian of Faith naman ang nag-uwi ng 450 na puntos at ikatlong pwesto sa elementarya. Sa kabilang dako, ang Santa Maria mula sa ika-8 na baitang naman ay nagkamit ng 310 na puntos sa sekondarya.

Ang mga larong pinangunahan ng Guardian of Hope ay ang panlalaking kategorya ng Basketball sa Key Stage (KS) 1 at KS 2, ang pinaghalong kategorya ng Volleyball sa KS 2, ang pambabaeng kategorya ng Badminton sa KS 2, ang panlalaking kategorya ng Chess sa KS 2, at ang panlalaking kategorya ng 50m Dash sa KS 2. Ipinamalas din ng Guardian of Hope ang kanilang husay sa Obstacle Course at Tug of War sa KS 1, Egg and Spoon Race, Blow the Cup, Ring Toss, at Tire Race.

Binigyang-pahalaga rin ang mga seksyon na nagkamit ng pang-apat hanggang panglabintatlong pwesto. Ang nagkamit ng pang-apat na puwesto at 300 na puntos ay ang San Juan Pablo II mula sa ika-12 na baitang. Habang ang nagkamit ng panglimang puwesto, na may 294 na puntos, ay ang San Marcos mula sa ika-9 na baitang.

Sumunod naman ang San Agustin ng Hippo mula sa ika-12 na baitang sa pang-anim na puwesto, na mayroong 290 na puntos. Ang Santo Tomas de Aquino mula sa ika-12 na baitang naman ang pumasok sa ika-pitong puwesto na may 288 na puntos. Ang nagsungkit naman ng 282 na puntos ay ang Santa Clara ng Assisi mula sa ika-11 na baitang na nasa ikawalong puwesto.

Sa ikasiyam na puwesto naman ay ang San Mateo mula sa ika-9 na baitang, kasama ang kanilang 279 na puntos. Ang San Lorenzo Ruiz naman mula sa ika-7 na baitang ay nakatamo ng ikasampung puwesto at 236 na puntos.

Sa Santa Catalina ng Siena naman napunta ang parangal na panglabing-isang puwesto na may puntos na 231. Ang nakatanggap naman ng ikalabindalawang puwesto, na may 215 na puntos, ay ang Sta. Madre Teresa ng Calcutta mula sa ika-11 na baitang. Ang San Jose Marello mula sa ika-12 na baitang naman ay nag-angkin ng 211 na puntos at panglabintatlong puwesto.

Ipinamalas ng bawat Familian ang kanilang husay, determinasyon, pagkakaisa, at palaban na diwa sa buong SIGLAKASAN 2026. Sa bawat laro at kompetisyon, naging mahalagang bahagi ang kanilang kasiglahan at pagtutulungan sa sama-samang paghubog ng kasanayan at diwang Marelliano at lakas Josepino.

๐Ÿ–‹๏ธ: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ผ๐—ผ๐˜๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐˜๐˜€ (Trystan Jacob R. Beleno)
๐Ÿ“ท: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ผ๐—ผ๐˜๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐˜๐˜€
๐Ÿ’ป: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ผ๐—ผ๐˜๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐˜๐˜€

17/08/2026

๐…๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ๐€๐ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

Suspension of Face-to-Face Classes | August 18, 2026

In accordance with Memorandum Circular No. 128 issued by the Office of the President, please be informed that face-to-face classes at all levels in both public and private schools throughout the Province of Batangas are suspended tomorrow, August 18, 2026 (Tuesday).

In view of this, Holy Family Academy will temporarily implement Alternative Learning Modes to ensure the continuity of learning despite the suspension of face-to-face classes.

All students are advised to stay updated on announcements from their respective teachers and to comply with the assigned learning activities and requirements for the day.

Parents and guardians are likewise encouraged to provide the necessary guidance and support to their children as they participate in the alternative learning activities.

The safety and well-being of every Familian remain the top priority of the school.

Stay safe, Familians!

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐– | PAGSULAT NG SANAYSAY          Kasalukuyang isinasagawa ng mga mag-aaral ng Baitang 7 ang Pagsulat ng San...
17/08/2026

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐– | PAGSULAT NG SANAYSAY
Kasalukuyang isinasagawa ng mga mag-aaral ng Baitang 7 ang Pagsulat ng Sanaysay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 gamit ang Genyo Learning Management System.

Tampok sa gawain ang temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik, Daluyan ng Karunungan, at Sandigan ng Maka-Diyos na Pagkatuto,โ€ na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang mga kaisipan at pananaw sa pamamagitan ng pormal at malikhaing pagsulat sa wikang Filipino.

๐Ÿ–‹๏ธ: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ผ๐—ผ๐˜๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐˜๐˜€
๐Ÿ“ท: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—™๐—ผ๐—ผ๐˜๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐˜๐˜€

16/08/2026

Address

Brgy. Banaba
Padre Garcia
4224

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Student Activity Council - HFA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Student Activity Council - HFA:

Shortcuts

Share

Category