01/09/2024
🎉 Ipinapakilala ang Bagong SPTA at BOD para sa Taong Panuruan 2024-2025!
Matagumpay na naisagawa ang eleksyon para sa School Parents Teachers Association (SPTA) at Board of Directors (BOD) para sa taong panuruan 2024-2025 noong Agosto 30, 2024 at ngayon ay buong galak naming ipinapakilala ang ating mga bagong halal na lider!
President: Mrs. Gemma Kasilag
Vice President: Mr. Gilbert Dimaandal
Secretary: Ma'am Marie Paz P. Capuchino
Treasurer: Mrs. Nila Petoral
Auditor: Ms. Nympha Cuevas
P.I.O. : Mr. Manolito Datinggaling
P.O. : Mrs. Raquel Macalalad
Teacher Board of Directors:
Sir Bryan Rose D. Diones
Sir Lowel P. Dalisay PhD
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakibahagi sa eleksyon at sa bawat isa na naglaan ng oras upang bumoto. Ang inyong suporta ay napakahalaga sa pagpili ng mga pinunong magpapatuloy sa ating mga nasimulan at magdadala ng mga bagong ideya para sa ikauunlad ng ating paaralan.
Sa mga bagong opisyal, kami po ay naniniwala sa inyong kakayahan at dedikasyon. Nawa'y maging matagumpay ang inyong pamumuno at patuloy na maging inspirasyon sa ating komunidad.
Maraming salamat muli sa inyong lahat! Sama-sama nating abutin ang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga anak.